Pandi Wa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PANDIWA

DEPINISYON
MGA SALITANG NAGPAPAKILOS O NAGBIBIGAY BUHAY SA ISANG
LIPON NG MGA SALITA.
HALIMBAWA:
a.Inalis niya ang bara ng kanal.
b.Naglandas sa kanyang pisngi ang luha
c.Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
d.Lumuhod ang mga tala.
PAGBUBUO NG MGA PANDIWA:
Nabubuo ang pandiwa sa pamamagitan ng pagsasama ng mga panlapi at
salitang –ugat.
Halimbawa:
a.Inalis
Alis-salitang-ugat
-in(hulapi)
Alisin-pawatas ng pandiwa(pagsasamahin ang panlapi at ang salitang-ugat)
b.Naglandas
Landas-salitang-ugat
Mag-unlapi
Maglandas-pawatas
PAGBUBUO NG MGA PANDIWA
1.Kapag ang panlapi ay nagsisimula sa M ito ay napapalitan ng N kapag ang
kilos ay naganap at nagaganap.Magiging M ang N kapag ang kilos ay
gaganapin pa lamang.
Halimbawa:
Inis (mang-) mang-inis-nang-inis,nang-iinis,mang-iinis
hablot-(mang-)manghablot,nanghablot,nanghahablot,manghahablot
2.Kapag ang pandiwa ay banghay sa um maging ito ay gitlapi o
unlapi ang pawatas at naganap ay iisa ng anyo.
Halimbawa:
Kanta(-Um-)
kumanta;-kumanta-kumakanta-kakanta
Alis(-um) kumanta-kumanta-kumakanta-kakanta
3.Kapag ang pandiwa ay banghay sa unlaping(pag-)at hulaping
(-han)
an)nagkakaroon ng gitlaping (-in-)sa naganap at nagaganap
Hal sabi(pag-/-han)pagsabihan-pinagsabihan-pinagsasabihan-
pagsasabihan
4.Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping (-an)nagkakaroon
ng gitlaping(- in-)ngunit kapag ang salitang –ugat ay
nagsisimula sa patinig ito ay nagiging unlapi
Halimbawa;

Sabi(pag-/-han pagsabihan-pinagsabihan-pinagsasabihan-
pagsasabihan
Alat(-an)alatan-inalatan-inaalatan-aalatan
Banghayin ang mga sumusunod naa salita,Isaalang-alang ang
mga paraan at panlaping ginamit.Ibigay muna ang pawatas bago
ang aspekto.

1.laban(pag-/-an)
2.hataw(mang-)
3.alat(-an)
4.hambalos(-in)
5.laro(ipang-)
GAMIT NG PANDIWA
1.Pandiwa bilang Aksiyon-nagpapahayag ito ng kilos na
ginawa,ginagawa o gagawin pa lamang at may aktor na
gumagawa ng kilos.Panlapi na maaaring gamitin
um,mag-,ma-,mang-,maka-,mag…an.
a.Umakyat ng bundok ang mga tao nang dahan-dahan.
b.Nagbigayan ng ngiti ang mga tao sa kabilang daan.
2.Pandiwa bilang Pangyayari-nagsasaad ito ng kilos ng isang
kaganapan na resulta ng isang pangyayari.Maaaring kakitaan ng
sanhi at bunga.
a.Dali-daling lumabas ng bulwagan si Thea nang makita ang
paparating na bisita.
b.Nagdeklara ng lockdown ang pangulo dahil sa patuloy na pagtaas
ng kaso ng covid 19 sa bansa.
3.Pandiwa bilang karanasan-nagsasaad ito ng personal na
karanasan o damdamin/emosyon.madaling matutukoy
ang actor na nakararamdam.
a.Natatakot si Amira sa mga kaluskos na kanyang
naririnig.
b.Nagalit si Venus kay Psyche dahil sa taglay nitong
kagandahan.
Gawain:Isulat ang PA kung ang pandiwa ay ginamit
bilang aksyon,PP kung pangyayari at PK kung
karanasan.
1.Pinalibutan ng lahat si Patroclus.
2.Nalito si Achilles sa mungkahi ni Iris.
3.Lalaban ako ina,hanggang sa huli kong hininga.
4.Ipinadala niya sa giyera ang matalik na kaibigang si Patroclus.
5.Lalaban ako ,ina,dahil kailangan kong maipaghiganti si Patroclus.
6.Bibigyan niya ako ng bagong kalasag mula kay Vulcan.
7.Napaatras ang mga kabayong may hila-hilang karwahe nang
marinig ang mga sigaw.
8.Nagapi siya ni Hector ,ang magiting na Prinsipe ng Troya.
9.Nagtungo siya sa ituktok ng Olympus kung saan nakatira si
Vulcan ,ang diyos ng apoy.
10.Lalong nahabag si Thetis nang makita ang kalagayan ng anak.

You might also like