WILL TAKE CARE OF YOU.’ - PSALMS 55:22 - SANLIN LAHI Aming Diyos kay buti Mo Mula pa noon hanggang ngayon At sa habang panahon Sa bawat salinlahi Katapatan Mo ay naroon Aming Diyos wala na ngang ibang Panginoon. Ang pag-ibig Mo ay tunay At walang kapantay Kapangyarihan Mo’y walang katulad Pupurihin ka ng lahat ng may buhay. ‘GIVE YOUR BURDENS TO THE LORD, AND HE WILL TAKE CARE OF YOU.’ - PSALMS 55:22 - HALINA’T SAMA-SAMA Halina’t sama-sama Purihin natin Siya Halina’t sama-sama Awitan natin Siya Ipalakpak ang iyong kamay Itaas at ikaway Lahat ay magsabing ‘Diyos ay buhay’ MAY GALAK Handog niya ay kapayapaan Handog niya ay kagalakan Handog niya ay kalakasan Sa bawat pusong napapagal Kaya’t ang awit ng papuri Awit ng pasasalamat At ang awit ng pagsamba Ay para lang sa Kanya. DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN Pangako Mo sa aki’y hindi ako iiwan Sa bawat sandal ay lagging sasamahan Banal na Espiritu,hatid ay kalakasan Upang lahat ng bagay Ay mapagtagumpayan Diyos na makapangyarihan Haring katas-taasan Sa aking puso ay nananahan Pagpapala Mo’t pagsama Ay laging nararanasan Kailan ma’y hindi mag-iisa ‘GIVE YOUR BURDENS TO THE LORD, AND HE WILL TAKE CARE OF YOU.’ - PSALMS 55:22 - WITH ALL I AM (TAGALOG) Sayong kamay iaalay An buhay ko, Panginoon Aking mundo ay hawak Mo At ako’y Sayo kailan man. Hesus Ikaw ang buhay ko Magtitiwala sa Iyo Papupurihan ka Aawitan ka buong buhay Susunod sa lakad Mo Sa tuwa man at galak ay tiwala Sa’yo At mabubuhay Sa’yong salita At mga pangako kailan man. Pupurihin Pupurihin Ka Pupurihin Pupurihin Ka. DAKILANG KATAPATAN Sadyang kay buti ng ating Panginoon Magtatapat sa habang panahon Maging sa kabila ng aking pagkukulang Biyaya niya’y patuloy na laan Katulad ng pagsinag ng gintong araw Patuloy siyang nagbibigay tanglaw Kaya sa puso ko’t damdamin Katapatan niya’y aking pupurihin. Dakila ka Oh Diyos Tapat ka ngang tunay Magmula pa sa ugat ng aming lahi Mundo’y magunaw man Maaasahan kang lagi Maging hanggang wakas nitong buhay. Kaya Oh Diyos ika’y aking pupurihin Sa buong mundo’y aking aawitin Dakila ang iyong katapatan Pag-ibig mo’y walang hanggan. Dakila ka Oh Diyos sa habang panahon Katapatan mo’y matibay na sandigan Sa bawat pighati Tagumpay man ay naroon Daluyan ng pag-asa Kung kailanga’y hinahon Pag-ibig Mong alay sa amin Noon hanggang ngayon Dakila ka Oh Diyos ‘GIVE YOUR BURDENS TO THE LORD, AND HE WILL TAKE CARE OF YOU.’ - PSALMS 55:22 - SAPAGKAT ANG DIYOS AY PAG-IBIG
Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa aming puso’t kaluluwa At siyang nagdudulot sa ating buhay Liwanag sa dilim at pag-asa Pag-ibig ang siyang buklod natin Di mapapawi kailan pa man Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang Kahit na tayo’y magkawalay Pagkat ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo’t magtulungan At kung tayo’y bigo ay huwag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal. Sikapin sa ating pagtungo Ipamalita sa buong mundo Pag-ibig ng Diyos na siyang sumakop Sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo. ‘GIVE YOUR BURDENS TO THE LORD, AND HE WILL TAKE CARE OF YOU.’ - PSALMS 55:22 -