Ang Bionote o Biography Note ay maituturing bilang isang
suliting nagbibigay ng impormasyon at marketing tool na may tungkuling ipakikilala ang isang indibidwal o ang katauhan ng isang awtor sa mga mambabasa o tagapakinig. Kadalasang ito ay makikita sa likurang ng pabalat ng libro na sinasamahan ng isang lirato ng awtor. Sa pagsulat nito, maikling paglalarawan lamang ang nilalaan na binubuo ng dalawa o tatlong pangungusap at nilalahad gamit ang pangatlong panauhan. Ano ang layunin ng pagsulat ng bionete?
Ang mga pangunahing layunin ng pagsulat
nito ay: Una,upang makapagpamahagi ng iba’t ibang kaalaman o impormasyon na magiging daan upanglubusang makikila ang katangain ng pinakilalang awtor na eksperto sa paggawa ng mga akda nito. Dagdag pa rito, sa pagsulat ng Bionote naipapahayag din ang mga kalipikasyon nglumikhang indibidwal na may kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel. Isa pang gamit ng bionote, ito ay kinakailanagn ng isang propesyonal na tao sa paghahanap ng trabaho na naglalayong ilahad ang iba’t ibang kwalipikasyon sa trabahong nais pasukan o inaaplyan. Karaniwang nagbibigay diin ito sa edukasyon, mga parangal, mga paniniwala, adbokasiya, at iba pa na konektado sa akda ng awtor. Pangalawa at pinakahuli, ito ay naglalahad ng kredibilida ng awtor bilang isang propesyonal na mamamayahag. Mga uri ng bionete 1.Maiklingtala ng may akda Ito ay ginagamit para sa sulating journal at antolohiya. Maikli ang pagkakabuo ng sulatin ngunit siksik sa impormasyon Nilalaman ng isang maikling tala ay ang mga sumusunod: a.Pangalan ng may-akda b.Pangunahing Trabaho c.Edukasyong natanggap d.Akademikong parangal e.Dagdag na Trabaho f.Organisasyon na kinabibilangan g.Tungkulin sa Komunidad h.Mga proyekto na iyong ginagawa 2. mahabang tala ng may akda 2. Mahabang tala ng may akda. Curriculum Vitae, aklat, tala sa aklat ng pangunahing Manunulat, tala sa hurado ng mga lifetime awards at tala sa administrador ng paaralan. Nilalaman ng isang mahabang tala ng may akda 1. Kasalukuyang posisyon 2. Pamagat ng mga nasulat 3. Listahan ng parangal 4. Edukasyong Natamo 5. Pagsasanay na sinalihan 6. Karanasan sa propisyon o trabaho 7. Gawain sa pamayanan 8. Gawain sa organisasyon Mga katangian ng maayos na bionete
1. Maikli ang nilalaman
Sa pagsulat ng bionote, mas interesado ang mga mambabasa o mga tagapakinig sa maikling porma nito kaya’t sikaping mapaikli at idirekta ang mga impormasyong nais ibahagi tungkol sa awtor na inilalarawan. Isa pang aspeto sa pagsulat nito ay iwasang ilahad ang mga ito sa payabang na paglapat ng mga salita bagkus tayo ay gumamit ng mga pangungusap na naglalahad sa paraang kamangha-mangha at makakapukaw ng atensyon para basahin ang akda ng awtor. 2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw Pangalawang katangian ng maayos na bionote ay ang pagsulat nito gamit ang pangatlong panauhang pananaw. Mahalagang gumamit nito sapagkat ito ang pinaka- angkop na pananaw sa paglalahad o pagpapakilala ng personal na impormasyon ng awtor maging ito man ay patingkol sa sarili 3.Kinikilala ang mambabasa
Ang pagkilala sa mga mambabasa ay isang paraan
upang makapukaw ng atensyon at magkaroon ng isang interesadong bionote. Kinakailangan isaalang-alang ang mga hinahanap ng ninanais na mambabasa o tagapakinig. Mahalagang hulmahin ang pagsulat nito ayon sa kanilang kagustuhan ng sa gayon ito ay mailalahad o maiiaayon sa impormasyong nais nilang malaman 4. Gumagamit ng baliktad na tatsulok
Katulad sa pagsulat ng balita o iba pang mga obhetibong
sulatin, pakatandaang mas naaayon kung ang mga mahahalagang impormasyon ay uunahin sapagkat kalamitan unang bahagi lamang ng sulatin ang binabasa ng mga tao. Ito rin ang paraan upang masabing direkta ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mahahalang personal na detalye ng pinakilalang awtor 5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian Mahalagang iangkop ang mga impormasyong ilalahad sa isang bionote ayon sa akda o layon nito. Piliin lamang ang mga katangian o kasanayan na angkop sa layunin ng isang bionote. Iwasang magbigay ng malawak o maraming impormasyon lalo na kung ito ay tumutukoy sa espesipikong tunguhin. 6. Binabanggit ang degree kung kailangan Sa paglalahad ng impormasyon, panatilihing buuhin ang pagpapakilala lalo na sa mga propesyonal na tao kaya huwag kalimutan ang kredensyal bilang paggalang sa kanilang propesyon o tinapos. Ito rin ay isang paraan upang magkaroon ng maayos na bionote
The Bionote or Biography Note Can Be Considered As A Valuable Informational and Marketing Tool With The Task of Introducing An Individual or The Personality of An Author To Readers