Wikang Pambansa

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 40

Introduksyon sa

Wikang Pambansa,
Opisyal at Panturo
Wikang Pambansa

 Isang wikang magiging daan


ng pagkakaisa at pag-unlad
bilang simbolo ng kaunlaran
ng isang bansa.
Wikang Pambansa

 Kinikilalang pangkalahatang
midyum ng komunikasyon sa
isang bansa. Kadalasan, ito ang
wikang ginagamit sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng lahat ng
mamamayan ng isang bansa.
Wikang Pambansa
 Ayon sa Saligang Batas ng
Biak na Bato
-Ang Tagalog ang magiging
opisyal na Wika ng
Pilipinas.
Pagpili
 Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV,
Sek. 3
• "Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa mga na
umiiral na katutubong wika.
Hanggang hindi nag tatadhana ng
iba ang batas, ang Ingles at Kastila
ang patuloy ng gagamiting mga
wikang opisyal". 
Walong Pangunahing
Wika sa Bansa
Tagalog
Cebuano
Ilokano
Hiligaynon
Bikol
Samar-Leyte o Waray
Pampango o Kapampangan
Pangasinan o Pangalatok
Pagpili
 Suriang Wikang Pambansa
(SWP)
• itinatag noong Nobyembre 13,
1936 ng Batas Pambansa Blg.
184 (binuo ng Saligang Batas
Pambansang Asamblea)
• Pinili ang Tagalog bilang
batayan ng bagong
pambansang wika.
Pagpili
Disyembre 30, 1937
•Pinili at ipirinoklama
ng Pangulong Quezon
ang Tagalog bilang
batayan ng bagong
pambansang wika.
Manuel L. Quezon
Ama ng Wikang Filipino
Unang Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas
“Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan
tungkol sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit
na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat” – halaw mula sa
kanyang talumpati sa Malakanyang.
Pagpili
1940
•Ipinag-utos ang
pagtuturo ng Wikang
Pambansa sa lahat ng
pampubliko at
pribadong paaralan sa
buong bansa.
Bakit pinili ang Tagalog bilang
Wikang Pambansa?

 Ang Tagalog ay malawak na


ginagamit sa mga pag-uusap ng mga
Pilipino at marami din sa bansa ang
nakakaintindi ng wikang ito.
Bakit pinili ang Tagalog bilang
Wikang Pambansa?

 Hindi ito nahahati sa mga


mas maliliit at hiwa-hiwalay
na wika, tulad ng Bisaya.
Bakit pinili ang Tagalog bilang
Wikang Pambansa?

