Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

• Ang daigdig ay binubuo ng :

• 1.) Crust - matigas at mabatong bahagi ng planeta


na umaabot ang kapal mula 30-65 kilometro
palalim mula sa mga kontinente. Ito ay may kapal
lamang na 5-7 km sa karagatan.
• 2.) Mantle - isang patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito.
• 3.) Core - kaloob-loobang bahagi ng daigdig na
binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
• Ang daigdig ay may plate o malalaking masa ng
solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa
halip, ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod
ng Mantle. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate
na ito. Sa katunayan, umaabot lamang sa 5
sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman,
ang paggalaw at ang paguumpugan ng mga ito ay
napakalakas at nagdudulot ng mga paglindol,
pagputok ng mga bulkan at pagbuo ng mga
kabundukan. Ito rin ang makapagpapaliwanag kung
bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon
ng mga kontinente ay pabago-bago. (Blando et.al,
2014)
Tectonic Plate
• Ang daigdig ay may 4 na hating
globo:
• ▪ Ang Northern at Southern
Hemisphere na hinahati ng
Ekwador.
• ▪ Ang Eastern at Western
Hemisphere na hinahati ng Prime
Meridian.
• Grid ng Daigdig
• Ang hugis ng daigdig ay oblate spheroid na
nagiging patag sa mga polo kung ito ay
kaharap mo. Maaaring matukoy ang lokasyon
ng isang lugar sa globo o mapa sa paraang
absolute, astronomikal o tiyak.
• Tinatawag na longitude ang distansyang
angular na natutukoy sa pagitan ng dalawang
meridian patungo sa silangan o kanluran ng
Prime Meridian.
• Ang Prime Meridian ay itinalaga bilang zero-
degree longitude. Ito ang likhang-isip na guhit na
humahati sa globo sa silangan at kanlurang
hemispero.
• Ang latitude ay ang distansyang angular sa
pagitan ng dalawang parallel patungo sa Hilaga o
Timog ng Ekwador.
• Ang ekwador ay ang likhang-isip na guhit na
humahati sa globo sa Hilaga at Timog na
Hemispero. Ito ay itinatakda bilang zerodegree
latitude.
• Ang mga Espesyal na palihis na linya ay may
kaugnayan sa posisyon ng mundo sa pagtalunton
ng kanyang orbit habang ito ay lumiligid sa araw.
Ang mga ito ay:
1. Tropiko ng Kanser (Tropic of Cancer) Ito ang
palihis na linya na nasa 23.5-degree ng hilagang
ekwador. Pinakahilagang hangganan nito na
naabot ng bertikal na sinag ng araw sa hilagang
hating-globo.
2. Tropiko ng Kaprikorn (Tropic of Capricorn) Ito ang
palihis na linya na nasa 23.5- degree ng timog
ekwador. Pinakatimog na lugar na naabot ng bertikal
na sinag ng araw sa timog hating-globo.
3. Kabilugang Arktiko (Arctic Circle)
Matatagpuan sa 66.5-degree hilaga ng
ekwador. Ito ang pinakahilagang naaabot
ng palihis na sinag ng araw.
4. Kabilugang Antarktiko (Antarctic
Circle) Matatagpuan sa 66.5-degree timog
ng ekwador. Ito ang pinakatimog na
naaabot ng palihis na sinag ng araw.
Klima
• Ang Klima ay karaniwang panahon o average
weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng
mahabang panahon. Ito rin ay ang kalagayan o
kondisyon ng atmospera na tipikal sa mga
malalaking rehiyon o lugar sa matagal na panahon
kung saan mahalaga ang papel nito. Nakapaloob
dito ang elementong temperatura, ulan at hangin.
Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-
ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at
tubig upang matustusan ang pangangailangan ng
mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
• Pangunahing mga salik sa
pagkakaiba-iba ng mga klima sa
daigdig:
• a. natatanggap na sinag ng araw ng
isang lugar depende sa latitude at
panahon;
• b. distansya mula sa karagatan;
• c. taas mula sea level.

You might also like