Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang alamat ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang

bagay o lugar.
• Maaring magpaliwanag ito kung paano pinangalagaan o kung bakit
nagkaroon ng ganoong mga pook o bagay.
• Ito’y mga likhang isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang
ipaliwanag ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa paligid
• Ang mga pangyayari ritong kakikitaan ng kultura ng mga Pilipino, gayundin
ang mga gintong aral na laging nakapaloob sa uri ng panitikang ito.
Gaya ng akdang tuluyan ang banghay ng alamat ay nagtataglay rin ng tatlong
bahagi: simula, gitna, at wakas.
Mga elemento ng alamat ang nakapaloob sa bawat banghay

1. Simula - sa simula matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o

elemento.

A. Tauhan - ipinakilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o katayuan o

papel na gagampanan o katayuang sikolohikal kung sino ang bida at ang

kontrabida.
B. Tagpuan - ang pinangyarihan ng aksiyon o mga eksena na naghahayag ng

panahon kung tag-init o tag-ulan, kung anong oras at kung saang lugar.

2. Gitna - makikita sa banghay o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga

tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento-

walang iba kundi ang diyalogo. Ang diyalogo ay ang usapan ng mga tauhan.

Kailangan ang diyalogo ay magawang natural at hindi artipisyal. Kagaya rin ng

akdang tuluyan, sa gitna rin makikita ang sumusunod na katangian o

elemento ng isang kuwento:

A. Saglit na Kasiglahan na magpapakita ng panandiliang pagtatagpo ng mga

tauhang masasangkot sa problema.


B. Tunggalian - na tahasan nang magpapakita ng labanan o pakikipagtunggali

sa sarili, sa kapwa, at sa kalikasan.

C. Kasukdulan- pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang

kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.

3. Wakas - sa naman matatagpuan ang

A. Kakalasan- unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na

pangyayari sa kasukdulan.

B. Katapusan - naglalaman ng magiging solusyon ng kuwentong maaaring masaya

o malungkot, nagwagi o di nagwagi.


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa akda? Anong ugali
ng anak ang malimit kinaiinisan ng ina?
2. Bakit ayaw makipaglaro ni Daria sa mga kapwa niya bata?
Ano kaya ang dahilan ng pagiging mahiyain?
3. Bakit malimit dapuan ng sakit si Daria?
4. Paano ipinamalas ni Aling Rosa ang dakilang pagmamahal
sa anak? Ano ang isang bagay na hiniling niya sa
Panginoon bago siya binawian ng buhay?
5. Paano binawian ng buhay si Aling Rosa? Ano ang nangyari
sa katauhan ni Daria habang nag-aagaw buhay ang ina?
6. Sa iyong alagay, dininig ba ng Panginoon ang dalangin ni
Aling Rosa para sa pinakamamahal na anak?

You might also like