Suring Basa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

MAGANDANG

G. Erwin H.
UMAGA!
Gaspar
BALIK-ARAL
Muling balikan at basahin gamit ang
teknik na iskiming ang akdang "Ang
Kuba ng Notre Dame"
RUBRIKS SA
PAGWAWASTO
• 10 - kumpleto ang detalye at napakahusay ng pagtalakay
• 8 - may ilang kulang sa detalye at mahusay ang pagtalakay

• 6 - maraming kulang sa detalye at katamtaman ang husay sa


• pagtalakay
4 - iilan ang ibinigay na detalye at dapat pang
paghusayan ang pagtalakay
Panonood
Itala sa kwaderno ang mga
mahahalagang impormasyon na
sa napanood.
BUOD
NG
NAPAN
OOD
Suring-basa bilang
Kasanayan
Ang suring-basa ay isang maikling
pagsusuring pampanitikang naglalahad
ng sariling kuro-kuro o palagay ng
susulat tungkol sa akda. Layunin nitong
mailahad ang mga kaisipang matatagpuan
sa isang akda at ang kahalagahan nito.
Mga Dapat Tandaan:
• Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang
sinusuri. Kailangang alam ng sumusuri kung ito’y maikling
kuwento, sanaysay, nobela, dula at iba pa.
• Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna
ng isang maikling buod nito. Piliin lamang ang
mahahalagang katangian sa pagbuo ng buod.
• Gumamit lamang ng mga salitang madaling maunawaan ng
babasa. Iwasang gumamit ng mga palasak na salita upang
maging mabisa ang pagsusuri.
Mga Dapat Tandaan:
• Sa pagsusuri, maging balanse sa pagbanggit ng
mabubuting katangian ng akda maging ang di-mabuting
katangian nito, kung mayroon man. Kinakailangang may
pagpapakahulugan din sa pagsusuri.
• Kailangang lahat ng ibibigay na kahalagahan ng
sinusuring-basa ay ayon sa itinakdang pamantayan.
• Bigyan ng paliwanag o katwiran ang pahayag na ibibigay
tungkol sa kahalagahan ng aklat.
Pormat sa Pagsulat
I. Panimula
• Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng pantikang sinulat at ang himig o
damdaming taglay nito.
• Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.
• Pagkilala sa May-akda – Makikita sa bahaging ito ang mga bagay/dahilan na
nag-udyok sa may-akda na isulat ang akda.
• Layunin ng akda – Sinusuri ang kahalagahan ng akda kung ang layunin ba
nitong manghikayat, manuligsa, magprotesta at iba pa.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
• Tema o Paksa ng akda – kung makabuluhan, napapanahon,
makatotohanan at mag-aangat o sasagot sa pandama ng mambabasa.
Mga Tauhan sa akda – makatotohanan o di makatotohanan ng tauhan.
Sila ba mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi
pa nalilikha sa panahong kinabibilaangan o mga tauhang bumubuo,
nagwawasak, nabubuhay, o namamatay. Kung walang tauhan, ang
persona sa akda ang ilarawan.
• Tagpuan/Panahon – nakapokus ito sa kapaligiran at panahong
saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o
katayuan ng indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa kapwa at sa
lipunan. Balangkas ng mga Pangyayari – makikita sa bahaging
ito ang sagot sa mga tanong na: isa bang gasgas na mga
pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang
taglay? Luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis,
anyo, anggulo, o pananaw?
• – Nagpakita ba ng uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o
kulturang nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa
pananaw ng ibang tao o bansa?
III. Pagsusuring Pangkaisipan
• Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda – mga
kaisipang ginamit na batayan sa paglahad ng mga
pangyayari. Maaring ang mga kaisipang ito ay
kontrahin, pabulaanan, palitan. Ito ba ay
makatotohanan, likas sa tao at lipunan, mga batas
ng kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang
kumukontrol sa buhay.
III. Pagsusuring Pangkaisipan
• Estilo ng pagkakasulat ng akda – Epektibo ng
paggamit ng mga salita Angkop sa antas ng pag-
unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng
akda. Kabisaan ng estilo ng pagkakasulat sa
nilalaman ng akda at kasiningan ng pagkakagawa
ng akda. Tumutugon sa panlasa ng mambabasa at
sa katangian ng isang mahusay na akda..
IV. Buod
• Mahalagang bigyang tuon ang
pagbanggit sa mahahalagang detalye.
Hindi kailangang ibuod nang mahaba
ang istorya ng akda.
Pagtataya
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung ang pahayag ay wasto at M
naman kung hindi wasto.
___1. Sa pagsulat ng suring-basa mahalagang alamin ang uri ng akdang
pampanitikang susuriin.
___2. Gumamit ng mga salitang hindi madalas ginagamit upang
magmukhang masining ang pagpapahayag.
___3. Sa Panimula makikita ang Buod ng akda.
___4. Sa pagsusuri ng Tema o Paksa, makikita ang pagiging
makatotohanan, mag-aangat o sasagot sa pandama ng mga mambabasa.
___5. Sa Balangkas ng Pangyayari ito ay nakapokus sa kapaligiran at
panahong saklaw ng isang akda.
Takda:
1. Ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod na salita:
a.Opinyon o pananaw
b.Kiritisismo
c.Panunuri
Paalam Baitang
10!

You might also like