Home Eco Aralin 18

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

EDUKASYONG PANTAHANAN AT

PANGKABUHAYAN 4
EPP-HOME ECO.
ARALIN 18
PAGHAHANDA NG
MASUSTANSIYANG
PAGKAIN
Ang isang batang tulad mo ay
nangangailangan ng malusog na
pangangatawan, upang magampanan
ang mga pang-araw-araw na gawain.Ang
mga masusustansiyang pagkain ang
makapagbibigay nito sa iyo. Magiging
masigla at malakas ang iyong katawan at
ito ang paraan upang ikaw ay makaiwas
sa sakit. Kung ang bawat kasapi ng
pamilya ay malakas at malusog, madali
nilang magagawa ang kani-kanilang
tungkulin nang masaya.
1.Mapapangkat ang mga pagkain ayon
sa Go, Grow, at Glow food.
2.Masusuri ang mga masustansiyang
taglay ng mga pagkain gamit ang food
pyramid guide.
3.Makagagawa ng plano ng ilulutong
pagkain.
4.Makasusunod sa mga alituntuning
pangkaligtasan at pangkalusugan sa
paghahanda ng pagkain.
5.Makapagluluto at makapagdudulot ng
Tatlong
Pangkat ng Pagkain
1. Pangkat I – Mga
pagkaing nagbibigay
ng enerhiya, lakas, at
sigla o Go Foods
Ang mga pagkaing ito ang
pinagkukunan ng mga sustansiyang
carbohydrates, taba, at langis.
Nagbibigay ang mga ito ng
enerhiyang nagpapalakas at
nagpapasigla ng katawan. Kapag
kumakain ka ng mga ito, ikaw ay
magiging masigla at malakas. Ikaw
ay makapaglalaro, makapag-aaral, at
makagagawa ng iba’t ibang gawain.
Ang sumusunod ay mga
pagkaing mayaman sa
carbohydrates: kanin, kakaning
gawa sa bigas tulad ng puto,
suman, kalamay, kutsinta, lugaw,
tsamporado, at ginataang mais.
Kasama sa pangkat ang mga
pagkaing gawa sa arina tulad ng
keyk, tinapay, at biskwit.
Ang mga bungang-ugat tulad
ng kamote, kamoteng-kahoy,
gabi, taro, yakon, sugar beats,
at ube ay kasama din dito.
Kabilang din ang mga
matatamis na pagkain gaya ng
asukal, tubo at pulot o honey.
Sa pangkat na ito kasama ang
mantikilya, mantika, at niyog.
2. Pangkat II – Mga
pagkaing
tumutulong sa
paglaki ng katawan
o Grow Foods
Mayaman sa protina ang
mga pagkaing ito. Ang protina ay
responsable sa pagpapalaki ng
mga kalamnan at ng buong
katawan. Ito ay nagpapalakas din
ng mga buto at nakatutulong sa
pagpapalakas ng katawan, kung
ang isang tao ay galing sa
pagkakasakit. Sa sumusunod na
pagkain makukuha ang
karne ng baboy, baka at manok,
isda, itlog, at gatas. Pinagkukunan
din ng protina ang mga pagkaing
galing sa butil, tulad ng monggo,
mani, kadyos, sitaw, bataw, at
sitsaro. Mayaman din sa protina
ang mga lamang dagat gaya ng
alimango, alimasag, hipon, dilis,
halaan, tulya, tahong, talaba, at
talangka. Kasama din sa pangkat
3. Pangkat III – Mga
pagkaing
pananggalang sa
sakit at impeksiyon o
Glow Foods
Ang mga pagkaing ito ay
pinagkukunan ng bitamina at mineral. Ang
mga bitamina A, B-1, 6, 12, C at mga
mineral tulad ng iron, calcium, yodo
(iodine), phosphorus, at potassium ang
mga sustansiyang nagsisilbing
pananggalang sa sakit at impeksiyon.
Ang mga prutas at gulay na mayaman sa
bitamina at mineral ay nagsasaayos ng
mga bahagi ng katawan. Makukuha ang
bitamina at mineral sa mga sumusunod
na pagkain:
1. Madahong gulay,
madilaw, at maberde tulad
ng petsay, malunggay,
talbos ng kamote, talbos ng
sayote at kalabasa. Ang
saluyot, ispinats, alugbati,
celery, kintsay, carrot, at
kangkong ay mayaman sa
Ang mga sustansiyang
nakatutulong sa pangangalaga
