Mapanuring Pagbasa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

Mga Paalala

Bago magsimula ang klase ay I-mute ang microphone at i-On


naman ang camera habang nasa virtual classroom.

Manatiling naka-mute ang microphone hanggat hindi sinasabi


o pinapayagan ng guro

Kung mayroong tanong ay gamitin ang chatbox at kuhanin


ang atensyon ng guro
Panalangin
Layunin ng talakayan
matutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong
binasa
malalaman ang mga proseso ng pagbabasa
matutukoy ang mga uri at antas ng mapanuring
pagbasa
Batayang Kaalaman
sa Mapanuring
Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa,


gaya ng mga bata, upang
libangin ang sarili, o gaya
ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto.
Magbasa ka upang
mabuhay.”
-Gustave Flaubert
Pagbasa
Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na Becoming
a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo
ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay isang
kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon
ng iba’t iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng
impormasyon
Intensibo at
Ekstensibong
Pagbasa
Intensibo
Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa
pagkakaugnay-ugnay, istruktura, at uri ng diskurso
sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang
bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit
at maingat na paghahanap ng kahulugan.
Ekstensibo
Ayon kina Long at Richards (1987), nagaganap ang
ekstensibong pagbabasa kapag ang isang mambabasa
ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa
kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi
.
kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang
asignatura.
Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha lamang
ang “gist” o pinaka-esensya at kahulugan ng
binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga
salitang malabo o hindi alam ang kahulugan
Scanning at
Skimming sa
Pagbasa
Scanning
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay
hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda
bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng
mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa
ang tiyak na kinakailangang impormasyon.
Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa,
simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo,
scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat
gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o
pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang
layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa
mga libro o iba pang sanggunian.
Skimming
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang
kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng
teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng
manunulat.
MAS KOMPLEKS ANG SKIMMING KAYSA
SCANNING DAHIL NANGANGAILANGAN
ITO NG MABILISANG PARAAN NG
ORGANISASYON AT PAG-ALAALA SA PANIG
NG MAMBABASA UPANG MAUNAWAAN
ANG KABUUANG TEKSTO AT HINDI
LAMANG UPANG MATAGPUAN ANG ISANG
TIYAK NA IMPORMASYON SA LOOB NITO.
Mga Kasanayan sa
Mapanuring
Pagbasa
Mga dapat gawin bago,
habang at pagkatapos
magbasa
Bago Habang Pagkatapos
Magbasa Nagbabasa Magbasa
Bago Magbasa

• Pagsusuri ng panlabas na katangian ng teksto


• Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa
pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at
pangalawang pamagat sa loob ng aklat.
• Nakabubuo ng mga tanong at matalinong prediksyon kung tungkol saan ang
isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat.
Habang Nagbabasa

• 1) Pagtantiya sa bilis ng pagbasa; 2) Biswalisasyon ng binabasa; 3) Pagbuo ng


koneksiyon; 4) Paghihinuha; 5) Pagsubaybay sa komprehensiyon; 6) Muling
pagbasa; 7) Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto.
• Sinisimulan ng isang aktibong mambabasa ang paglilipat ng impormasyon sa
matagalang memorya sa pamamagitan ng elaborasyon, organisasyon, at pagbuo
ng mga biswal na imahen.
Ang elaborasyon ay ang pagpapalawak at
pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong
natutuhan mula sa teksto. Ang organisasyon ay
pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang
bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto
habang ang pagbuo ng biswal na imahen ay
paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng
mambabasa habang nagbabasa.
Pagkatapos Magbasa

• Pagtatasa ng komprehensiyon. Sagutin ang iba’t ibang


tanong tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang
komprehensiyon o pag-unawa sa binasa.
• Pagbubuod. Sa pamamagitan ng pagbubuod, natutukoy ng
manunulat ang pangunahing ideya at detalye sa binasa.
• Pagbuo ng sintesis. Halos kagaya rin ito ng
pagbubuod, ngunit bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang
pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng
perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang
pag-unawa.
• Ebalwasyon. Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan
at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto.
Pagkilala sa
Opinyon at
Katotohanan
Katotohanan
Ang katotohanan ay mga pahayag na maaaring
mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan
ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o
pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
Opinyon
Ang opinyon naman ay mga pahayag na nagpapakita
ng preperensiya o ideya batay sa personal na
paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan
ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon
ko,” “para sa akin,” “gusto ko,” o sa “tingin ko.”
Pagtukoy sa Layunin,
Pananaw, at
Damdamin ng Teksto
Layunin

Pananaw

Damdamin
Layunin • Ang nais iparating at motibo ng
manunulat sa teksto.
• Halimbawa, naglalarawan ba ito o
kaya ay nagkukuwento lang ng
Pananaw isang tiyak na karanasan o
sitwasyon? Maaari ding
nangangatuwiran ito o kaya naman
ay hinihikayat ang mambabasa na
Damdamin pumanig sa opinyon o
paninindigan niya.
Layunin • Pagtukoy kung ano ang
preperensiya ng manunulat sa
teksto.
Pananaw
• Mula sa mahusay na pagtukoy
ng pananaw, nahihinuha rin
ng mambabasa kung ano ang
Damdamin kahihinatnan ng isang teksto.
Layunin
• Ang damdamin naman ay ang
ipinahihiwatig na pakiramdam ng
manunulat sa teksto.
Pananaw • Dahil sa damdamin na ipinahahayag ng
teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang
nagiging pakiramdam ng mambabasa sa
pagbasa nito.
• Nagtagumpay ba ang manunulat na
iparamdam ang layunin ng teksto?
Damdamin
Antas ng Pagbasa
Primarya

Mapagsiyasat

Analitikal

Sintopikal
• Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit
ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na
datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga
tauhan sa isang teksto.
• Itinuturing na magkahiwalay ang mga impormasyong ito, na mahirap
para sa bagong mambabasa upang makabuo ng kabuuang hinuha at pag-
unawa sa teksto.
• Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na
antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-
ugnay ng mga nito

Primarya
• Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito.
• Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang
matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang
mas malaliman.
• Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas na
bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan nang
malalim para magbigay ng interpretasyon o pinag-uukulan ng pansin ang
ilang bahaging hindi maunawaan sa teksto.

Mapagsiyasat
• Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-
iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang
layunin o pananaw ng manunulat.
• Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at
kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
• Malalim at mapanuri na ang antas na ito, ngunit hindi rito nagtatapos
ang layunin ng pagbasa.

Analitikal
• Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa
isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa.

• Sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo ang mga


impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling karanasan at kaalaman
upang makabuo ng ugnayan at bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig
sabihin, sa antas na ito ng pagbasa, itinuturing mo na rin ang sarili bilang
isa sa mga eksperto ng iyong binasa.

Sintopikal
Panalangin

You might also like