Professional Documents
Culture Documents
Panahon NG Kastila
Panahon NG Kastila
Panahon ng Kastila
-Araviella B. Cariaga
Ayon Angeles Matienzo at Panganiban
1992 ang mga Pilipino noon bago pa
dumating sa Pilipinas ang mga Kastila ay
marunong ng magbasa at sumulat.
• Pasalin dila
• Alamat, kwentong-bayan,awiting bayan, epiko,bugtong,
salawikain,sawikain at kasabihan .
• Pasulat na ang mga ito at kadalasang tumatalakay sa
paksang panrelihiyon at nakasulat sa wikang Espanyol.
ANG MGA GRAMATIKA AT DIKSYUNARYO
1. ANG MGA GRAMATIKA
• Tomas Pinpin - Naglimbag ng “Arte Reglas de la Lengua
Tagala” na isinulat ni Padre Blancas de San Jose noong 1610
• Padre Gaspar de San Agustin - ang nagpalimbag ng
“Compendio del Arte de La Lengua Tagala noong 1703.
• Padre Minguella - nagsulat ng “Ensayo de Gramatica Hispano
Tagala noong 1745.
• Padre Jose Hevia Campomanes - akda ng “Lecciones de
Gramatica Hispano-Tagalo”.
Mayroon din sa ibang wika tulad naisulat nina:
• Padre Francisco Lopez - “Arte de la Lengua Iloca” (1627)
• Padre Diego Bergaño- “Arte de la Lengua Pampanga”
2. ANG MGA DIKSYUNARYO AT BOKABULARYO
• Agustin Albuquerque - prayleng unang sumulat nang tungkol sa
wikang Tagalog.
• Padre de Plasencia - isang Fransiscano, binigyan ng karangalang
unang nakasulat ng “Arte y Diccionario de Tagala” (1581)
• Padre Miguel Ruiz - isang Dominico na sumulat ng “Vocabulario
Tagala”
• Padre Francisco Blancas de San Jose - unang napalimbag na
tungkol sa Tagalog, “Arte y Regla de la Lengua Tagala” (1610)
• Padre Pedro de San Buenaventura - sumulat ng unang
diksyunaryong nalimbag noong 1613, “Vocabulario de la Lengua
Tagala”
• Padre Domingo de Los Santos - “Vocabulario de la Lengua Tagala”
(1703)
• Padre Juan de Noceda at Pedro de San Lucar - ang sumulat ng
itinuturing isang dakilang bokabularyo na nailimbag noong
1754.
• Rosalio Serrano - “Diccionario Tagalog-Español” (1854)
• Pedro Serrano Laktaw - “Diccionario Hispano-Tagalo” (1889),
ang kauna-unahang diksyunaryong gumamit ng makabagong
abakada
Mga bokabularyo sa ibang wika sa Pilipinas:
• Francisco Lopez - “Vocabulario de la Lengua Iloca (1630)
• Diego Bergaño- “Vocabulario de la Lengua Pampanga (1732)
• Marcos Lisboa - “Vocabulario de la Lengua Bicol (1754)
• Jacinto Juanmarti - “Diccionario Moro o Magindanaw-
Español” (1892)
PAKSAIN NG PANAHON NG MGA KASTILA
Maaaring mahati ang mga pakasain noong panahon
ng mga Kastila sa:
(1) Panahon ng Panitikang Pansimbahan - dalit,
nobena, buhay-buhay ng mga santo’t santa, mga
dulang pansimbahan, sermon at mga nauukol sa
kagandahang-asal at
(2) Panahon ng Awit at Korido - awit at korido, mga
tulang pandamdamin, mga tuluyan at dulang pag-aliw.
1. PANAHON NG PANITIKANG PANSIMBAHAN
Ang unang panahon ng pananakop ay pagpapalaganap ng
panitikang pansimbahan at kagandahang asal.
ANG DOKTRINA KRISTIYANA
• Ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1953
• Silograpiko at ipinalimbag ng mga paring Dominico sa Maynila
a. Dalit
• Iba’t-ibang santo’t santa ang pinagdadalitaan
• Ginaganap tuwing Mayo sa lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija,
Rizal,
Laguna, Cavite, Quezon, Marinduque, at Mindoro
• Naisulat ang papuring pinamagatang “Fores de Mayo” ni Padre
Mariano Sevilla
b. Mga Nobena
• Ito ay mga katipunan ng mga panalangin na kailangang ganapin sa
loob ng 9 na araw.
• Hango sa mga akda noong unang panahon pa ng mga Kastila gaya
ng Virgen nang Capayapaan at Mabuting Paglalayag (1981) ni
Padre Joaquin Tuazon.
