Professional Documents
Culture Documents
Panitikan Sa Panahon NG Amerikano
Panitikan Sa Panahon NG Amerikano
AMERIKANO
(1898-1940)
ANG GAHUM NG AGUILA SA PANAHON NG AMERIKANO
• Pekeng labanan ng Amerikano at Espanya na naganap sa
Intramuros noong (Agosto 13, 1898).
• Pagtatag ng pamahalaang military sa bansa sa ilalim ng
Amerika na pinamumunoan ni Heneral Wesley Meritt.
• Nilagdaan ang kasunduang Treaty of Paris na naglalayong
ilipat ang pamamahala ng Pilipinas mula sa kamay ng
Espanyol tungo sa Amerikano.
• Ipinalabas ang ‘Benevolent Assimilation’- pamamahalaan ng
United States ang Pilipinas.
MGA BATAS NA IPINATUPAD NG PAMAHALAANG AMERIKANO
• Batas Sedisyon (1901) – nagpapataw ng hatol na kamatayan o
mahabang pagkabilanggo sa sinumang nagsusulong kasarinlan ng
Pilipinas.
• Batas Brigandage (1902) – itinuturing na bandido o tulisan ang mga
patuloy na naghihimagsik laban sa mga Amerikano.
• Batas Rekonsentrasyon (1903) – nagpapahintulot sa mga gobernador
ng lalawigan na sonahin ang mga bayang pinamumugaran ng mga
magnanakaw o tulisan.
• Batas sa Bandila (1907) – nagbabawal sa paglaladlad o pagpapakita ng
watawat ng Pilipinas.
MGA AKDANG MAY BAKAS NG NASYONALISMO
• Al Yankee (1899) – Cecilio Apostol
• Crisalidas (1914) – Fernando Ma. Guerrero
Pahayagan:
EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang)- itinatag ni Rafael Palma
noong 1900
• Walang Sugat (1902) – Severino Reyes
• Tanikalang Guinto (1902) – Juan Abad
• Hindi Ako Patay (1903) – Juan Matapang
• Kahapon, Ngayon, at Bukas (1903) – Aurelio Tolentino
ZARZUELA
• Dalagang Bukid (1919) – Hermogenes Ylagan
• Ang Panimalay ni Kabesang Ytok (1907) – Angel Mangahum
• Maysa A Kandidato (1908) – Mena Pecson Crisologo
• Anak ng Dagat (1922) – Patricio Mariano
BALAGTASAN
• Instituto de Mujeres – unang balagtasang ginanap
- Jose Corazon de Jesus bilang Paru-paro
- Florentino Collantes bilang Bubuyog
Henry Lee Irwin S.J. - itinatag ang Ateneo Player's Guild sa Ateneo de Manila
University - "Julius Cesar“
- Dahong Kusa
- Paruparong luksa
- Amado Viterbi
- Elias
- Anastacio Salagubang
- Huseng Batute
MAY MGA TUGTUGING HINDI KO MALIMOT
JOSE CORAZON DE JESUS
Mga Tauhan:
Marcos
Don Teong
Anita
Ina ni Marcos
Tagpuan:
Ang kwento ay naganap sa isang bukid sa bayan nila Marcos at Don
Teong.
BUOD
Si Marcos ay isang binatang maralita na magsasaka. Patay na ang
kanyang ama't tiyuhin at ang kasama na lang niya'y ang kanyang ina.
Nagsasaka sila sa lupang pagmamay-ari umano ng ninuno nila, subalit
kinamkam ito ng isang mayamang nagngangalang Don Teong. Namatay
ang ama niya sa sama ng loob dito, habang ang tiyuhin niya ay namatay
habang nagsisilbi sa Don. Si Anita, ang anak ni Don Teong, ay isang
dalagang matapos mag-aral sa Maynila ay bumalik sa nayon nila. Nag-
iibigan sila ni Marcos.
