Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 57

MULANG BAYBAYIN HANGGANG ABAKADA

Bakit kaya mahalagang malaman ang kasaysayan ng ating alfabeto? Ano ang maitutulong ng kaalamang
ito sa masusing pag-aaral ukol dito?
Batid nating lahat ang kahalagahan ng alfabeto sapagkat ito ang mga titik na ginagamit natin upang
makabuo tayo ng isang salita. Ang sistema ng pagsulat sa Filipinas ay dumaan sa iba’t ibang yugto mula
noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Sa araling ito ay matutunghayan ang pahapyaw na kasaysayan ng mulang baybayin hanggang
abakada. Subalit bago ka magpatuloy ay nais kong malaman mo na dapat mong maabot ang mga
sumusunod na layunin sa ibaba.
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:

 Naipaliliwanag ang kaibahan ng baybayin at abakada, abecedario at


abakada.
 Nakasusulat ng salin ng liham pasasalamat gamit ang baybayin.
 Napahahalagahan ang paggamit ng mulang baybayin hanggang abakada
sa pasulat na paraan.
MULANG BAYBAYIN HANGGANG ABAKADA

Ano nga ba ang baybayin? Ang baybayin ay ang


tawag sa sinaunang alfabeto ng ating mga ninuno. Ito ay
may labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga
titik. Ang labimpitong simbolong ito ay binubuo ng 14
na katinig at 3 patinig. Ang mga simbolong
kumakatawan sa mga titik ay gaya ng mga sumusunod:
ANG MGA SUMUSUNOD AY ANG MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSUSULAT NG BAYBAYIN

 Binibigkas na may patinig na ‘a’ sa dulo ang lahat ng mga katinig sa baybayin.
 Inilalagay ang tuldok sa itaas na bahagi ng simbolo kapag ang isang katinig sa baybayin ay binibigkas na may E o I sa
dulo.
 Kapag ang isang katinig sa baybayin na binibigkas na may O o U sa dulo ang tuldok ay inilalagay sa ibabang bahagi
ng simbolo.
 Samantala, kapag ang katinig ay pabitin, nilalagyan ng tandang krus o ekis sa kanang paibaba pagkatapos ng simbolo.
 Ayon kina Pagkalinawan et al. (2004) sa kanilang aklat na pinamagatang “Komunikasyon sa Akademikong
Filipino”, inilalagay sa pagitan ng mga salitang ipinaghiwalay ang isang guhit na patayo ( ) ,habang ang dalawang
guhit na patayo ( ) ay sa pagitan ng mga pangungusap. Ang tawag sa guhit na ito ay danda. Samantalang mababasa
naman sa aklat ni Leo Emmanuel Castro (2019) na pinamagatang “Baybayin Ating Tuklasin” ginagamit ang isang
guhit na patayo ( ) bilang simbolo ng kuwit habang ang kapid danda ( ) naman ay ginagamit na pagtutuldok. Sa mga
nabanggit sa itaas na gamit ng danda, malaya kayong pumili sa mga alituntuning nabanggit kung ano ang inyong
gagamitin.
TUNTUNIN SA PAGSALIN SA BAYBAYIN

Tandaan:
Kung anong bigkas ay siyang sulat sa Baybayin.
Narito ang mga halimbawa sa pagsulat gamit ang baybayin:

1. Lahi 2. buhay
1. Madaling maging tao, mahirap magpakatao.

Leo Emmanuel Castro (2019)


2. Bago mo subukang sumuway, kailangan mo
munang isiping walang madadamay. Ang iyong
kinabukasan ay nakadepende sa desisyon mo sa
kasalukuyan.

