Bio Note

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

BIONOTE

CS_FA11/12PU-0d-f-92
TALAAN NG NILALAMAN

I. Kahulugan
II.Dahilan kung bakit nagsusulat ng Bionote
III. Layunin at Gamit
IV. Nilalaman ng Bionote
V. Mga Katangian ng mahusay na Bionote
VI.Mga Halimbawa Bionote
KAHULUGAN NG
BIONOTE
PINAGMULAN

Ang “bio ” ay nagmula sa salitang griyego na ang ibig sabihin sa


Filipino ay “buhay”. Ang “Graphia” naman ay nagmula rin sa
Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay “tala”
nangangahuluganng nakasulat. Kung kaya’t nabuo ang salitang
“biography” na isang mahabang salysay sa buhay ng isang tao. Sa
pamamagitan nito, dito nagmula ang salitang “Bionote”
KAHULUGAN
◦ Ang bionote ay ang maikling paglalarawan ng manunulat gamit
ang ikatlong panauhan na madalas ay inilalakip sa kaniyang mga
naisulat.
◦ Ayon kay Duenas at Suanz (2012), ito ay tala sa buhay ng isang
tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na
madalas ay makikita sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating
papel, websites atbp.
◦ Impormatibong talata na naglalahad ng mga kalipikasyon ng awtor
at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.
KAHULUGAN
◦ Ang Bionote ay isang maikling 2 or 3 pangungusap na inilalarawan ang
mayaakda. Ito ay nakasulat sa ikatlong panauhan (Word-mart, 2006)
◦ Ayon sa K to 12 Senior High School Applied Subject Filipino sa Piling
Larangan Akademik (2013) ang Bionote daw ay isang maiksing tala ng
personal na impormasyon ukol sa isangawtor. Maaari rin itong makita sa
likuran ng pabalat ng libro, at kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor.
◦ Ginagamit din ang bionote sa paglalathala ng mga journal,magazine,
antolohiya, at iba pang publikasyon na nangangailangan ng
pagpapakilala ng manunulat o ng sinumang kailangang pangalanan.
KAIBAHAN NG BIONOTE, CURRICULUM
VITAE AT AUTOBIOGRAPHY
Ang bionote ay maikli dahil siniksik ang mga impormasyon sa pagsulat
ng maikling paglalahad at itinatampok din lamang ang mga highlights
ng kabuoan ng pagkakakilanlan.
Hindi ito gaya ng talambuhay (autobiography) na detalyadong
isinasalaysay ang mga impormasyon hinggil sa buhay ng isang tao.
Samantala, ang curriculum vitae na tinatawag ding biodata ay
naglalaman ng mga personal na impormasyon na ginagamit sa
paghahanap ng mapapasukang trabaho.
BAKIT NAGSUSULAT
NG BIONOTE?
Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang
ang ating karakter kundi maging ang ating kredibilidad sa
larangang kinabibilangan. Ito ang paraan upang ipakilala ang
sarili sa mga mambabasa.

Halimbawa:
Hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isang batayang aklat
sa accountancy kung makikita sa author’s profile na wala
naman talagang background ang awtor sa larangang ito.
LAYUNIN AT GAMIT
NG BIONOTE
• Layunin ng bionote na maipakilala ang sarili
sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit sa
mga impormasyon tungkol sa mga nagawa o
ginagawa sa buhay, sa madaling sakita ay para
sa isang propesyonal na layunin.

• Ginagamit para sa personal profile ng isang


tao, tulad ng kanyanacademic career at iba
pangimpormasyon ukol sa kanya.
MGA NILALAMAN
NG BIONOTE
1. Personal na impormasyon
2. Kaligirang pang-edukasyon
(paaralan,digri, at karangalan)
3. Ambag sa larangang kinabibilangan
(kontribusyon at adbokasiya)
MGA KATANGIAN NG
MAHUSAY NA BIONOTE
• Maikli ang nilalaman
Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na kung
hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na
impormasyon. Ibig sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin
ito. Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.

• Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw


Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa
pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa:
“Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman.
Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong
pamantasan.”
• Kinikilala ang mambabasa
Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote.
Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan,
kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap
nila.
Halimbawa na lamang ay kung ano ang klasipikasyon
at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.

