Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Aralin 2:

Mga Hakbang sa Pagsulat


ng Buod
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod

1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang


pahapyaw ang teksto.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang
pinanood o pinakinggan, tukuyin ang
paksang pangungusap o pinakatema.
Tukuyin din ang mga susing salita (key
words)
3. Huwag kalimutan ang sitasyon
lalo sa mga akademikong sulatin.
4. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideang
ito upang mabuo ang pinakapunto o
tesis.
5. Gumamit ng sariling salita at iwasan
ang paggamit ng tuwirang sipi
6. Sikaping maging maikli ang
buod.
7. Sulatin ang borador ng buod. Tiyakin
ang organisasyon ng teksto. Sikaping
isulat ito hawig sa isang summary lead o
kabuoang pamatnubay na sumasagot sa
SAKS-BP (Sino, Ano, Kailan, Saan-
Bakit, Paano) sa pangkalahatan.
a. Simulan sa matamang sitasyon

b. Ilahad ang punong kaisipan o pahayag


ng tesis.

c. Ilagay lamang ang payak at maikling


paliwanag tungkol sa punong kaisipan o
tesis.
d. Alisin ang hindi kailangang mga
salita at pag-uulit.

e. Obhetibo ang pagsulat ng buod


kaya alisin ang anumang sariling
idea at hinuha na nailahok.
f. Gumamit ng signal words o mga
salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya.

g. Maaaring ilahad ang kahalagahan


ng artikulo at pagbasa nito sa
kongklusyon.
8. ledit ang borador ng buod. Itsek ang
buod katuwang ang sumusunod na
tanong:

a. Nasasagot ba ng buod ang SAKS-BP


(Sino, Ano, Kailan, Saan-Bakit, Paano)?
b. Wasto ba ang gramatika, paggamit ng
bantas, at baybay ng mga salita?

c. Nailahok ba ang sariling opinyon at idea?

d. Nagkakasundo ba ang mga bahagi at


kaisipan?
e. Banayad ba ang daloy ng buod kapag
binasa?

f. Nailahad ba ang punong kaisipan at


maayos na nasuportahan ng mga
pantulong na idea?
g. Inobserbahan ba ang matamang
sitasyon?

h. Gumamit ba ng sariling salita sa


pagbubuod ang tagabuod?

i. Maikli o 1/3 ba ng teksto ang buod?


Narito ang natukoy na haylayt ng isang saliksik para sa
pagbubuod:
Sitasyon (Pamagat, Mananaliksik, Pinagkunan o Saligan
na maaaring magasin, journal, pahayagan, o iba pang
hanguan, at Petsa ng Paglathala): Challenges in the
Implementation of Mother Tongue-Based Multilingual
Education Program: A Case Study / Espada, Janet P.
et al. / Research Journal of English Language and
Literature / December 2017
Thesis Statement o Panukalang Pahayag: Naaapektuhan ng
implementasyon ng MTB-MLE ang paraan ng pagkatuto ng mga mag-
aaral.

Pantulong na Kaisipan:
-Layunin ng pag-aaral na ilahad ang mga suliraning kaugnay ng
pagpapatupad ng programang MTB-MLE.
-Hirap unawain ng mga mag-aaral ang mga konsepto sa mga
asignaturang gumagamit ng mother tongue sa pagtuturo
-Hirap ang parehong guro at mag-aaral sa prosesong pagtuturo
pagkatuto.

Kongklusyon:
-Ang resulta ng pag-aaral ay magsisilbing batayan sa pagreporma ng
Sa pag-aaral nina Espada et al. (2017) na "Challenges in
the Implementation of Mother Tongue-Based Multilingual
Education Program: A Case Study," napatunayan na
naaapektuhan ng implementasyon ng MTB-MLE ang paraan ng
pagkatuto ng mga mag-aaral. Nilayon sa pag-aaral na ilahad ang
mga suliraning kaugnay ng pagpapatupad ng programang MTB-
MLE. Natuklasan na hirap unawain ng mga mag-aaral ang mga
konsepto sa mga asignaturang gumagamit ng mother tongue sa
pagtuturo. Gayundin, ang parehong guro at mag-aaral ay hirap sa
prosesong pagtuturo pagkatuto. Sa gayon, hangad ng mga
mananaliksik na magsilbing batayan ang resulta ng pag-aaral sa
pagreporma ng mga polisiya sa pagpapatupad ng MTB-MLE.
Maraming salamat sa pakikinig!

You might also like