Ang Guryon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

MOTIBASYON

LAYUNIN
A. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita at simbolong ginamit sa tula.
B. Nasasagot ang mga katanungan sa tula.
C. Natutukoy ang mensaheng nais ipahayag ng tula.
Ang Guryon
Ni ILDEFONSO P. SANTOS SR.
TALASALITAAN

GURYON SARANGGOLA PAPAWIRIN HIMPAPAWID

PISI TALI MAKIPAGDAGITAN MAKIPAGLABAN

LAGUTIN PUTULIN MADAIG MATALO

MAPAPABUYO MAHIHIKAYAT MARUPOK MAHINA


ANG Guryon video
ILDEFONSO P. SANTOS SR.
• isang makata na isinilang sa
bayan ng Malabon, sa nayon
ng Baritan noong 23 Enero,
1897
• Natapos si Ildefonso Santos ng
kursong edukasyon.
• Nang simulang ipaturo ang
Pambansang Wika, siya ang kauna-
unahang nagturo ng Pilipino sa
National Teacher's College
ANG GURYON
Ni Ildefonso Santos

MGA PANTIG Tanggapin mo anak, itong munting guryon


Na yari sa patpat at “papel de Hapon”
TALUDTUD
Magandang laruan pula, puti, asul
Na may panagalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin,


Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
SAKNONG
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
 
Ibigin ma’t hindi, balang araw, ikaw
Ay mapapabuyong makipagdagitan;
Makipaglaban ka, subalit tandaan
Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
 
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig
Matangay ng iba o kaya’y mapatid;
Kung saka-sakaling dina mapabalik
Maawaing kamay nawa ang magkamit!
 
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
Dagiti’y dumagit saan man sumuot…
O, piliparinmo’t ihalik sa Diyos,
Bago patuluyang sa lupa:’y sumubsob!
Ito ay isang uri ng tulang tradisyonal sapagkat
ito ay magkakatulad na sukat sa bawat
taludturan at mayroong tugmaan

Simple man ang mga salitang


ginamit , ito ay kakakitaan pa rin ng
maraming simbolismo
SIMBOLISMO
GURYON BUHAY O PANGARAP

HANGIN PAGSUBOK
PISI PAGIGING MATATAG

KAMAY HANDANG TUMULONG

LUPA KABIGUAN
PANGKATAN GAWAIN

1. Unang pangkat – gagawa ng Malayang tula


2. Pangalawa pangkat- gagawa ng
Tradisyonal na tula
Pamantay 1 PUNTOS 2 PUNTOS 3 PUNTOS 4 PUNTOS 5 PUNTOS
an ng
pagmama
rka
Katumpakan Hindi namalas Limitado o ilang Namalas ngunit Mahusay na Napakahusay na
bahagi lamang ang may kakulangan naipamalas o naisakatuparan
namalas naipakita ang lahat

Kasiningan ng
tinatanghal

Orginasyom/
kaayusan ng lahat
PAGLALAPAT

Ano-anong mga pakikibaka ang


kinakaharap ng guryon?

Ano ang mga pakikibakang


kinakaharap natin sa buhay?
PAGLALAPAT
Ano ang hiniling ng ama sa kanyang
anak bago paliparin ang guryon?

Bilang mag-aaral, ano ang


nararapat mong gawin upang
balansehin ang inyong oras?
PAGLALAPAT
Ano ang bilin ng ama sa anak tungkol sa
pakikibaka sa buhay?

Ano ang ibig sabihin ng “ ang


buhay ng guryon, marupok,
malikot…”?
EBALWASYON
PANUTO : Sa pamamagitan ng Word Association,
magbigay ng mga salita, bagay o pahayag na
maiiugnay sa salitang guryon. May isa ng sagot na
ibinibigay upang iyong sundan

GURYON
TAKDANG-ARALIN
•Sa 1/8 Illustration board, gumamit ng
isang larawan na naglalarawan
sa tula. Maaaring gumamit ng iba’t-ibang
kulay upang lalong magkaroon ng buhay
ang inyong sining.

You might also like