• Naunang akda: Novena kay Santo Domingo de Guzman (1889)
• “Novenang hain nang Bayan mong Biñang cay San Isidro
Labrador” (1893) ni Padre Modesto de Castro
c. Mga Buhay-buhay ng Mga Santo’t Santa
• Pasyong Mahal
• Vida de Rita (1747) ni Padre Francisco Buencuchillo
• Buhay ni San Francisco ni Joaquin Tuazon
• Buhay at Novena ni San Juan de Dios (1889) ni Francisco Valencia
d. Akdang Pangmagandang-asal
• Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro
• Mahahalagang mga aral na tungkol sa pangungumpisal (1889)
2. PANAHON NG AWIT AT KORIDO
Tulad ng nabanggit na, mahahati sa apat na bahagi ang panahong ito:
(a) Awit at Korido,
(b) Tulang pang-aliw,
(c) Tuluyang pang-aliw, at
(d) Dulang pang-aliw.
a. Awit at Korido (Metrical Romances)
• Ang Awit ay binubuo ng 12 na pantig sa loob ng isang taludtod, apat na
taludtod sa isang taludturan
• Ang mga korido ay hinggil sa mga alamat at di-kapaki-paniwalang
kasaysayan na ang buod at paksa’y nababatay sa mga naganap sa Europe
• Kabilang sa mga awit ang Florante at Laura ni Balagtas, Pitong Infantes
de Lara, D. Alejandre at D. Luis, Doce Pares ng Pransya at Haring Patay.
• Kabilang naman sa korido ang Kabayong Tabla, Don Juan Tiñoso, Ang
Ibong Adarna, Ang Dama Ines at Prinsipe Florinioni Ananias Zorilla at
Rodrigo de Villasni Jose de la Cruz
b. Tulang Pang-aliw
• Phelipe de Jesus - inaatang na ‘unang tunay na makata,’
ipinalalagay na ang naipalathala niya noong 1708 ang may
katangian ng tunay na tula.
• “Arte Poetico Tagalo” (1895) ni Padre Francisco Buencuchillo
• Pinagsalit-salit na mañga Bulaclac o Sarisaring Tula tungkol
sa mga Historia ng Bayan-bayan sa Filipinas, Caugalian ng
manga Tagalog, Manga Cahatulang Paquiquinabangan at iba’t
iba pang calulugdan ng Balana (1889)
c. Tuluyang Pang-aliw
• Barlaan at Josaphat (1708-1712) ni Padre Antonio de Borja
• Manga Buhoc na Nangungusap (1884)
• Tandang Basio Macunat (1885) ni Padre Miguel Lucio
Bustamante.
PAMAMARAAN ISTILO AT WIKA
TULA
Sa larangan ng panulaan, may lumabas na tinatawag na
ladino, magkahalo ang Kastila at Tagalog. Kilala sa mga
manunulat na ladino sina Fernando Bagongbanta, Tomas
Pinpin at Pedro Suarez Ossorio.
(1) Memorial
(2) Awit
(3) Bagamat nabibiang si Pedro Suarez Ossorio sa mga
ladino may isinulat din siya noong 1617 na nakasama sa
“Doctrina Christiana” ni P. Alonzo de Sta. Ana noong 1627.
Sa tulang pasalaysay o mga awit at korido, ang
nangunguna’y ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas at
Ang Ibong Adarna. Sa may paksaing relihiyon ang Pasyon
ang nangunguna.
Si Francisco Balagtas ang tinaguriang “Makata ng Lahi”.
Ipinanganak siya sa Panginay, Bigaa, Bulacan at binawian ng
buhay sa Bataan. Tinagurian din siyang “Ama ng Tulang
Tagalog.” Naiiba ang pamamaraang ginamit niya sa kanyang
Florante at Laura. Masasabing isang uri ng paghihimagsik di
lamang sa paksa kundi sa pamamaraan ang kanyang awit na
ito.
TULUYAN
Sa panahong ito lumabas ang tinatawag na mahabang tuluyan; hindi
naman matatawag na talagang nobela sapagkat kulang ng sangkap ng
tunay na nobela. Masasabing ang mga ito ang pinag-ugatan ng nobela.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
• Urbana at Feliza - nasa anyong pagpapalitan ng liham ng magkapatid
na Urbana at Feliza
• Tandang Basio Macunat - kuwentong sa loob ng iang kuwento
• Barlaan at Josaphat - isang nobela nga ngunit salin lamang buhat sa
wikang Griyego kaya tagapanguna lamang ng Nobelang Tagalog
ANG DULA AT DULAAN
(1) sa tahanan - ginaganap ang mga duplo, at karangalan, bugtungan at
dulog o pamanhikan.
(2) sa labasan - ginaganap ang panunuluyan, o pananapatan,
pangangaluluwa, tibag, santakrusan, moriones at hugas-kalawang.
3) sa tiyak na tanghalan - ginaganap ang moro-moro, carilyo, senakulo, at
sarsuwela.
Ang Tula sa Panahon ng mga Kastila