Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Group 1

Filipino sa Piling Larangan: Akademik


Search
Sinopsis o Buod

All Images Videos


Ano ang Sinopsis o Buod? Back to Results

Ang Sinopsis o Buod ay isang uri ng lagom na


kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
Layunin nitong maisulat ang pangunahing kaisipang
taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa
pahayag ng tesis nito. Sino? Ano? Kailan? Saan?
Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot ng
mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat ng
buod.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod Back to Results

1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.

2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang
damdaming naghahari sa akda ay malungkot, dapat na maramadaman din ito
sa buod na gagawin.

3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging


ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.

4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa


kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng
dalawa o higit pang talata.

5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginagamit sa


pagsulat.

6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o


kinuha ang orihinal na sili ng akda.
Mga hakbang sa pagsulat ng Sinopsis o Buod Back to Results

1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti


hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa.

2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.

3. Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay magbalangkas.

4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling


opinyon o kuro-kuro ang isinulat.

5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.

6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito ng


hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa
ang isinulat na buod.
Halimbawa ng Sinopsis o Buod Back to Results

Ang pelikulang pinamagatang Goyo: Ang Batang Heneral ay isang


pelikulang pagsasabuhay sa isa sa mga bayani ng Pilipinas na si Gregorio del
Pilar. Si Gregorio del Pilar ay kilala bilang pinakabatang Heneral na namatay
sa labanan sa Tirad Pass nung panahon ng digmaan sa pagitan ng ating bansa
at Amerika.
Nagumpisa ang pelikula sa pagpapakita sa mga nangyareng pagpaslang kay
Heneral Antonio Luna. Kasunod nito, inatasan ng kasalukuyang presidente ng
republika ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo na hanapin ni Goyo ang mga
kaalyadong sundalo ng napaslang na heneral. Si Goyo ang nagpalakas ng
sandatahang pandigma ng Pilipinas na lumaban sa mga Amerikano. Siya ay
ang itinuturing na paboritong heneral ni Aguinaldo.  
Nang mas lumamang pwersa ng mga Amerikano laban sa mga Pilipino, si
Goyo ang tumulong kay Aguinaldo upang makatakas. Nagtayo ng depensa
ang kampo ni Goyo sa Tirad Pass upang harangin ang pwersa ng mga
Amerikano ngunit nanaig pa rin ang lakas ng mga Amerikano. Sa pagtakas ni
Aguinaldo kasama ang dalawang anak ni Garcia na sina Joven at Kiko,
napaslang ng mga Amerikano si Goyo sa Bundok ng Tirad at doon na rin siya
inilibing.  
Maraming Salamat.

You might also like