Noong nalaman ni Don Teong na magkasintahan ang anak niya't si
Marcos ay sinimulan niyang saktan si Anita, hanggang ito ay magkasakit
at mamatay. Dahil dito, mas sumama pa ang loob ni Marcos sa Don at
ginusto niyang maghiganti rito. Sa dahil si Marcos ay isang magsasaka,
mayroon siyang kalabaw na mahal niya sa lahat ng mga alaga niya. Kung
umaga'y kasama niya ito para magsaka, at kung gabi'y iniiwan niya ito sa
dulo ng lupang nililibot ni Don Teong araw-araw. Isang gabi'y biglang
umuwi si Marcos na may dala-dalang mga gamit na gaya ng sinusuot ni
Don Teong. Simula nito'y lagi na siyang ginagabi umuwi dahil...
Sinasaktan niya ang kanyang kalabaw habang sinusuot ang mga ito kung
gabi. Nilalatigo niya ito hanggang ito ay umungol na umano'y naririnig
hanggang sa bayan. Isang gabi'y biglang kumalat ang balitang namatay
na raw si Don Teong! Wasak-wasak daw ang katawan niya dahil sinugod
siya at sinungay ng kalabaw habang siya'y naglilibot sa kanyang lupa, sa
pag-aakalang ito ang nananakit sa kanya kung gabi.
GAWAIN: HANAPIN MO!
Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang ito at bilogan at ilagay sa
sagutang papel.
PANGINOON
BATINGAW
KALABAW
ANIMAS
KABALINTUNAAN
BANAAG AT SIKAT
ni Lope K Santos
• Hinggil sa mga buhay ng magkaibigang Delfin at Felipe ang nobelang
Banaag at Sikat ni Lope K. Santos: Si Delfin ay isang sosyalista,
samantalang si Felipe ay isang anarkista. Bilang sosyalista, naniniwala
at hinahangad ni Delfin na mapalaganap ang kaisipang sosyalismo sa
lipunan, kung saan ang mga mamamayan ang may higit na karapatan
sa lahat ng mga gawaing pangangalakal, mga pag-aari, at mga
pagawaing pambansa. Bagaman isang mahirap na nag-aaral ng
abogasya at nagtatrabaho bilang manunulat sa isang pahayagan,
matindi ang paniniwala ni Delfin na matatamo lamang ang isang
lipunang makamaralita sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan,
isang pakikibakang hindi nababahiran ng pagdanak ng dugo.
• Si Felipe naman–na may adhikaing anarkismo—ay naniniwala sa
marahas na pagbuwag sa mga namamayaning kapangyarian at
kalupitan ng mga mayayamang nagmamay-ari ng mga lupain. Ibig
niyang pawiin ang mga abusadong maykapangyarihan na naghahari sa
lipunan. Bagaman anak ng isang mayamang pinuno ng bayan,
kinamumuhinan ni Felipe ang mga gawi at karahasan ng kaniyang ama.
Mas mamarapatin niyang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang
lahat ng uri ng mga mamamayan: walang pagkakaiba ang mahihirap at
ang mayayaman.[1] Dahil sa pagkamuhi sa nakagisnang buhay bilang
mayaman at anak ng isang marahas na may-salapi, nilisan ni Felipe ang
tahanan ng kaniyang ama para mamuhay bilang kaisa ng mga maralita.
Iniwan niya ang marangyang pamumuhay upang makasama ang mga
karaniwang uri ng mga mamamayan ng lipunan. Nakitira si Felipe sa
tahanan ng isang amain sa kumpil sa Maynila. Gayunman, kinamuhian
din niya ang amaing si Don Ramon dahil wala itong pinagkaiba sa
kaniyang ama: mayaman at malupit sa mga tauhan nito.
