Ang Kamatayan NG Bayani

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Ang Kamatayan ng

Bayani
Ibinaliksi Rizal sa Fort Santiago
pagkatapos ng paglilitis. Tinanggap niya
ang opisyal na pahayag na hatol na
kamatayan sa kanya nang magiikaanim
ng umaga.
Nilagdaan nya ang hatol na kamatayan
pagkatapos na basahin sa kanya ni
Kapitan Rafael Dominguez.
Inilipat
muli siya sa kapilya ng Fort
Bonifacio at hindi na inalis hanggang
kinabukasan sa araw at oras ng kanyang
kamatayan.
Dinalaw siya ng mga kanyang dating
propesor sa huling sandali.
Sina Padre Miguel Mata at Padre Luiz
Viza ang mga unang dumalaw sa kanya.
Dumalaw din kay Rizal si Doña
Teodora. Lumuhod at humalik ng kamay
sa ina si Rizal. Humingi siya rito ng
kapatawaran. Kapwa lumuluha ang mag-
ina nang paghiwalayin ng guardiya.
Dumating din ang kapatid ni Rizal na si
Trining at inabot ni Rizal sa kapatid ang
isang konsinilyang de-alcohol bilang huling
alaala at binulungan niya ang kapatid sa
wikang Ingles ng “There is something
inside” upang hindi ito maunawaan ng
tanod. Ang sinasabi niyang nasa loob ay
ang tulang “Mi Ultimo Adios” na sinulat ni
Rizal noong Disyembre 12, 1896.
Ika-6 ng hapon – dumalaw kay Rizal si
Padre Silvino Lopez Tunon (Dekano ng
Manila Cathedral). Dinalaw rin siya ni
Padre March. At naiwan si Padre Villaclara.
Ika-8 ng gabi ay dumating si Padre
Balaguer kasama si Padre Viza. Pinag-
usapan ang tungkol sa relihiyon. Ang isa
pang nagging panauhin ni Rizal ay si Piskal
Gaspar Castaño ng Royal Audencia.
Nang ika-10 ng gabi ay dumating
burador(draft) ng retraksyon mula kay
Arsobispo Bernardino Nozaleda. Hindi
ito nilagdaan ni Rizal napakahaba raw.
At ipinakita ni Padre Balaguer kay Rizal
ang isa pang retraksyong inihanda ni
Padre Pio Pi. Naibigan ni Rizal maliban
sa ilang bagay na ayon sa kanya ay
nangangailangan ng pagbabago.
Ika-11:30 ng gabi nilagdaan ni Rizal ang
retraksyon. Pagkatapos lumagda ay
nangumpisal siya kay Padre Villaclara.
Namahinga na siya matapos
magkumpisal.
Ika-1:30 ng umaga gumising si Rizal.
Nanalangin at muling nagkumpisal.
Ika-3:30 ng umaga ay nagmisa si Padre
Balaguer. Muling nangumpisal si Rizal.
Nakinig ng misa at nangumunyon.
Ika-5 ng umaga kumain si Rizal ng
huling almusal. Dumating ang kapatid na
sina Josefa at Trinidad kasama si
Josephine. Hiniling ni Rizal na ikasal
sila ni Josephine kay Padre Balaguer.
Ikinasal sila ni Padre Balaguer at isang aklat
na panrelihiyon na may pamagat na
“Imitacion de Cristo” ang ibinigay na alaala
ni Rizal kay Josephine sa kanilang kasal.
Sa ganap na ika-6 ng umaga ay nakahanda na
si Rizal sa Bagumbayan. Ayon sa kautusan ni
Gobernador Heneral Polavieja, si Rizal ay
babarilin sa Bagumbayan sa ganap na ika-7
ng umaga, Disyembre 30, 1896.
Ika-6:30 ng umaga Disyembre 30, 1896 ang
trumpetang naghuhudyat ng paglisan ni
Rizal ay tumunog na. Patungo na siya sa
Bagumbayan. Nakasuot ng ternong itim,
kurbatang itim, sumbrerong itim, sapatos na
itim at tsalekong puti.
Binaliti at tinalian sa likuran ang mga siko
ni Rizal ngunit maluwag ang pagkakatali
kaya’t malayang naigagalaw niya ito. At may
nakalawit na rosaryong itim sa kamay niya.
Sinapitang Bagumbayan ng pangkat.
Napakaraming tao ang naroroon na ibig
sumaksi sa huling sandali ni Rizal.
Nagpaalam siya sa mga pari at sa
kanyang mga tagapagtanggol.
Hiniling ni Rizal na barilin siya nang
nakaharap ngunit tinanggihan ang kanyang
kahilingan ng Kapitang Kastila.
Sinabi ni Rizal na kailanma’y hindi siya
naging taksil.
Pinulsuhan siya ng kastilang manggagamot
ng hukbo si Dr. Felipe Ruiz Castro. Normal
ang pulso ni Rizal na nagpapakilalang
hindi siya natatakot mamatay.
Narinig ang redoble ng tambol at
sumunod ang utos ng pagbaril, ito’y
sinundan ng anim na putok. Si Dr. Rizal
ay pumihit nang paharap at sinambit ang
“Consumatum Est” na ang ibig sabihin
ay “Naganap na”. At naduwal siya sa
dakong kanan at ang mukha’y
nakatingala sa langit. Ang kanyang ulo’y
sa dakong dagat.
Si Rizal ang Pambansang Bayani ng
Pilipinas ay namatay upang manatiling
buhay sa puso’t diwa ng sambayanang
Pilipino.
SALAMAT PO!

You might also like