Colorful Illustration Palengke Tips PH Presentation

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

"Bili na

8 wais palengke tips from the pros

Suki!"
"Tapat na po!"
"Magkano po ito?"
"Pwede po bang
tumawad?"
Ilan lang ito sa mga salitang madalas mong maririnig kung nasa
palengke ka.

First time mo bang mamamalengke o kailangan lang ng onting


payo? May 8 wais tips kami para sa'yo!
Palengke Tip 1:

Mamalengke
nang maaga.
Maaga magsimula ang araw sa palengke kaya 'wag pahuhuli!
Madalas dinadala ang mga bagong gulay, prutas, at karne
mga alas-6 ng umaga. Rise and shine at mamalengke ng
maaga para makapili at makapamili ng mabuti.
Palengke Tip 2:

Bilin muna ang


gulay at prutas bago
karne.
Mabilis masira ang karne kung hindi ito ilalagay agad
sa ref. Kaya mabuting ihuli ang pagbili nito at unahin
muna ang gulay at prutas. Subukan mo ring umuwi
agad para walang banta ng pagkasira ang mga
pinamalengke.
Palengke Tip 3:

Bumili ng gulay
na mahaba-haba
ang shelf life
Magkaroon ng supply ng gulay sa bahay na mahaba-haba
ang shelf life para hindi pabalik-balik sa palengke. Mga
halimbawa ng gulay na mahaba ang shelf life ay patatas,
repolyo kalabasa, sibuyas, bawang, at monggo.
Palengke Tip 4:

Amuyin at tingnan
ang balat ng prutas
Maging mapanuri kapag namimili ng prutas.
Hindi sapat na maganda itong tingan!

Kung bibili ng mansanas, saging, o santol, pindutin ang balat nito nang
dahan-dahan. ‘Wag nang bilin kung malambot ang balat. Senyales 'to
na malapit na itong masira.

Amuyin din ang prutas para siguradong fresh ang bibilhin. ‘Wag bilin
ang prutas kung maasim na sa pang-amoy.
Palengke Tip 5:

I-check mabuti ang texture


at kulay ng karne.

Para siguradong safe kainin ang karneng bibilhin sa palengke,


dapat firm ito kapag hinawakan.

Maging mapanuri din sa kulay. Ang beef ay mamula-mula


dapat. Ang pork ay dapat medyo pink. Safe at fresh ang
manok kung maputi ang kulay nito.
Palengke Tip 6:

Magdala ng listahan at bayong.


Ilista ang mga kailangan para siguradong sapat lang
ang bibilhin. Maganda rin itong habit para tipid.

Magdala ng bayong o sariling eco bag para madaling


bitbitin ang mga pinamili. Magdala din ng reusable
plastic containers na paglagayan ng karne para iwas
gamit ng plastic bag.
Palengke Tip 7:

Ikutin ang Tsinelas, mop, walis, bunot,


doormat at mga damit pambahay

dry section
- ilan lang 'yan sa napakaraming
bagay na maaari mahanap sa dry
section ng palengke.

ng palengke.
Suportahan natin ang mga small business owners at
tangkilikin ang kanilang mga produkto. Ang mga
bagay na minsan mahirap bilhin sa supermarket,
kadalasan madaling makikita sa palengke.
Palengke Tip 8:

Siguraduhing tama
ang timbang,
walang labis at
walang kulang
Lalo na kung mamili ng isda at bigas, dapat malinis at
walang laman ang lalagyan bago ito timbangin. Ang
mga timbangan sa palengke ay iniinspeksyon din para
walang daya.
May mababahagi
ka bang palengke tip
base sa inyong
personal experience?

You might also like