• Umibig si Felipe kay Tentay, isang babaeng mahirap subalit may
dangal. Pinilit si Felipe ng kaniyang ama na magbalik sa kanilang
kabahayan sa bayan ng Silangan, ngunit napalayas lamang dahil sa
pagtuturo ni Felipe sa mga tauhang magbubukid at utusan sa bahay ng
kanilang mga likas na karapatan bilang tao.[1] May tatlong anak si Don
Ramon, na amain ni Felipe, at inibig ni Delfin ang isa sa mga ito. Nang
magbunga at magdalang-tao ang anak na si Meni, itinakwil ito ni Don
Ramon. Sumama si Meni sa kasintahang si Delfin at namuhay bilang
isang mahirap. Dahil sa ginawang ito ni Meni, nilisan ni Don Ramon
ang Pilipinas, kasama ang isang tinatangkilik at kinakasamang
katulong sa bahay. Napatay si Don Ramon habang nasa New York, kaya
binalik ang kaniyang bangkay sa Pilipinas. Si Ruperto, ang dating
nawawalang kapatid ni Tentay, ang nagbunyag ng dahilan kung bakit
pinaslang si Don Ramon: ang kalupitan nito sa kaniyang mga utusan.
• Nagtapos ang nobela sa pagpapaiwan nina Felipe at Delfin sa may
puntod ni Don Ramon. Pinag-usapan nila ang kanilang mga adhikain,
paniniwala, at paninindigang panlipunan. Nilisan nila ang libingan na
sinasalubong ang kadiliman at kalaliman ng gabi.[
GAWAIN
Panuto. Sagutin ang sumusunod na tanong at ilagay ang tamang sagot sa
patlang.
1. Sino ang sumulat ng Nobelang BANAAG AT SIKAT?
A. Lope k. Santos.
B. B. Jose Rizal
C. C. Jose Esperanza Cruz
2. Si DELFIN ay isang anak ____ at ____
A.Mayaman, Anarkista
B. Mahirap na sosyalista
C.Mayabang na mayaman
3. Si FELIPE at Isang anak _____ at ____
A. Mahirap at sosyalista.
B. B. Mayaman at anarkista
C. C.Mayabang at matapobre
• Aurelio Tolentino
-Oktubre 15, 1869
-Guagua, Pampanga
-Hulyo 05, 1915
TAUHAN:
Inangbayan
Dahumpalay
Dilat na bulag
Bagong Sibol
Masunurin
Tagailog
Matanglawin
Malaynatin
Asalhayop
Haring Bata
Walangtutol
Halimaw
KAHAPON, NGAYON AT BUKAS
AURELIO TOLENTINO
Hanay A. Hanay B.
1.Aurelio Tolentino a. Ang babaeng Pilipina.
b. Ang haring Intsik.
2.Inangbayan
c. Siya ay isang manunulat ng dula,
3.Haring Bata makata, at ang sumulat ng dulang
4.Bagong Sibol kahapon, ngayon at bukas.
5.Masunurin d. Ang sumisimbolo sa Espanya.
e. Ang sumisimbolo sa bayang
Pilipinas.
f. Ang sumisimbolo sa Amerika.
Gawain 2: Tanong ko! Sagutin mo!
Panuto: Sagutin ang mga Tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagotang
papel.
1.Kailan binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii?
2.Sino ang nangulo sa isang embahada at pambansang kapulungan?
3.Ito ay naglalathala ng kwentong masa, usaping pamilya at pag-ibig.
4-5.Mayroong tatlong babasahin na nasa pamamahala ng mga hapones
magbigay lamang ng dalawa.
PANITIKAN SA PANAHON NG
HAPON
(1940-1945)
ANG PULU-PULUTONG NA PAG-AMBON NG
PANITIKANG PILIPINO
• Noong ika-7 ng Disyembre 1941, binomba ng mga Hapones ang Pearl
Harbor sa Hawaii.
• Oktubre 1943 nang ideklara ng pamahalaang Hapon ang kalayaan ng
Pilipinas.
• Pinanguluhan ni Jose P. Laurel ang isang embahada at pambansang
kapulungan.
•Tatlong babasahin din ang nasa pamamahala ng mga Hapones - ang
Sunday Tribune Magazine (na ang format ay pahayagan) Philippine
Review at Philippine Pillars.
