Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

LAYUNI

A. F8WG-Id-f-21
Nagagamit nang wasto ang mga
kaalaman sa pang-abay na pamanahon at
panlunan
B.Nagagamit ang mga kaalaman at
kakayahang panggramatika na
nakatutulong sa pagtatamo ng
pasalitang komunikasyon
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng
halimbawang pangungusap na
gumagamit ng pang-abay na pamanahon
at panlunan. Ipaliwanag ito sa harap ng
klase.
Panuto:
⚪ Basahin at unawaing mabuti ang
bawat pangungusap. Sagutin
ang mga katanungan.

⚪ Tandaang limitado ang oras


sa pagsagot.
Handa ka na ba?
1. Ang mag-anak na Santos ay
maginhawang namumuhay sa
probinsiya. Ang salitang may
salungguhit sa pangungusap ay
ginamit bilang .
Pangngalan
Pang-uri
Pandiwa
Pang-abay
2. Maayos ang pila ng mga deboto
sa prusisyon. Ang salitang may
salungguhit sa pangungusap ay
nasa bahagi ng pananalitang
.
Pangngalan
Pang-abay
Pandiwa
Pang-uri
3. Si Rita ay isang magaling na
manunulat ng mga tula. Ang
salitang may salungguhit sa
pangungusap ay ginamit bilang
.
Pandiwa
Pang-abay
Pangngalan
Pang-uri
4. Magaling magsulat ng mga
kuwentong pambata si Adel. Ang
salitang may salungguhit sa
pangungusap ay nasa bahagi ng
pananalitang .
Pang-uri
Pang-abay
Pandiwa
Pangngalan
5. Ang guro namin ay mahusay
magpaliwanag ng mga
kababalaghan. Ang salitang
may salungguhit sa
pangungusap ay ginamit bilang
.
Pandiwa
Pangngalan
Pang-uri
Pang-abay
Pagsusuri ng mga mag-aaral sa mga
pangungusap sa gawain at
pagpapaliwanag nito sa harap ng
klase.
Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga
halimbawa ng Pang-abay na
Pamanahon at Panlunan.
TANONG:
Nakatulong ba ang mga pang-abay na
pamanahon at panlunan sa ating
pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan? Patunayan.
PAGSASANAY
Panuto: Tukuyin kung ang
salitang may salungguhit
ay ginagamit bilang pang-
uri o pang-abay.
1. Idinaos nang maayos ang prusisyon ng mga
deboto.
2. Ang buhay ng mag-anak na Santos sa
probinsiya ay maginhawa.
3. Madaling nakumpuni ng magkapatid ang
sirang bubong.
4. Matiyagang naghahanapbuhay ang tatay ni
Doris sa Saudi Arabia.
5. Masiglang sumasayaw ang mga estudyante
sa paaralan.
Pagtukoy ng uri ng pang-abay
Panuto: Bilugan ang pang-abay. Pagkatapos
tukuyin ito kung Pang-abay na Pamanahon o
Panlunan .

1. Naglibot ang prinsesa sa buong kaharian


kaya’t nakita niya ang pagdurusa ng mga
mamamayan.
2. Tuwing alas kwatro ng umaga gumigising si
Aling Myrna.
3. Tinulungan niya ang mga pulubi sa
lansangan.
4.Darating na mayamaya ang mga bata mula
sa paaralan.
5.Dinala niya sa ospital ang kapatid na may
sakit.
6.Sa bukid niya pinakinggan ang hinaing ng
mga magsasaka.
7.“Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit
kanina”, sabi ni Ayesha.
8.Nakita ko siyang bumili ng tinapay sa
tindahan.
9.Si Ate Miriam ay naghahanda ng almusal sa
kusina.
10.Tumungo sa hapag-kainan ang buong
mag-anak.
11.Pumunta muna si Sam kina John dahil may
hiniram siyang aklat.
12.Nahalata ni Maria ang merienda sa ibabaw
ng mesa.
13.Pinapunta ni Bryan ang kaniyang ina kay
Gng. Marasigan upang kunin ang kanyang kard.
14.Araw-araw binibigyan niya ng pagkain ang
kaklase niyang walang baon.
15.Magtutungo kami sa Maynila sa isang araw
upang daluhan ang isang mahalagang
pagpupulong.
TAKDANG – ARALIN
Magsaliksik tungkol sa
Epiko bilang isang
akdang pampanitikan.

You might also like