Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PAGLALAHAD

MODULE/1ST SEMESTER/FINALS/WEEK 1
Layunin:

1. Nalalaman ang kahulugan ng paglalahad


2. Natutukoy ang iba’t ibang anyo ng paglalahad
3. Nakapaglalahad ng mga halimbawa ng mga anyo ng
paglalahad
PAGLALAHAD
Sa Ingles, kung tawagin ang paglalahad ay expository writing. Madalas makita
ang anyong ito ng pagtalakay sa karaniwan nating binabasa sa araw-araw gaya ng
mga teksbok, ng mga editoryal sa dyaryo, ng mga artikulo sa mga magasin, atb. Ito
ay hindi nagsasalaysay ng isang kuwento.
Ito ay hindi rin naglalarawan ng isang bagay. Ito ay hindi rin naghahayag ng
isang paninindigan. Bagkus, ito ay sadyang nagpapaliwanag. Ito'y isang
pagpapaliwanag na obhektibo o walang-pagkampi at may sapat na detalye na
pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang binibigyang- linaw nang lubos na
maunawaan ng mayinteres.
Anyo ng Paglalahad
1. Paglalahad sa anyong panuto o pagpapaliwanag ng mga paraan sa
paggawa ng isang bagay.
2. Paglalahad sa anyong pagbibigay-katuturan o pagpapaliwanag ng
kahulugan ng isang salita o bagay.
3. Paglalahad sa anyong interpretasyon o pagpapaliwanag ng palagay
hinggil sa isang simulain o layunin.
4. Paglalahad sa anyong pagpapakilala o pagpapaliwanag sa kalagayang
pantao
5. Paglalahad sa anyong kritisismo o pagpapaliwanag sa mga pinupuna
6. Paglalahad sa anyong sanaysay
6. Paglalahad sa anyong balita o ulat
GAWAIN
I. Sagutin ang mga Sumusunod na tanong.
1. Ano ang paglalahad? Paano ito ipinipresenta? Bakit kailangan itong isulat nang
madetalye?
2. Magbigay ng ilang kaanyuan ng paglalahad at sa sariling obserbasyon at
pananalita sikaping bigyan ang mga ito ng pagkakaiba-iba.
3. Sa inyong palagay, alin sa mga anyo ng paglalahad ang may kadalian at may
kahirapang isulat? Bakit?
4. Pagtalunan: Dapat ba o di dapat diktahan ng mga moralistang gaya ng relihiyon
at sensor ang tao tungkol sa kung ano ang tama o mali para sa kanila o ang mabuti
at masama para sa kanila?
5. Mag-isip ng isang bagay na di-karaniwang ginagawa ng karamihan at ilahad ang
mga paraan ng pagsasagawa nito.
II. Ibigay ang mga sagot ng mga sumusunod.
1, Manaliksik sa mga sumusunod na paksa
a. panuto.
b. pagbibigay katuturan
c. pamumunao kritisismo
2. Magbasa ng isang tula, maikling kuwento o editorial at sumulat ng
isang maikling pamumuna hinggil dito.
3. Makipanayam sa isang taong kilala o awtoridad sa isang larangan at
sumulat ng isang paglalahad na nagpapakilala sa taong ito.

You might also like