• Ang Liwayway na nasa pangangasiwa ng mga Hapones (Manila -
Simbun sya).
• Ang Liwayway din ay naglalathala ng mga kwentong masa, usaping
pamilya, at pag-ibig. Ang sinulat nina Antonio B.L. Rosales at
Clodualdo del Mundo.
• Nagkaroon din ng magasin para sa mga kababaihan - ang Filipina at
City Gazette.
Ang Pulu-pulutong na Pag-ambon ng Panitikang
Pilipino
• May dalawampu't Lima (25) na pinakamagaling na maikling kwentong
naisulat sa Tagalog noon sa pangasiwa ng Liwaway.
• Ang mga ito ay pinili ng lupon na binubuo ni Kin-ichi Ishikawa ang tao
sa likod ng liwayway bilang tagapayo; Jose Esperanza Cruz, sina
Agustin C. Fabian, Arsenia R. Afan, Antonio B.L Rosales, Cloduado del
Mundo, Francisco Icasiano, Buenaventura G. Medina at Teodorico C.
Santos bilag kasapi ng Lupon.
Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943:
1. Lupang Tinubuan ni Narsico G. Reyes
2. Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway A. Arceo
3. Lungsod, Nayon, at dagat-dagatan ni N.V.M Gonzales
4. Suyuan sa Tubigan ni Macario Penida
5. May umaga pang Daratal ni Serafin C. Gumimundo
6. Sumisisikat pa ang araw ni Gemiliano Pineda
7. Pahihintay ni Emilio Aguilar Cruz
8. Dugo at Utak ni Cornelio S. Reyes
9. Mga yabag na papalayo ni Lucila A. Castro
10. Tabak at sampagita ni Pilar R. Pablo
11. Madilim pa ang Umaga in Teodoro A. Agoncillo
12. Ikaw, siya at ako ni Brigido C. Batumbakal
13. May uling sa bukana ni Teotimo C. Buhain
14. Bansot ni Aurora I. Cruz
15. Sa dilim ni Alfredo S. Enriquez
16. Ang tao, ang kaboy at ang bagyo ni Aristeo B. Florido
17. Nagmamadali ang Manila ni Serafin C. Gumigundo
18. Si lngkong gaton at ang kanyang kalakian ni Serafin C. Gumigundo
19. Mga bisig ni Amado S. Pasangjan
20. Kadakilaan sa tugatog ng bundok ni Brijido Batumbakal
21. Unang pamumulaklak ni Hernando R. Ocampo
22. Ibon man may layang lumipad ni Amado S. Pagsanjan
23. Sinag sa dakong silangan ni Macario Penida
24. Mga diyos ni Justiniano del Rosario
25. Luad ni Gloria Villaraza
• Lope K. Santos, Julian Cruz, Balmaceda- ang tatlong haligi ng
Panitikang Pilipino
-- ipinasuri sa kanila ang 25 na Maikling kwentong ito matapos piliin ng
Lupong inampalan.
Mga maikling kwento na napagkalooban ng gatimpala:
Unang gantimpala- Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes
Pangalawang gantimpala- Uhaw ang Tigang na lupa ni Liwayway A.
Arceo
Pangatlong Gantimpala- Lungsod, nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M
Gonzales
Uhaw Ang Tigang na Lupa
ni Liwayway Arceo
Tauhan :
• Dalagita
• ama at ina
Ang Lupang Tinubuan
ni Narsico G. Reyes
Tauhan
• Danding- isang batang naghahanap ng kasagutan mula sa lupang
tinubuan.
• Tiya Juana- Tiya ni Danding na nagsama sa kaniya sa malawig
• Lolo Tasyo- nagkwento tungkol sa kaniyang ama.
Tagpuan
• sa malawig kung saan namatay ang kanyang tiyo.
Dugo at Utak ni Cornelio S. Reyes
Tauhan
• Korbo
• Karelia