Pagkalinawan et al. (2004)


Malinaw ba sa iyo ang tungkol sa baybayin? Dako ka na ngayon sa kasunod na alfabeto ng Pilipinas. Sa pagdating ng
mga Kastila ang lumang baybayin ay napalitan ng alfabetong Romano na kalauna’y nakilala sa tawag na
abecedario. Ito’y binubuo ng 31 na titik at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.
Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na
lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsulat at isa
na rito ay ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Kaya sa paglipas ng ilang taon, ang alfabeto ay
napalitan. Ang kasunod ng alfabetong Romano ay ang
abakada na ipinakilala ni Lope K. Santos (ama ng
Balarila ng Wikang Filipino) noong 1940. Mula sa
labimpitong (17) titik sa baybayin naging dalawampu
(20) ang mga titik ng alfabeto sa kadahilanang
pinaghiwalay ang E at I, O at U, Da at Ra. Kaya naging
lima ang patinig: A, E, I, O, U at dalawampu (20) ang
mga titik ng lumaganap ang Wikang Pambansa na
Wikang Filipino. Binibigkas ang mga katinig ng may
kasamang patinig na A. Nakahanay ang mga ito sa
sumusunod na paraan:
Ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos ng kaniyang sulatin na pinamagatang Balarila
(nalathala, 1940) ay ang sinulat ni Dr. Jose Rizal noong nakadestino siya sa Dapitan na pinamagatang Estudios sobre
la lengua tagala na nalathala noong 1899.
Kaugnay ng pag-aaral ng wikang Español ang naging dahilan sa pagbubuklod sa mga titik E at I, O at U. Subalit
ipinaliwanag sa aklat ni Tomas Pinpin ang magkaibang mga tunog ng E at I at ng O at U sa kadahilanang may mga
salita sa Español na magkatulad ng pagbaybay ngunit magkaiba ang kahulugan dahil sa naturang titik. Halimbawa,
iba ang mesa (kinalalagyan ng pagkain o mga gamit) sa misa (seromonya sa simbahan). Sa kabilang dako, may mga
salita naman na nagkakapalitan ang pagkakagamit ng E at I ngunit hindi naiiba ang kahulugan. Halimbawa, lalaki at
lalake, babae at babai.
Subalit sa kabila ng lahat, lubhang naimpluwensiyahan pa rin ng wikang Español ang mga wikang katutubo sa
Pilipinas dahil hindi isinama sa abakada ang mga letrang C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X at Z. Nanatili ang mga ito
sa mga pangngalang pantangi gaya sa Carmen, Vizcaya atbp.
Ngunit marami sa mga salitang hiram sa Español ang nagtataglay ng naturang mga titik na tinapatan ng mga
tunog sa mga titik ng abakada gaya ng mga halimbawa na nasa loob ng kahon.
HIRAM TITIK SALITANG ESPAÑOL BAYBAY TAGALOG
NA TITIK TAGALOG
C k- calesa Kalesa
s- cine Sine
CH ts- cheque tseke
s- chinelas sinelas
F p- fiesta pista
J h- jota hota
LL ly- billar bilyar
y- caballo kabayo

Ñ ny- baño banyo


Q k- queso keso
RR r- barricada barikada
V b- ventana bintana
X ks- Experimento eksperimento
s- xilofono silopono
Z s- zapatos sapatos
PAGSASANAY

Gawain 1

A. PAGSUSULAT NG BAYBAYIN

Panuto: Gumawa ng liham pasasalamat kasabay ng salin nito sa baybayin (sa ilalim). Ihandog ang inyong liham
sa taong nais mong pasalamatan. (50 puntos)
Mga sagot:
Pamantayan sa Paggawa ng Liham Pasasalamat

Pamantayan Puntos

Nilalaman 20%
Wastong Balarila 10%
Wastong Pagsalin sa Baybayin 20%
Kabuuan: 50%
B. VENN DIAGRAM
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nasa ibaba. Isulat ang
mga sagot sa loob ng venn diagram. (20 puntos)
1. Ano ang kaibahan ng baybayin sa abakada?
2. Ano ang kaibahan ng abecedario sa abakada?
Gawain 2: PAGBAYBAY NG MGA SALITANG ESPANYOL SA TAGALOG
Panuto: Magbigay ng sampung mga salitang Espanyol at baybayin ang mga ito
sa Tagalog. (20 puntos)

