Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Pagpili ng Paksa

Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang
sistematikong proseso ng pangangalap,
pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa
mga datos mula sa mga
mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng
impormasyon upang masagot ang isang
tanong, upang makadagdag sa umiiral na
kaalaman, o pareho. Ang resulta ng isang
pananaliksik ay maaaring maghatid sa atin
sa isang bagong teorya o konsepto,
tumaliwas o sumuporta sa isang teorya o
konsepto, rekomendasyon, o isa pang
tanong na nangangailangan ng mas
malalim na pananaliksik.
Mga Uri ng Pananaliksik ayon sa Layunin 
1.Pangunahing Pananaliksik (Basic Research)
Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng mga
mananaliksik tungkol sa isang posibleng ideya,
penominon na mahirap ipaliwanag, suliraning
nararanasan sa lipunan, pagkatao, at kalikasan at iba
pang maaaring masagot o di kaya’y mauunawaan
lamang kapag natapos na ang pananaliksik.
2. Praktikal na Pananaliksik (Applied Research)
Umiikot ito sa hangaring matugunan at
masolusyonan ang isang praktikal na suliranin sa lipunan.
Isinasagawa ito dahil sa direkta nitong kapakinabangan.
3. Pagkilos na Pananaliksik (Action Research)
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng
isang tiyak na suliranin sa isang programa, organinsyon o
ng isang komunidad.
Mga Paghahanguan ng Paksa
1. Sarili
2. Pahayagan, Magasin at Kaugnay na mga Sanggunian
3. Radyo at Telebisyon
4. Mga awtoridad, Kaibigan at Guro
5. Internet
6. Aklatan
Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Kasapatan ng Datos

Limitasyon ng Panahon

Kakayahang Pinansyal

Kabuluhan ng Paksa

Interes ng Mananaliksik
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
1. Alamin ang interes. Tukuyin kung anong paksa ang tumatawag sa iyong
pansin.
2. Gawing partikular o ispesipikoang paksang napili. Iwasan ang malawak na
paksa.
3. Iangkop ang paksang napili ayon sa panahon o timeframe na inilaan upang
matapos ang pananaliksik.
4. Suriin kung ang paksang napili ay napapanahon.
5. Tukuyin kung may makakalap na sapat na datos at sanggunian upang
maisagawa ang pananaliksik.
Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa
1. Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo.
a. Paksang marami ka nang nalalaman
b. Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman
c. Paksang napapanahon
2. Mahalagang maging bago o naiiba at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng
mga kaibigan mo
3. May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
4. Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan
Pagpili at Paglimita ng Paksa

Mga Batayan sa Pagpili ng Paksa 


• Panahon
• Edad
• Kasarian
• Perspektib
• Lugar
• Propesyon o Grupong Kinabibilangan
• Anyo o uri
• Partikular na Halimbawa o Kaso
• Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan
   
 
Batayan ng Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa

Paglilimita
 
a. Panahon Karapatan ng mga Kababaihan Karapatan ng mga Kababaihan sa Panahon ng Komonwelt
 
b. Edad Mga Imbentor na Pilipino at ang Hinaharap ng Teknolohiya sa Pilipinas Mga Batang Imbentor na Pilipino (Edad 13-17) at ang Hinaharap ng
Teknolohiya sa Pilipinas
 
c. Kasarian Ang mga NGO Bilang Tagapuno ng Kakulangan sa Serbisyo ng Ang Papel ng mga Kababaihan sa NGO Bilang Tagapuno ng Kakulangan
Pamahalaan sa Serbisyo ng pamahalaan

d. Perspektib Epekto ng Globalisasyon sa Lipunang Pilipino Epekto ng Globalisasyon sa Ispiritwal na Pamumuhay ng mga Pilipino
 
e. Lugar Mga Naiibang Tradisyong Pangkapistahan sa Katagalugan Mga Naiibang Tradisyong Pangkapistahan sa Malolos, Bulacan
 
f. Propesyon Pag-aaral ng Wika ng mga Bakla Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang Parlorista
o Grupong Kinabibilangan

g. Anyo o uri Persepsyon sa Kababaihan sa Larangan ng Panitikang Ilokano Persepsyon sa Kababaihan sa Larangan ng Panulaang Ilokano
 
h. Partikular na Halimbawa o Kaso Epektong Pangkapaligiran ng Turismo sa Pilipinas Epektong Pangkapaligiran sa mga Beach Resorts sa Pilipinas: Kaso ng
Puerto Galera
 
i. Kumbinasyon Atityud ng mga Estudyante sa mga Programang Kultural 1. Preperensya ng mga Estudyante
1. Perspektib 2. Preperensya ng mga Estudyanteng Nasa Unang Taon
2. Uri 3. Preperensya ng mga Estudyanteng Nasa Unang Taon sa Unibersidad ng
Makati
3. Lugar
4. Preperensya ng mga Estudyanteng Nasa Unang Taon sa Unibersidad ng
4. Anyo Makati sa mga Dulang Panteatro sa Kampus
   
Panuto: Bumuo ng limang paksang
Pampananaliksik ayon sa sumusunod na
kaparaanan:

 Pangkalahatang Paksa
 Nilimitang Paksa

You might also like