Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

KALIKASAN NG

PANANALIKSIK
FILIPINO SA PILING LARANG (Akademik)
•Mahalagang matutunan mo ang pananaliksik. Isa itong
pangangailangan sa mga iba’t iba asignatura sa kolehiyo. Isa rin
itong paraan para mapagsanayan at mapatunayan ang iyong
tiyaga, sipag at disiplina bilang mag-aaral.Sa asignaturang ito ang
mga batayang kaalaman sa pananaliksik ang iyong matututuhan.
Pagdating sa mga kursong pandisiplina, mas magiging ekstensibo
ito at mas ispesipiko kaugnay ng paksa, datos, at metodolohiya .
PANANALIKSIK: KAHULUGAN,
KATANGIAN AT LAYUNIN
Kahulugan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang masursing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig
bigyang linaw,
patunayan o pasubalian.
Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag at
katwiran ay inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang mabuti
bago gumawa ng mga konklusyon.
Pagsisiyasat ito dahil anumang pamamalagay, ideya o
haka-haka ay hinahanapan ng katibayan para patunayan.
Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng pagsisisyasat ay
tinitimbang, tinataya at sinusuri.
Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaari ng alam ng
marami pero mangangailangan ng dagdag na
impormasyon at paliwanag.
Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay,
haka-haka at paniniwala.
Nagpapasubali ito sa mga dati nang
pinanialaan pero inaakalang may mali, hindi
totoo o hindi dapat paniwalaan.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
Obhetibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga di-kumikiling o di-kinikilingang mga
batis. Ang gma interpretasyon ay batay sa paghahanay, pagtataya, at pagsusuri ng
mga datos na ito.
Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na datos.Lahat ng posibleng pagkunan,
maging ito’y nakasulat sa wikang banyaga o kaya’y nasa ibang bansa, ay mga datos
na magagamit sa pananaliksik. Ang anumang problema kaugnay ng pinansya,
distansya, at lenggwahe ay limitasyong dapat harapin ng mananaliksik.
May pamamaraan o angkop na metodolohiya na tutulong sa ikahuhusay ng
pananaliksik.
Masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos at sa pagtitimbang-timbang sa mga
ideya.
Dokumentado sa mga materyales na ginagamit bilang pagkilala sa gawain ng iba at
mga datos na nakuha.
Sinumang seryosong estudyante sa kolehiyo ay may
kakayahan at kahandaan sa pananaliksik. Isa ka
dito, di ba? Kailangan lang naman ang
determinasyon at motibasyon para isagawa ito.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
Hindi ka ba nagiging interesado kung may bago kang nalamang impormasyon?
Kapag bago ang sapatos mo, excited kang isuot agad, di ba?Ang pagpasok mo dito sa
Open Univesity, exciting ito, di ba?Bagong putahe kasi.Maraming tao ang interesado
ngayon sa email, Internet, fax, cellphone, video games, atpb. Dahil bago.Marami rin
ang may interes na malaman ang sustansyang dulot ng saluyot nang malaman nilang
panahon pa pala ni Cleopatra ay kinakain na ang gulay na ito.Bagong kaalaman
ito.Natuwa tayo nang malaman nating ang nag-imbento ng fluorescent lamp ay isang
Pilipino.Baka may iba pa tayong madidiskubre. Nagbibigay-sigla ang mga bagong
impormasyon dahil sa orihinalidad ng ideya at mga datos nito.
2. Magbigay ng bagong interpretasyon sa lumang ideya.
Pwede mong tingnan ang isang ideya mula sa ibang anggulo,
perspektiba, at pananaw kaysa dati nang paraan ng pagtingin ng
iba dito. Bago pa rin ito, dati na nga lang alam ng marami ang
paksa. Halimbawa, ang pag-uugnay ng mga ideya ni Rizal sa
globalisasyon ay isang pagbabagong-bihis sa paulit-ulit nang
natatalakay na mga ideya ngating bayani.Puwede rin nating
tingnan ngayon ang mga shopping malls hindi lang bilang
tindahan kundi isang maliit na komunidad o kaya’y isang
“kultura”.
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
Maraming bagay ang pinagtatalunan, pinag-uusapan at
pinagkakainteresan sa komunidad, sa mga institusyon, at sa
bansa. Magandang gumawa ng panananliksik para makatulong
sa paglilinaw sa mga bagay na ito.Halimbawa, ang mga isyu
ukol sa aborsyon, diborsyo, cloning, at pakikisangkot ng
simbahan sa mga gawain ng gobyerno, ay paulit-ulit na napag-
uusapan pero kailangan pa ring linawing mabuti. At magagawa
ito ng pananaliksik.
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang
tanggap o pinapalagay na totoo o makatotohanang ideya.
Ang isyu ukol sa kabayanihan ni Bonifacio ay nagiging paksa ng
mga usapan, diskusyunan, hamunan, balitaktakan sa mga klasrum,
simposyum, radio, TV, magasin at mga dyaryo. Ang ganitong paksa
ng mga pananaliksik ay nanghahamon sa mga tinatanggap at
ipinapalagay na totoong ideya at siyang interes nayon ng mga
mananaliksik. Pwede mong hamunin ang katotohanan ng palagay na
ang Pilipinas ay isa ngang “third largest English-speaking
country.”Gawan mo ito ng pananaliksik .
5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang isang
ideya, interpretasyon, paniniwala, palagay, o pahayag.
Balido o totoo ang isang ideya kung ito’y mapapatunayan o
mapapasubalian ng mga makatotohanang datos. Puwede mong
patunayang balido o totoo sa pamamagitan ng pananaliksik ang
paniniwala mong hindi nabibigyan ng sapat na atenasyon at
suporta ang isports sa Pilipinas. Patunayan mo ring balido na
mababa ang kalidad ng edukasyon sa ngayon kumpara noong
20-30 taon ang nakakaraan.
6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa isang
senaryo.
May mga ideyang makabuluhang tingnan o suriin ang
hinaharap o kinabukasan nito. Ngunit sa pagtukoy at
pagsusuri dito ay kailangan ang pananaliksik sa kasaysayan
nito. Hlimbawa, sa pagtalakay sa kahihinatnan ng
kapaligiran bunga ng modernisasyon, kailangang saliksikin
ang mga datos ng mga pagsasayang, pang-aabuso, at
pagsasambahala ng tao sa kalikasan mula noong unang
panahon hanggang sa kasalukuyan.
GAMIT NG PANANALIKSIK SA
LIPUNANG PILIPINO
Sa Pang-Araw-Araw na Gawain
May mga pansariling gamit at kabuluhan ang pananaliksik sa
isang indibidwal.Halimbawa, sa paghahalaman, magtataka
ka siguro kung sa tinagal-tagal ng panahon na tinataniman
mo ang halamanan mo ay mapansin mong hindi na lumalaki
ang mga nakatanim dito o kaya’y unti-unting namamatay
ang mga ito.
SA AKADEMIKONG GAWAIN