SALITANG ESPANYOL BAYBAY TAGALOG


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.
PAGTATAYA
PAGSUSULAT NG BAYBAYIN

Panuto: Isalin gamit ang baybayin ang liriko ng inyong paboritong kanta( intro
at chorus lamang) .Ilagay sa ilalim ng simbolong naiguhit ang kaakibat

na mga salita at kataga. (60 puntos)


Sagot:
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang
sagot sa kahong nasa ibaba.(20 puntos)
 
1. Bilang isang estudyante ng Negros Oriental State
University, may kahalagahan pa ba sayo ang pag-aaral
ng balarilang Filipino noon at ngayon?Ilahad ang
sagot sa tatlo o limang pangungusap lamang.
 
2. Paano mo naman mapahahalagahan at mapalaganap

ang pagsusulat gamit ang baybayin? Ilahad ang


sagot sa tatlo hanggang limang pangungusap
lamang.
 
1. ______________________________ 2. ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
Pamantayan Puntos

Wastong gamit ng salita at mga kataga sa pangungusap. 5

Malinaw ang nilalaman at organisado ang mga ideyang 5


nailahad.

Kabuuan 10
BAGONG ALFABETONG FILIPINO

Makikita natin ang matinding dulot ng pananakop ng mga dayuhan sa ating kapuluan kung kaya’t
pati ang ating pagsulat ay napalitan. Sa kasalukuyan, iilan lamang ang nakakakilala sa baybayin at
ang bagong alfabetong Filipino na ang kilala ng lahat. Ngunit alam mo ba ang kasaysayan ng ating
alfabeto?
Sa araling ito ay matutunghayan mo ang kasaysayan ng bagong alfabetong Filipino. Subalit
bago ka magpatuloy ay nais kong malaman mo na dapat mong maabot ang mga sumusunod na
layunin sa ibaba.
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng leksiyong ito, ikaw ay inaasahang:

 Nakapagbibigay ng mga salita sa bawat walong hiram na titik sa alfabeto.


 Nakagagawa ng timeline sa kasaysayan ng Alfabetong Filipino.
 Napahahalagahan ang kasaysayan ng Alfabetong Filipino sa pasulat na
paraan.
TALAKAYIN NA!

Ngayon, maghanda sa pagtuklas ng karunungan hinggil sa bagong alfabetong Filipino. Basahin mo ang
talakayan sa ibaba. Simulan mo na!

Walang permanente sa mundo, ang lahat ay nagbabago. Pati ang sariling alfabeto ng Filipinas ay nagpabago-
bago sa paglipas ng panahon. Ngayon, matutunghayan mo ang mayabong na kasaysayan ng ating alfabetong Filipino.
1976

Alam mo ba na pinagyaman sa taong ito ang dating Abakada sa bisa ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 194
ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at pagbabago ng wikang
Filipino. Sinimulan ang pagbabago ng ating alfabeto sa mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino ng Surian ng
Wikang Pambansa. Mula sa 20 titik ng abakada ng wikang Tagalog, idinagdag ang 11 bagong letra – c, ch, f, j, ll, ň,
q, rr, v, x, at z kaya naging 31 ang titik ng alfabeto. Dahil sa dami ng mga titik, binansagan itong “pinagyamang
alfabeto”. Subalit ito ay hindi naging matagumpay dahil nagpakita ito ng konting kahinaan at nagdulot ng maraming
argumento. Ilan sa mga ito ay hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga titik at kung paano ito pagsusunod-
sunurin. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alfabetong may digrapo. Dahil sa iilang
mga argumentong ito, muling binalak ng Surian na repormahin ang alfabeto partikular na sa pagreporma ng
palabaybayang Filipino. Ang Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan, midya at maging sa paaralan hanggang sa
kalagitnaan ng taong 1987.
1987

Sa taong ito, muling binago ang alfabeto nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Filipinas ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987 na may pamagat na Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyon ng 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at
paglaganap ng Filipino bilang wikang Pambansa at pampamahalaang wika at pagsang-ayon pa rin sa patakaran ng
Edukasyong Bilingguwal ng 1987.
Sino-sino ang nagreporma? Sa tulong ng mga lingguwista, dalubwika, manunulat, propesor, guro at mga
samahang pangwika, ang pagreporma ay naisagawa.

