Professional Documents
Culture Documents
RPH Midterms Reviewer
RPH Midterms Reviewer
KASAYSAYAN NG
PILIPINAS
Pagsusuri ng Kasaysayan
■ Primaryang Batis (Primary Sources)
Pangunahing sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan ang mga tinatawag na primaryang batis.
Ang mga ito ay ang bagay at mga tala na naglalaman ng impormasyon na galing mismo sa bagay o tao
na pinag-uusapan sa kasaysayan (de Viana, n.d.). Nangangahulugan na ang mga ito ay mga uri ng
bagay na umiral kasabay ng mga pangyayaring tinatalakay.
Ang mga primaryang batis ay maaaring uriin sa dalawa: nakasulat at ‘di-nakasulat. Ang mga
nakasulat na primaryang batis ay mga dokumento na naglalaman ng mga ulat ng kaganapan, tala,
opinyon, pananaw, at damdamin ng may-akda. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
■ Talaarawan- tinatawag din itong diary o journal. Ang mga ito ay naratibo ng mga kaganapan na
inakda ng mga tao na mismong nakaranas at nakasaksi sa mga pangyayari. Kadalasan na ito ay
isinusulat ng may-akda araw-araw. Isang halimbawa nito ay ang diary ni Hen. Gregorio del Pilar
na naglalarawan ng kanyang karanasan sa pakikibaka sa mga Amerikano. Nagtapos ang kanyang
pagsusulat nang siya ay mapaslang ng mga Amerikano sa Pasong Tirad.