Professional Documents
Culture Documents
Pangkat 5 Konfil Superfinallll
Pangkat 5 Konfil Superfinallll
PANGKAT 5
PAGSUSURI
PAG-UUGNAY-UGNAY NG
IMPORMASYON
PAGBUBUOD NG IMPORMASYON
PAGBUO NG PAHAYAG NG
KAALAMAN
SINTESIS
ANO ANG
PAGSUSURI?
Ang pagsusuri ay isinasagawa pagkatapos managalap at magbasa
ng mga katunayan at datos para sa binubuong pahayag ng kaalaman.
Subalit alalahanin muli na may mga kuwalitatibong disenyo ng
pananaliksik kung saan maaari nang magsimulang magsuri ng
impormasyon habang nangongolekta at nagbabasa pa lamang nito, lalo
na kung hangad ang punto ng saturation ng mga kategorya at tema sa
pagbubuo ng bagong kaalaman .
Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, hinahanapan ng
mananaliksik ng kaugnayan sa isa’t isa ang mga datos at ang bumubuo
ng buod hinggil dito. Gabay ang mga layon ng pananaliksik sa pag-
uugnaya-ugnay at pagbubuo ng mga datos. Ang mga kaugnayan at
buod na ito ay ginagamit sa pagtukoy sa mga pangunahing tema ng
naprosesong impormasyon at sa pagabuong pahayag ng kaalaman.
PAG-UUGNAY-UGNAY NG IMPORMASYON
Sa pag-uugnay-ugnay ng impormasyon mula sa iba’t ibang batis, kailangan ng
mananaliksik ng malinaw, matalas, metikuloso, at mapanuaring isipan. Bagama’t
may mga materyal na tahasang nagpapaliwanag ng kaugnayan sa isa’t isa ng mga
nilalamang impormasyon, mas marami sa mga batis ng impormasyon ay walang
ganitong paglilinaw.
Ayon sa kay Spradley (1979) , ang ilan sa mga halimbawa ng sematikong relasyon ay ang
sumusunod:
Espasyal (spatial) “Ang X ay isang lugar/lunan sa Y”, “Ang X ay isang bahagi ng Y”.
Sa pangalawang sikulo, pinagtitibay pa ang mga kategorya at pinapalitaw din ang mga tema. Ang tema ay tumutukoy sa dalawang bagay:
Una, sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang mga susing salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema.
Pangalawa, kahingian ng ilang uri ng material ang angkop na element at estruktura ng buod.
Pangatlo, sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam , talakayan, at iba pang etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang hinahantungan ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.
Pang-apat, iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong (Jimenez, 1982,p. 27).
Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman
Pagkatapos ng pagsusuri, ang susunod na hakbang ng mananaliksik ay ang pagbuo ng pahayag ng
kaalaman batay sa mga pangunahing temang natukoy mula sa mga pinag-ugnay-ugnay at binuod na
impormasyon na nanggalibg sa iba’t ibang batis. Sa bahaging ito, kailangan nang pagpapasiyahan at
iorganisa ng mananaliksik ang mga pangunahingb tema at karampatang detalye na lalamanin ng kaniyang
pahayag ng kaalaman.
Ang mga tema ay dapat sasagot sa mga layon ng pananaliksik; isasaayos ayon sa mga layong ito, at
papalawigin ng mga paliwanag, katwiran, at exemplar na hinalaw sa datos, pati ng mga analitikal na ideya
at konseptong nagmula sa mga eksperto sa paksa.
Sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman,dapat sagutin nang malinaw ng mananaalikssik gamit ang mga
pangunahinng temang napalitaw mula sa pagpoproseso ng impormasyon(pagkalap, pagbabasa, pag-uugnay-
ugnay, at pagbubuod). Ang mga kasaagutang ito ay lalamanin ng mamateriala kaniyang susulatin o ipoprodyus
para sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.
Pangalawa, pumili ng angkop na plataporma kung midya ang gagamitin sa pagpapahayag ng kaalaman.
Pangalawa, magandang gamitin natin ang bernakular at pambansang wika hindi lamang para sa madaling
magkaintindihan kundi para sa pagsasakonteksto ng pananaliksik sa lipunang Pilipino at para mabasa’t
mapakinabangan ito ng mga kapwa Pilipino. Hindi matutumbasan ng wikang Ingels ang wikang Filipino
sa paglalarawan at pagtalakay ng mga penomenong matatagpuan lamang sa bansa. Kung gusto ng mga
Pilipino umunlad ang ating isipan kailangan paunlarin din ang bernakular at pambansang wika sapagkat
“ang wika ay instrumento ng pag-iisip” (Constantino, 1996,p.51).
Myembro ng pangkat 5
MA. PATRICIA GERANEO