Paano? Nagsagawa ng mga simposyum ang noo’y Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na dating
Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na naging Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Napagkaisahan sa
nabanggit na simposyum na mula sa dating 31 titik, ang alfabetong Filipino ay bubuuin na lamang ng 28 titik
sapagkat tinanggal ang mga digrapo na ch, ll, rr dahil sa katwirang ang mga letrang c, h, l, r ay bahagi na ng
alfabeto na maaaring pagtambalin kung kailangan. Dahil sa mga pagbabagong naganap, tinawag na itong
“pinasimpleng alfabeto”. Ang dalawampu’t walong titik sa alfabeto ay ang mga sumusunod:
Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg
(ey) (bi) (si) (di) (i) (ef) (dyi)

Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn
(eyts) (ay) (dyey) (key) (el) (em) (en)

Ňň NGng Oo Pp Qq Rr Ss
(enye) (endyi) (0) (Pi) (kyu) (ar) (es)

Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz
(ti) (yu) (vi) (dobolyu) (eks) (way) (zi)

https://www.vecteezy.com/vector-art/446805-frame-design-with-log-and-leaves
Samakatuwid, ang pasalitang pagbabaybay ng mga salita ay ganito:
 ibon = /ay-bi-o-en/ at hindi /i ba o na/,
 bote = /bi-o-ti-i/ at hindi / ba o ta e/.
 
Napansin mo ba ang pagbabago sa ating alfabeto? Ilang titik ang nadagdag? Sa paanong paraan ito binabasa?
Pinalaganap ang isang “modernisadong alfabeto” na ipinababasa ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa ñ na
mula sa alfabetong Español. Walo ang nadagdag na titik at ito ay ang mga; C, F, J, Ň, Q, V, X at Z. Sa bisa ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, sa taong 1987, pormal na inilunsad ng LWP noong Agosto 19, 1987 ang “Ang
Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”. Ngunit ano nga ba ang nakapaloob sa alituntuning ito?
Sinasabi na nakapaloob sa binalangkas na alituntunin sa ispeling ang gamit ng walong (8) dagdag na titik ng alfabeto.
Gagamitin lamang ang mga ito sa mga hiram na salita at ekspresyon na nabibilang sa mga sumusunod: pangngalang
pantangi, mga terminolohiyang panteknikal at sa mga salitang nagtataglay ng etniko at kultural na kulay mula sa mga
minoryang wika sa Filipinas. Subalit dahil maraming pumuna sa umano’y napakahigpit at di-makatotohanang mga
tuntunin sa ispeling na ipinalabas, muling nirebisa ang ating alfabeto.
2001

Ito ay tinawag na 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Komisyon sa Wikang Filipino. Ang
alfabeto ay may 28 titik pa rin, walang bawas at walang dagdag. Ang tanging binago lamang ay ang tuntunin sa
paggamit ng walong (8) dagdag na titik na naging sanhi ng maraming kalituhan.
MGA TUNTUNING PANLAHAT SA ISPELING O PAGBABAYBAY

1. Pabigkas na Pagbaybay

Patitik at hindi papantig ang pabigkas o pasalitang pagbaybay sa Filipino.


