Professional Documents
Culture Documents
Register NG Wika
Register NG Wika
Register NG Wika
WIKA
Dayalek – ito ang barayti ng wikang ginagamit sa
isang pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na
lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. ang barayti
ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang
wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon,
lalawigan o pook, malaki man o maliit.
Halimbawa
ito
ay pansariling paraan o istilo sa
pagsasalita. Makikita rito ang katangian at
kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
Halimbawa:
Halimbawa:
tagalog Ilokano Cebuano bikolano
VIRUS AGHAM
/TEKNOLOHIYA
Malware o software na
nakakakasira ng Sistema ng
kompyuter
1. Pagpili ng Paksa
Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapagtibay
ang pinaninindigang opinyon o posisyon. Gumamit ng mga
datos, opinyon, estadistika at iba pang mga anyo ng mga
katibayan upang maging kapni-paniwala at
mapagkakatiwalaan ng mambabasa.
2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik
Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy
kung ang katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong
paninindigan. Maaaring gumamit ng mga datos mula sa
Internet, ngunit tiyaking educational site (.edu) ng mga
institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng
gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga propesyonal na pag-
aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-
aklatan at gumamit ng nailathala nang mga pag-aaral patungkol
sa iyong paksa.
3. Hamunin ang Iyong Sariling Paksa
Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod
pa sa nalalaman mo tungkol sa iyong sariling paninindigan upang
mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na
posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na
maaari mong makuha bilang suporta sa iyong pananaw. Dapat
harapin at kilalanin sa iyong posisyong papel ang mga kasalungat ng
posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos,opinyon,
estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito.
4. Magpatuloy Upang Mangolekta ng Sumusuportang Katibayan
Matapos matukoy na nag iyong posisyon ay makatitindig na aat ang
kasalungat na posisyon (sa iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa
iyong sariling posisyon, ikaw ay handa na sa iyong pananaliksik.
pumunta sa akalatan at maghanap ng mas maraming mapakukunan ng
datos. Maaari ding magsagawa ng opinyon ng isang dalubhasa o
eksperto sa paksa ( tulad ng doktor, abogado o propesor). gayundin ng
mga personal na karanasan mula sa isang kaibigan o miyembro ng
pamilya, personal na salaysay ng ibang tao at iba pang maaaring
makaantig sa damdamin ng mambabasa.
5. Lumikha ng Balangkas (Outline)
Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong
papel.
a. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng
pangkaligirang impormasyon ( Background information). Gumawa ng pahayag
ng tesis na iginigiit ang iyong posisyon.
b. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posiyon.
c. Ipakita rin ang mga posibleng sumusuportang punto ng mga kasalungat na
pananaw ng iyong posisyon.
d. Pangatwiranang pinakamahusay at nakatayo pa rin ang iyong posisyon sa
kabila ng mga kontra-argumento (sa b at c)
e. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.
Pagsulat ng
Replektibong
Sanaysay
Replektibong Sanaysay
Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga
pangkaraniwang isyu, pangyayari o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan
ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na
karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o
pangyayaring kanyang nasaksihan ( Baello, Garcia,
Valmonte, 1997).
Bahagi ng Replektibong Sanaysay
1. Panimula
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o
pagpapaliwanag ng paksa o gawain. Maaaring ipahayag nang
tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga
ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na
pupukaw sa interes ng mambabasa.
2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay
binibigyang-halaga ang maigting na damdamin sa
pangyayari. Ang katwan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng malaking bahagi ng sanaysay,
obserbasyon, realisasyon at natutuna. Ipinaliliwanag din
dio kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat
na baguhin sa karanasan, kapaligiran o sistema.
3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat
mag-iwan ng isang kakintalan sa mambabasa. Dito na
mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga
pananaw niya rito. Dito rin niya masasabi kung ano
ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng
katauhan at kaalaman para sa lahat.
Pagsulat ng Lakbay-
Sanaysay
Lakbay-Sanaysay
Nagtataglay ito ng mga pahayag tungkol sa
karanasan sa paglalakbay. Isinusulat ito upang
ilahad sa mambabasa ang mga nakita at
natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama :
paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy at
pandinig.
Mga Mungkahing Gabay sa Pagulat ng Lakbay-
Sanaysay
1. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat
magsaliksik o magbasa tungkol sa kasaysayan nito.Pag-aralan ang
kanilang kultura, tradisyon at relihiyon. Bigyang-pansin din ang
sistemang politikal at ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din ang
lengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang
naaabot ng paningin, talasan ag isip, palakasin ang pandama at
pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.
3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga
kathang-isip na ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na mdali
itong bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing elemento.
5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang
organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na
pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-
unawa sa mga ideyang isususlat.
6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating
lakbay-sanaysay.
Pagsulat
Sumulat ng isang lakbay-sanaysay tungkol
sa isang lugar na iyong napuntahan gamit ang
mga ibinigay na hakbang sa pagsulat. ilakip
ang larawan ng lugar na iyong napuntahan sa
paggawa ng sanaysay.
Paglikha ng
Pictorial Essay
Ang larawang sanaysay na tinatawag sa ingles na
pictorial essay o kaya ay photo essay na para sa iba ay mga
tinipong larawan nan isinasaayos nang may wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng
isang konsepto.
Ang larawang sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng
sanaysay na guamgamit ng mga pamamaraan sa
pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo
ang mga binuong larwan o dili kaya'y mga larawang may
maikling teksto o caption.
Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng larawang
sanaysay
1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang -alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga
pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakupukaw sa
damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagkasunod-sunod ng
pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka
muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing saysay gamit ang
mga larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw
ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang -sanaysay ay
ngpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya
at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa
framing, komposisyon,kulay at pag-iilaw. Kung minsan,
mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng
ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng
damdamin na isinasaad nito.