Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ANG

KAHULUGAN
AT
KAHALAGAH QUARTER 1 –
AN NG MODULE 1
EKONOMIKS
Ang ekonomiks ay ang pag-aaral
ng mga pamamaraan kung paano
nagbabahagi ang mga mamamayan
at bansa ng kanilang limitadong
pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang kanilang walang
katapusang kagustuhan.
Ang ekonomiks ay isang
agham panlipunan kung
saan pinag-aaralan ang
paglikha, pagkonsumo at
pamamahagi ng mga
kalakal.
Ang salitang ekonomiks ay hango
sa sinaunang salitang Griyego na
“oikonomia” kung saan ang
kahulugan ay pangangasiwa ng
isang administrasyon o
sambahayan. “Oikos” ibig sabihin
ay “bahay” at “nomos” ibig sabihin
ay “pamamahala”.
Dalawang sangay ng Ekonomiks
 Makroekonomiks – pagsusuri sa kabuuang
ekonomiya at mga isyu na nakaaapekto rito
katulad na lamang ng kawalan ng trabaho,
implasyon at patakarang piskal gayundin ang
pananalapi.
 Maykroekonomiks – ito naman ay ang
pagsusuri sa pag-aasal ng mga pangunahing
elemento na may kinalaman sa ekonomiya gaya
ng mga negosyo, sambahayan o bilang mga
konsyumer at prodyuser
Ang makabuluhang kahulugan ng ekonomiks
ay maaaring mahati sa apat na lubhang
mahahalagang bahagi:

Isang uri ng agham panlipunan


 Limitadong pinagkukunang - yaman
 Mga walang katapusang
pangangailangan at hilig ng mga tao
at
Ang lubusang paggamit.
Kakapusan (scarcity) – isang sitwasyon
sa pamumuhay na dulot ng walang
hanggang pangangailangan at nais ng
tao. Ayon kay John Watson Howe,
dahil sa kakapusan na umiiral sa
daigdig, ay maaring hindi makasapat
ang lahat ngpinagkukunang-yaman sa
pangangailangan ng tao.
Kakulangan (shortage) -
isang sitwasyon kung saan
pansamantalang may
pagkukulang sa supply ng
isang produkto.
 Dahilsa kakapusan, kailangan ng tao
ang wastong pagpili sa mga bagay na
nais niyang bilhin. Nagkakaroon ng
opportunity cost sapagkat may
kakapusan ang pinagkukunang-yaman.
Ang opportunity cost ay tumutukoy sa
halaga ng isang bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon.
Mahahalagang bagay na dapat
isaalang-alang sa konsepto ng
ekonomiks
 1. Pagpapanatili (sustainability) – ang
paggamit ng mga pinagkukunang - yaman
upang magkaroon ng katugunan ang mga
kasalukuyang pangangailangan at
kagustuhan ng hindi negatibong
maapektuhan ang kakayahan ng susunod
pang mga henerasyon na tugunan ang mga
ito
 2. Pagkakapantay-pantay (equality) -
pantay-pantay ang mga karapatan ng
tao gayundin naman ang distribusyon ng
pinagkukunang-yaman. Ang
kaginhawaan o yaman na makakamit ng
tao ay nakadepende sa haba ng
sakripisyo at pagpapagod na makamit
ito.
 Husay (efficiency) – ang pangunahing
layunin sa pag-aaral ng ekonomiks ay
nakatuon sa paglago ng ekonomiya ng
bawat bansa. Ito rin ay isang masinop na
pamamaraan ng paggamit sa
pinagkukunang - yaman na limitado
lamang upang matugunan ang mga
pangunahinng pangangailangan at
kagustuhan ng mga tao sa lipunan.
(https: // ekonomiks.info/konsepto-ng-
ekonomiks/)
 Iba pang mahahalagang konsepto ng ekonomiks
 TRADE OFF - Pagpili batay sa mga
alternatibong kapalit ng mga bagay na
isinasakripisyo o pagpapaliban ng pagbili ng
isang bagay upang makamit ang ibang bagay.
 MARGINAL THINKING - sinusuri ng isang
indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito
man ay gastos o pakinabang na makukuha mula
sa gagawing desisyon.
 INCENTIVES - Maaaring ang desisyon ay hindi
pa rin maiiwasang magbago ng isip sa bandang
huli.

You might also like