Halimbawa: kamay = /key – ey – em – ey – way/
mahal = /em – ey – eyts – ey – el/
2. Pasulat na Pagbaybay

Mananatili ang isa-isang tumbasan ng tunog at letra sa pasulat na pagbabaybay ng mga salita sa wikang Filipino.
Gayunpaman, may tiyak na tuntunin sa pagpapaluwag ng gamit ng walong dagdag na titik.
MGA TIYAK NA TUNTUNIN SA GAMIT NG WALONG DAGDAG NA
TITIK

A. Letrang C
1. kapag ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo, panatilihinang titik C.
Halimbawa: Calculus Carbon Chlorophyll
2. Palitan naman ang titik C ng titik S kung ang tunog ay /s/, at ng titik K kung ang tunog ay /k/ kapag binaybay sa
Filipino ang hiram na salitang may titik C.
Halimbawa:

card – kard central – sentral


 

B. Letrang Q
1. Kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo, panatilihin ang titik Q.
Halimbawa: quantum opaque
 
2. Kung ang tunog tunog ay /kw/, palitan ang titik Q ng titik KW at K kung ang tunog ay /k/ kapag ang hiram na
salitang may titik Q ay binaybay sa Filipino.
Halimbawa: quarter – kwarter equipment – ekwipment
 
C. Letrang Ṅ
1. Kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo, panatilihin ang titik Ṅ.
Halimbawa: El Niṅo Malacaṅang
 

2. Palitan ng titik NY ang titik Ṅ kapag ang hiram na salita ay binaybay sa Filipino.
Halimbawa: piṅa – pinya baṅera – banyera
 
D. Letrang X
1. Kung ang salita ay hiniram sa orihinal na anyo, panatilihin ang titik X.
Halimbawa:
axiom box exodus
 

2. Kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may titik X na may tunog na /ks/, palitan ito ng titik KS.
Halimbawa: exam – eksam experimental – eksperimental
 
E. Letrang F
Gamitin ang titik F para sa tunog /f/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
French fries futbol
F. Letrang J  

Gamitin ang titik J para sa tunog /j/ sa mga hiram na salita.


Halimbawa: jam jaket sabjek
 
G. Letrang V
Gamitin ang titik V para sa tunog na /v/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa:
varayti video valyu
 
H. Letrang Z
Gamitin ang titik Z para sa tunog /z/ sa mga hiram na salita.
Halimbawa: zebra magazin zoo
 
 
Sa pinakabago at panghuling revisyon sa alfabeto ng taong 2001 ay inaasahang makakamit ang mga
sumusunod: istandardisasyon ng wikang Filipino, modernisasyon at leksikal na elaborasyon at pang-
madlang literasi.
PAGSASANAY

A. Panuto: Magbigay ng tatlong halimbawang salita sa bawat walong hiram na titik sa alfabeto at gamitin
sa pangungusap ang mga salitang ibinigay. (6 puntos bawat bilang) 

Halimbawa: X
 x-ray
 Kailangan kong magpa x-ray bukas.
1. C

2. Q
3. Ṅ

4. X
5. F

6. J
7. V

8. Z
PAGTATAYA

I. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang espasyo. (15
puntos bawat bilang)
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino? Ipaliwanag ang sagot sa 3-5
pangungusap lamang.

______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
II. Venn Diagram
Panuto: Gamit ang venn diagram, ilahad ang kaibahan ng alfabetong Filipino sa taong 1976 at 1987.(10
puntos)
III.TIMELINE
Panuto: Gumawa ng isang malikhaing bidyo timeline tungkol sa kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino.
Nasa ibaba ang pamantayan sa gagawing timeline. (100 puntos)
Pamantayan Puntos

Videography ( malinaw, hindi magalaw) 25

Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari 50

Malinaw ang nilalaman organisado at wasto ang mga ideyang binanggit. 25


( maaaring voice-over o di kaya’y ikaw mismo ang nasa video)

Kabuuan 100
Sagot:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa 3 o 5 pangungusap lamang:

1. Ano ang KWF at gampanin nito?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa wika at sa ating alfabetong Filipino?


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Pamantayan Puntos

Wastong gamit ng salita at mga kataga sa pangungusap. 5

Orihinalidad 5
- Dapat na ito’y sariling gawa at hindi hango sa internet o di kaya’y sa ibang
tao.

Malinaw ang nilalaman at organisado ang mga ideyang nailahad. 5

Kabuuan 15

You might also like