Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

DELL HYMES

Isang kilalang dalubhasa sa pag-aaral ng mga


paksang may kinalaman sa komunikasyon na
nagmungkahi ng isang modelo na nagsasaad ng
mga kinakailangang kaalaman at kasanayan ng
tao sa pakikipagtalastasan.
COMMUNICATIVE COMPETENCE
(kahusayang pangkomunikatibo)
Ipinakilala ito ni Dell Hymes noong 1972,
nagbigay daan ito upang higit na palawakin ang
kaisipan at pananaw ng marami ukol sa wika.
BROWN
Ang COMMUNICATIVE COMPETENCE ay tumutukoy sa
kakayahan at kaalaman ng sinumang gumagamit ng wika na
nakakatulong na makapagpahayag at makapagbigay kahulugan sa
mga mensahe upang makipagdiskurso ng mahusay at angkop sa
iba’t ibang konteksto o sitwasyon.
DELL HYMES
S etting (lunan ng usapan)
P articipants (sangkot sa usapan)
E nds (layunin ng usapan)
A cts Sequence (daloy ng pag-uusap)
K eys ( kaantasan ng usapan)
I nstrumentalities (daloy o gamit na midyum sa pakikipag-usap)
N orms (paksa ng usapan)
Genre (uri o anyo ng teksto)
MGA SALIK NA
BUMUBUO SA
WIKA
PONOLOHIYA
Binibigyang pansin nito ang Sistema ng palatunugan ng isang wika. Ang
tunog ay maituturing na pinakamaliit na yunit ng wika. Ang lahat ng wika sa
mundo ay may tunog ngunit may mga pagakkahalintulad at pagkakaiba na
dapat maunawaan. Hindi pare-pareho ang sistema ng palatunugan ng wika.
MORPOLOHIYA
Saklaw ng bahaging ito ang pag-aaral sa proseso ng pagbuo ng mga salita na
kakatawan sa mga nais ihayag na diwa at kahulugan. Tinitingnan din nito
ang mga kaugnay na sistema sa kung paano isinasaayos ang mga maliliit na
yunit o tinatawag na morpema, na itinuturing na pundasyon ng kahulugan at
diwa ng wika.

Hal. Unlapi, gitlapi, hulapi ay tuwirang makakaapekto sa kahulugang


tataglayin ng mga salita.
SINTAKS
Tumutukoy sa anyo, ayos at istruktura ng mga binubuong pangungusap
saklaw rin nito ang mga pamantayan na dapat isaalang-alang sa pagiging
tama at angkop ng kaanyuan ng mga binubuong pangungusap.
SEMANTIKA
• Binibigyang pokus nito ang pag-aaral sa mga kahulugang taglay ng mga
salita maging ang kahulugan ng mga mas malalawak na yunit gaya ng
mga sugnay at pangungusap.
PRAGMATIKS
Isinasaalang-alang ditto ang kahalagahan ng konteksto na nakakaapekto sa
interpretasyon ng mga mensahesa isang taong gumagamit ng wika.
DISKURSO
Pag-aaral sa sistema ng aktibong pakikipagpalitan ng mensahe sa pagitan ng
mga taong sangkot sa proseso ng komunikasyon sa parehong pasalita at
pasulat na pamamaraan.
TUNGKULIN NG WIKA AYON KAY
M.A.K. HALLIDAY 1978
• INTERAKSYONAL
• Ang tungkulin ng wika sa pagbuo at pagpapanatili ng ugnayang panlipunansa
pagitan ng mga tao.

• Halimbawa:
• Pangangamusta, pagbati, pagpapalitan ng biro, paghingi ng tawad, pagsulat ng liham
pangkaibigan.
INSTRUMENTAL
inihahayag ng kategoryang ito ang tungkulin ng wika sa pagkamit ng
mga naisin upang pangunahing matugunan ang mga pangangailangan.
Mapapansin kaagad ito kapag tayo ay nakikiusap o nag-uutos.
PANREGULATORI
ayon sa kategoryang ito nagagmit din ang wika upang manipulahin,
kontrolin at gabayan ang kilos, galaw, at asal ng iba.

Halimbawa
Pagbibigay-panuto, direksyon, paalala o babala
PAMPERSONAL
nagagamit ang wika sa pagpapahayag ng saloobin at damdamin sa
pamamagitan ng pagsusulat ng liham sa patnugot at arawang tala o diary,
pagsali sa mga pormal at di-pormal na talakayan at maging paggawa ng
facebook posts o status.
• PANG-IMAHINASYON
• Nagagamit ang wika sa pagpapahayag ng imahinasyon na nasa isip ng
tao sa malikhain at masining na paraan na makikitang higit sa mga
akdang pampanitikan, pelikula at iba pang katulad na likha.
• PANG-IMPORMATIB
• Nagagamit ang wika upang makapangalap ng impormasyon, datos o
kaalaman na makikita sa pag-uulat, pagtuturo, pagsulat ng aklat, ulat
at pamanahong papel.
PANG HEURISTIKO
ang wika ay maaari ring gamitin sa pagkalap ng datos o
impormasyon sa pamamagitan ng pagtatanong, pakikipanayam,
pananaliksik at sarbey.
LANGUAGE is a system of
communication that enables humans
to cooperate.
PAGTATAYA
TAMA O MALI
1. Ang wika ay katambal na ng pantaong komunikasyon.
2. Ang wika ay nagbibigay hugis sa ating kaisipan at saloobin.
3. Ang wika ay walang kamatayan.
4. Kung ang komunikasyon ay sumusunod sa pagbabago. Nagbabago rin
ang wika.
5. Maaring makalikha ng mga pangungusap kahit walang mga salita.
• 6. Ang lahat ng tunog ay wika at lahat ng tunog ay may kahulugan.
• 7. Maituturing na kasangkapan ng komunikasyon ang wika.
• 8. Ang pagkalaos o pagkawala ng mga salita maging ang pagdaragdag ng
mga bagong salita ay manipestasyon na ang wika ay nagbabago.
• 9. Ang lahat ng salita sa isang wika ay may tiyak at tuwirang katumbas sa
ibang wika.
• 10. Ang wika kahit na hindiginagamit ay patuloy na mabubuhay.

You might also like