Alokasyon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

AKTIBITI

Panuto: Suriin at unawain ang datus ng National Budget ng Pilipinas

Agencies with biggest share in the 2020 National Budget


•Department of Education (DepEd) 654.77 Billion
•Department of Public Works and Highways (DPWH) 580.89 Billion
•Department of Interior and Local Government (DILG) 239.64 Billion
•Department of National Defense (DND) 191.74 Billion
• Department of Social Welfare and Development (DSWD) 163.81 Billion
•Department of Health (DOH) 172.37 Billion
Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa talahanayan, anu-anong serbisyong panlipunan ang


prayoridad ng ating pamahalaan?

2. Saiyong palagay, maituturing bang matalinong desisyon sa


panig ng pamahalaan ang paglalaan ng pinakamalaking pondo sa
edukasyon? Pangatwiranan?
Alokasyon:
Mga Sistemang
Pang-Ekonomiya
LAYUNIN:

1.  Nabibigyang kahulugan ang


sistemang pang-ekonomiya;
LAYUNIN:

2.  Naisa-isa ang apat na pangunahing


sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa
daigdig;
LAYUNIN:

3. Nasusuri ang mekanismo ng alokasyon sa


iba’t ibat sistemang pang ekonomiya bilang
sagot sa kakapusan; at
LAYUNIN:

4. Naiuugnay ang ilang mahahalagang


katangian ng apat na sistemang
pang-ekonomiya sa umiiral na kaayusang
pang-ekonomiya ng ilang bansa.
Ano ang ALOKASYON?

Ang Alokasyon ang mekanismo ng pamamahagi ng


pinagkukunang yaman, produkto at serbisyo. Ito ay isang paraan
upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng
pinagkukunang–yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang
makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.
Ano ang halimbawa ng ALOKASYON?

Ang budget ng ating pamahalaan ay isang halimbawa ng


Alokasyon. Sa kasalukuyan, may apat na sistemang
pang-ekonomiya na sinusunod ng nakararaming bansa sa
mundo.
Ano ang Sistemang Pang-
Ekonomiya?
Ang Sistemang Pang-Ekonomiya ay tumutukoy sa isang
institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan
ng produksiyon, pangmamay-ari, at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing
pang-ekonomiko ng isang lipunan. Ito and sistemang sinusunod
ng bawat bansa kaugnay ng alokasyon.
Ano ang 4 na Uri ng Sistemang
Pang-Ekonomiko?
 

1.Traditional Economy
2.Market Economy
3.Command Economy
4.Mixed Economy
Ano an 4 na Uri ng Sistemang Pang-Ekonomiko?
 

1. Traditional Economy- Isang anyo ng sistemang


pang-ekonomiya na kung saan ang kasagutan sa
pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay
nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.
Ano an 4 na Uri ng Sistemang Pang-Ekonomiko?
 

2. Market Economy o Pamilihan– Sa sistemang ito, ang


pangunahing katanungang pang-ekonomiya ay ginagabayan ng
mekanismo ng malayang pamilihan na kung saan ang dami ng
produktong gustong bilhin ng konsyumer at ang dami ng
produktong gustong iprodyus ng prodyuser ay nakadepende sa
presyo.
Ano an 4 na Uri ng Sistemang Pang-Ekonomiko?
 

3. Command Economy- Walang kalayaan ang


pribadong indibidwal kaugnay ng mga gawaing
pangkabuhayan dahil ang ekonomiya ay nasa ilalim ng
komprehensibong kontrol ng pamahalaan.
Ano an 4 na Uri ng Sistemang Pang-Ekonomiko?
 

4. Mixed Economy– Kombinasyon ito ng Market at Command


economy na kung saan magkatuwang na pinatatakbo ng
pribadong indibidwal at pamahalaan ang ekonomiya ng isang
bansa. Bagama’t may kalayaang pang-ekonomiya ang mga tao sa
ilalim ng sistemang ito, maaari namang manghimasok ang
pamahalaan sa pamamagitan ng mga batas.
Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng
pinagkukunang-yamang dapat itong sumagot sa 4 na Pangunahing
Katanungang Pang-Ekonomiko?

1.  Ano ang gagawin?


2. Paano gagawin?
3. Para kanino ang gagawin?
4. Gaano karami ang gagawin?
GAWAIN:
Ipagpalagay na meron kang 1 ektaryang lupain, paano mo kaya ito gagamitin? Suriin ang
halimbawang tugon sa 4 economic question?
 
Sa panig ng isang indibidwal na tulad mo, medyo madali ang pagsagot sa 4
na pang-ekonomikong katanungan. Sa maniwala ka o hindi, araw-araw
mong sinasagot ang 4 na tanong na ito sa tuwing ginagastos mo ang iyong
baon. Pero paano kaya kung pamahalaan na ang sasagot sa mga tanong na
ito, tulad ng Pilipinas na may mahigit 100 milyong populasyon? Hindi na
ito simpleng desisyon lamang. Kinakailangan na nito ng isang sistema
kaya’t dito na papasok ang mga tinatawag na sistemang pang-ekonomiya.
APLIKASYON:
Pamprosesong tanong:

1. Ayon sa ating naging talakayan, ano kayang sistemang pang-ekonomiya


ang umiiral sa Pilipinas?
2.Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang
pangekonomiya na pairalin sa ating bansa, anong Sistema ang iyong pipiliin?
Bakit?
Pagtataya:
Panuto: sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ang _______ ang tawag sa paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang
lahat ng pinagkukunang–yaman ng bansa? Alokasyon o Sistemang Pang-Ekonomiya?

2. Ang _________ tawag sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos


ang paraan ng produksiyon, pangmamay-ari, at paglinang ng pinagkukuna ng yaman at
pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan? Alokasyon o Sistemang
Pang-Ekonomiya?
3. Ang __________ economy ay ang Kombinasyon ito ng Market at Command economy na
kung saan magkatuwang na pinatatakbo ng pribadong indibidwal at pamahalaan ang
ekonomiya ng isang bansa.
4. Ang __________economy ay walang kalayaan ang pribadong indibidwal kaugnay ng
mga gawaing pangkabuhayan dahil ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol ng pamahalaan.
5. Ang _______ economy ay mekanismo ng malayang pamilihan na kung saan ang dami ng
produktong gustong bilhin ng konsyumer at ang dami ng produktong gustong iprodyus ng
prodyuser ay nakadepende sa presyo.
6. Ang ________ economy ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.
7-10. Ano ang apat na katanungang pang-ekonomiko?
Takdang-Aralin:

Panuto: Gumawa ng Pie Graph upang maipakita kung paano ang


ginagawang pagbabadyet o alokasyon ng inyong mga magulang
ayon sa mga sumusunod na pangangailangan: Pagkain, kuryente,
damit, tubig, pag-aaral, tirahan at ipon.
 

You might also like