Ang tradisyong pampanitikan nito


ang pinaka mayaman at ang pinaka
maunlad at malawak. Higit na
mararaming aklat ang nakasulat sa
Tagalog kaysa iba pang mga
katutubong wikang Awstronesyo.
 Ito ang wika ng Maynila
– ang kabiserang
pampulitika at pang
ekonomiya sa buong
bansa.
At pinakahuli ay ang Tagalog
din ang wikang ginamit noong
rebolusyon at ng mga
katipunero kung saan ang
salik na ito ay mahalagang
elemento sa kasaysayan ng
Pilipinas.
Hunyo 4, 1946
- Ipinagkaloob ng mga
Amerikano ang ating
kalayaan, ang Araw ng
Pagsasarili ng Pilipinas.
Ipinahayag din na ang
wikang opisyal ng bansa ay
Tagalog at Ingles sa bisa ng
Batas Komonwelt Blg. 570.
1959
- Ibinaba ni Kalihim
Jose B. Romero ng
Kagawaran ng
Edukasyon ang
KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN
BILANG 7.
- Nagsasaad na
kailanma’t
tutukuyin ang
Wikang
Pambansa, ang
salitang PILIPINO
ang gagamitin.
Saligang Batas ng 1973
- Ang Batasang
Pambansa ay dapat
magsagawa ng mga
hakbang tungo sa
paglinang at pormal na
adapsyon ng Wikang
Pambansa na
tatawaging FILIPINO.
1987
-Pinalabas ni Lourdes
Quisumbing ng Departamento
ng Edukasyon, Kultura at
Isports ang Kautusan Blg 52
na nag-uutos sa paggamit ng
Filipino bilang panturo sa
lahat ng antas ng paaralan
kaalinsabay ng Ingles na
nakatakda sa patakaran ng
edukasyong bilinggwal.
Saligang Batas ng
1987
- FILIPINO ang
ngalan ng Wikang
Pambansa ng
Pilipinas.
Artikulo 14 Seksiyon 6 ng
Saligang Batas ng 1987
“ Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay FILIPINO.
Samantalang nalilinang,
ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig
sa umiiral na mga wika sa
Pilipinas at iba pang
wika’’.
Wikang Opisyal
 Itinadhana ng batas na
maging wika sa
opisyal na talastasan
ng pamahalaan.
Wikang Opisyal
 Ginagamit sa opisyal na
komunikasyon ng estado
sa kanyang mga
mamamayan at ibang
bansa sa daigdig.
Wikang Opisyal
 Bago maging opisyal ang isang wika,
 maraming pag aaral ang isinagawa
upang malaman kung ano ang pinaka
karapat dapat na wika para sa bansa.
Tiniyak ng gobyerno na tama ang
pagpili ng wika para sa buong kapuluan
at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan
ng pagsaalang-alang ng ibat' ibang salik.
Wikang Opisyal
• Ayon kay Virgilio Almario
ang wikang opisyal ay ang
itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.
Paano naging wikang opisyal ang
Wikang Pambansa?
 Batas Komonwelt blg. 570
• Ang wikang pambansa ay ipinahayag
bilang opisyal na wika simula Hulyo 4,
1946
 Konstitusyon ng 1973 (Artikulo XV, Sek.
3)
• “Hangga’t walang ibang itinatadhana
ang batas, ang Ingles at Filipino ang
magiging opisyal na wika.”
Paano naging wikang opisyal ang
Wikang Pambansa?

 Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon


ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7)
• “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika. Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas,
Ingles…”
Wikang Panturo

 Ang wikang panturo ang


opisyal na wikang ginagamit
sa pormal na edukasyon.
Wikang Panturo

 Ito ang wika ng talakayang


guro-mag-aaral na may
kinalaman sa mabisang
pagkatuto dahil dito
nakalulan ang kaalamang
matututuhan sa klase.
Wikang Panturo

 Ito ang wika sa


pagsulat ng mga aklat
at kagamitang panturo
sa mga silid aralan.
Wikang Panturo
 Sa pangkalahatan ay
FILIPINO at INGLES ang
mga opisyal na wika at
wikang panturo sa mga
paaralan.
Mother Tongue- Based
Multi-Lingual Education
Sa K to 12 Curriculum, ang
mother tongue o unang wika
ng mga mag-aaral ay naging
opisyal na wikang panturo
mula Kindergarten hanggang
Grade 3.
Wikang Panturo

19 na Wika
Tagalog Kapampangan Pangasinense

Iloko Bikol Chavacano


Cebuano Ybanag Ivatan
Sambal Aklanon Kinaray-a
Yakan Surigaonon Hiligaynon 
Wikang Panturo

Ang mga wika at dayalektong ito


ay ginagamit sa dalawang
paraan:
A) Bilang hiwalay na
asignatura
B) Bilang wikang panturo
Wikang Panturo

Ayon kay DepED Secretary Brother


Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng
wikang ginagamit din sa tahanan sa
mga unang baitang ng pag-aaral ay
makatutulong mapaunlad ang wika at
kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural”
Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa
Wika
 Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988)
• Idineklara ang pagdiriwang ng Linggo ng
Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto
kada taon.

 Proklamasyon Blg. 1041 (Enero 1957)


 idineklara naman ni Pangulong Fidel V.
Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang
Pambansang Buwan ng Wika
Ilan pang mahahalagang batas tungkol sa
Wika

 Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996)


• Nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi
na ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa
CHED. Nag atas ito ng pagsasasama sa
mga kurikulum ng siyam (9) na yunit ng
Filipino sa mga kolehiyo at pamantasan.

You might also like