at pagpapalusog ng mga mata,
ngipin, at buto. Kapag sapat ang
taglay na iron, ang katawan ay
malakas at maganda. Ito rin ay
nakatutulong sa pamumuo ng
dugo kapag nasugatan at
madaling nakapagpapagaling ng
2. Ang mga maaasim at makakatas
na gulay at prutas tulad ng
dalanghita, suha, bayabas,
kamyas, mangga, pipino, at
kamatis ay mayaman sa
Bitamina C. Ito ay nagpapalakas
ng katawan laban sa impeksiyon
at sipon. Nakabubuti rin ito sa
ngipin at gilagid.
3. Ang mga prutas tulad ng tsiko,
santol, duhat, pakwan, kaimito,
langka, saging at mga gulay na
tulad ng okra, sitaw, talong, at
sigarilyas ay tumutulong sa
pagtunaw ng kinakain at sa
pagbawas ng dumi. Nililinis nito
ang mga bituka at tiyan upang
maging laging maayos at
mahusay ang mga ito.
Ang tatlong pangkat ng pagkain ay
dapat gamiting patnubay sa
pagpaplano ng ihahandang pagkain ng
mag-anak sa araw-araw. Ang agahan,
tanghalian at hapunan ay dapat
nagtataglay ng pagkain sa bawat
pangkat.
Tingnan ang dayagram sa
ibaba, isulat sa dulo ng
bawat guhit ang mga
pagkain na kabilang sa
Mga alituntuning pangkalusugan
at pangkaligtasan sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain
1. Hugasang mabuti ang mga kamay
bago at pagkatapos maghanda ng
pagkain.
2.Gumamit ng apron upang hindi
marumihan ang damit at maglagay ng
hairnet o bandana sa ulo.
3.Ihanda ang lahat ng gagamiting
sangkap at kasangkapan sa pagluluto
upang maiwasan ang abala.
4. Ihanda at lutuin lamang ang dami ng
pagkaing kayang ubusin o tama lang
sa mag-anak.
5.Linising mabuti sa umaagos na tubig
ang prutas, gulay, isda, at karne bago
balatan at hiwain.Iwasang ibabad ang
mga ito sa tubig upang hindi mawala
ang sustansiya.
6.Mag-ingat sa paggamit ng mga
matutulis at matatalas na kutsilyo.
7.Maglaan ng hiwalay na
basurahan para sa basa at tuyong
basura upang hindi magkalat sa
lugar na paglulutuan.
8. Huwag iwanan ang niluluto
upang maiwasan ang pag-apaw,
pagkatuyo, o pagkasunog nito.
9. Gumamit ng basahan para sa kamay at
kagamitan pati na rin ang pot holder para
maiwasan ang pagkapaso.
10. Ilagay sa medium low ang apoy kung
ang niluluto ay kumukulo na,
magpapatuloy pa rin ito sa pagkulo kahit
mahina na ang apoy.
11. Timplahan ng tama ang pagkain.
Uminom ng kaunting tubig kung muli itong
titikman. Iwasan ang sobrang patis, asin,
suka, o betsin.
12. Ilagay ang gulay kung malapit na itong
hanguin sa kalan upang maiwasan ang
pagkadurog o pagkalamog at di mawala
ang sustansiya.
13. Isara nang maayos ang gas cylinder
matapos itong gamitin.
14. Ilagay sa tamang lalagyan ang
pagkaing niluto at takpan ito.
15. Linisin at iligpit ang lahat ng gamit
pagkatapos magluto, pati ang lugar na
pinaggawaan.
Pangkatang pagluluto para sa nabuong resipe.
Makipagtulungan sa bawat kasapi ng inyong
pangkat. Sundin ang napagkasunduan at
magdala ng nakatakdang sangkap o
kagamitan sa pagluluto.Sumunod sa mga
alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan
upang maiwasan ang ano mang sakuna.
A.Kilalanin ang sumusunod na pagkain. Isulat ito sa
pangkat na kaniyang kinabibilangan.
gatas karne dalandan kamote
munggo
lugaw itlog mantekilya isda
manok
Pangkat I puto Pangkat
tinapay II
bayabas Pangkat III
kalabasa
(Go Food) (Grow Food) (Glow Food)
mangga

You might also like