Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

TEKSTONG

DESKRIPTIBO
Inihanda ni: Veronica G. Tumulak
 Maganda si Mareng Mensiya, ngunit ang mas nakaakit-pansin sa
kaniya, sa pagkatanda ko sa panahon ng kaniyang ‘kasariwaan’, ay
ang kaniyang makapal, alon-along buhok na lagpas-baywang,
mapupurok na pisngi, at kutis morena. Siya pa rin ang nagging ‘high
society’ sa aming lugar sapagkat tanging siya lamang sa aming pook
ang nakasusunod sa layaw ng katawan. Napapalatak kaming lahat,
halos mapatid ang ugat sa aming leeg kapag hinahabol na namin ng
tanaw si Mareng Mensiya kung siya halimbawaý paluwas ng Maynila
upang mag-shopping o kaya’y megsine: nakakolorete, handbag,
sandalyas, at barong sunod sa uso. Sa gayong pagkakatao’y hindi
maiwasang hindi mangimbulo sa kaniya ang aming ina’t ina.

Sipi mula sa maikling kwentog “Mareng Mensiya”


Ni Fanny A. Garcia
Mga katanungan:
1. Sino ang paksa ng sipi? Anong katangian ng paksa ang
inilalarawan sa sipi?
2. Anong impresyon tungkol sa paksa ang nabuo sa iyong isip?
Sa kabuuan, ibigay sa isang pangungusap ang katangian ng
paksa na nais iparating ng sipi.
3. Ano-anong paglalarawan ang ginamit tungkol sa tauhan kaya
nabuo ang gayong impresyon sa iyong isip?
4. Ano ang masasabi mo sa paraan ng pagdedetalye ng mga
katangian ni Mareng Mensiya?
Ano ang Tekstong Deskriptibo?
 Ginagamit bilang pandagdag o suporta sa mga impormasyong
inilalahad ng tekstong impormatibo at sa mga pangyayari o
kaganapang isinasalaysay sa tekstong naratibo.
 Maaaring payak lamang ang paglalarawan, o kayaý mas
malinaw na nakapupukaw sa ating limang pandama: paningin,
pandinig, panlasa, pang-amoy at pandama – upang maging
kongkreto ang paglalarawan sa isip ng mambabasa.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin na
gumagamit ng tekstong deskriptibo:
 Mga akdang pampanitikan
 Talaarawan
 Talambuhay
 Polyetong panturismo
 Suring-basa
 Obserbasyon
 Sanaysay
 Rebyu ng pelikula o palabas
Layunin ng Tekstong Deskriptibo:
 May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga
bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala, at iba
pa.
Mga Elemento ng Tekstong
Deskriptibo:
Karaniwang Paglalarawan Masining na Paglalarawan
 Tahasang inilalarawan ang  Malikhain ang paggamit ng
paksa sa pamamagitan ng wika upang makabuo ng
pagbanggit sa mga katangian konkretong imahe tungkol sa
nito gamit ng mga pang-uri at inilalarawan.
pang-abay.
Halimbawa:
Karaniwang Paglalarawan Masining na Paglalarawan
1. Ang hangin ay malamig. 1. Ang kutis nya ay kasing
kinis ng labanos
2. Ang pinto ay kulay pula.
2. Tulad ng isang gitara ang
3. Ang librong kanyang buhat kanyang katawan.
ay mabigat.
3. Hugis garabucho naman
ang kanyang nguso.
Section Header
Layout
Subtitle

You might also like