• Gumagamit ng baliktad na tatsulok


Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, unahin
ang pinakamahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng
maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya
naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagan
impormasyon.
• Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o
katangaian
Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.
IWASAN ito:

“Si Pedro ay guro/ manunulat/ negosyante/ environmentalist/ chef.”

Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa
bionote ang pagiging negosyante o chef.

• Binabanggit ang degree kung kailangan


Walang masama kung paminsan-minsan ay magbubuhat ng sariling bangko
kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaaplayan o upang
ipakita sa iba ang kakayahan. Siguraduhin lamang na tama ototoo ang
impormasyon. Huwag magiimbento ng impormasyon para lamang bumango
ang pangalan at makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring
mabahiran ang reputasyon dahil dito.
MGA HALIMBAWA
NG BIONOTE
GAWAIN #1
Basahin at suriin ang mga bionote sa susunod na slides.
Habang nagbabasa, alamin kung anu-ano ang nilalaman ng
personal profile.
Gelly Elegio Akuino
Siya ay nagtapos bilang Valedictorian sa Surallah National Agricultural School sa
Surallah, South Cotabato sa taong 1979. Taong 1986, natapos niya ang kursong Bachelor
of Science in Education– History sa Mindanao State University sa General
Santos City bilang Cum Laude at Master of Arts in Education – Educational Management
sa Notre Dame of Marbel University, Koronadal City sa taong 1979.
Siya ang may-akda ng Sanayang Aklat Sa Filipino I, II, III, IV – Edisyon BEC at
pamahayagang aklat sa Ingles na Campus Journalism in the New Generation. Siya rin ay
tagapanayam sa pamahayagan at teatrong sining at nagging outstanding School Paper
adviser of the Philippines din siya noong 2004 National Press Conference.
Bb. Carmen Rivera
Si Bb. Carmen Rivera ay nagtapos ng Bachelor of Science in Secondary Education sa
Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU), magna cum laude. Nakatanggap siya ng
scholarship mula sa Department of Science & Technology kaya’t nagpakadalubhasa sa
Amerika sa kursong M.A in Biology.
Siya ay nagturo sa Unibersidad ng Sto. Tomas ng limang taon. Nakadalo na rin siya sa
iba’t ibang komperensiyang pangguro. Nagkamit ng mga pagkilala sa iba’t ibang
pananaliksik sa kanyang isinagawa. Naging Academic Coordinator sa kaparehong
Unibersidad ng tatlong taon. Sa kasalukuyan, siya ang punongguro ng mataas sa
paaralang pang-agham ng Pilipinas.
Kung susuriing mabuti, mapapansin na ang nilalaman
ng mga bionote ay tungkol sa kanilang academic career.
Sagutin natin ang ilang katanungan sa ibaba.
1. Ano ang nilalaman ng binasang profile?
2. Sa paanong paraan isinulat ang bionote?
3. Ano-ano ang ipinagkaiba sa pagsulat ng bionote at sa pagsulat ng
isang talambuhay gaya ng natutunan mo noong nasa Junior High
School ka pa?
GAWAIN #2
Panuto: Suriin ang mga personal na impormasyon sa loob ng
kahon. Pagkatapos ay sumulat ng bionote tungkol dito. Ipakilala
ayon sa maaaring pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kanyang buhay.
Bigyang pansin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat nito,
at ang kalakip na pamatayan sa pagmamarka ng sulatin. Isulat
ang sagot sa sagutang papel
• Gng. Andrea Marissa P. Rabuya, M.A.Ed.
• Guro III
• Guro ng Senior High School sa mga asignaturang Community Engagement,
Solidarity and Citizenship, Disciplines and Ideas in Applied
Social Sciences, Understanding Culture, Society and Politcs at Pagsulat sa
Filipino sa Piling Larang
• Argao National High School
• Dating Coordinator ng Araling Panlipunan
• Dating Operations Manager ng Argao National High School
• Kasalukuyang Academic coordinator ng Argao National High School
• Nagtapos sa Paaralan ng Philippine Air Force College of Aeronautics
• Bachelor of Science in Secondary Education Major in Social Science
• Nagtapos sa Paaralan ng Saint Catherine’s College
• Master of Arts in Education Major in Educational Management
GAWAIN #3

Panuto: Sumulat ka ng iyong bionote upang ipakilala ang sarili,


isaalang-alang ang mga dapat tandan sa pagsulat nito. Maaaring
maglakip ng iyong larawan na 2x2 ang laki. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

You might also like