Kadalasan, akala ng marami ay sa akademya lang


ginagawa ang pananaliksik. Siguro, kaya ganito ang akala
ay dito ito pinag-aaralan gaya ng ginagawa mo ngayon.
Tinatawag na sulating pananaliksik or panahunang papel
ang bunga ng gawaing ito na ginagawa ng paris mong
estudyante. Sa mga nagtatapos naman, tinatawag itong
tesis o kaya’s disertasyon.
SA KALAKAL/BISNES

Bago pumasok sa isang bisnes, ang isang korporasyon o


indibidwal ay gumagawa muna ng pananaliksik at/ o
feasibility study ukol sa potensyal sa market at tubo at
ikatatagumpay ng bisnes na pinasok.Titignan dito ang
clientele o mamimili, lugar, uri ng produktong ipinagbibili,
atbp. Sa gayon, maiiwasan ang sobra o walang kabuluhang
paggasta, pagkalugi at pagsasayang ng oras at pagod.
SA IBA’T IBANG INSTITUSYONG
PANGGOBYERNO
Para sa serbisyong panlipunan, ang mga upisina o institusyong
panggobyerno ay nagsasagawa ng pananaliksik para sa kani-
kanilang mga pangangailangan. Sa larangan ng kalusugan,
halimbawa, ang mga pananaliksik ng Department of Health o
kaya’y ng mga unibersidad gaya ng Unibersidad ng Pilipinas ukol
sa mga pangkaraniwang sakit gaya ng tuberculosis, hika, polio at
high blood pressure ay tumutulong sa paggamot at pagsugpo ng
mga ito.
GAWIN NATIN!
Palitan ang liriko ng sumusunod na kanta tungkol sa pananaliksik.
1. “perfect”
2. “Left and Right”
3. Ang Huling Elbimbo
4. “MOON”
5. Kagume
Paalala lamang!
v

You might also like