Week 4 New Norm

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Gregoria De Jesus

“Lakambini ng Katipunan”
• Gregoria De Jesus
•Ang maybahay ni Andres Bonifacio
•Bise-Presidente ng women's
chapter ng Katipunan ng Pilipinas.
•Itinalagang tagapagtago ng mga
dokumento at ng selyo o Sagisag
ng Kilusan.
Teresa Magbanua
"Joan of Arc ng Visayas”
Teresa Magbanua
 Natatanging babaeng heneral na
nagsilbing guro at isang magsasaka.
 Nang sumiklab ang digmaan
pumunta siya sa kampo ng mga
naghihimagsik na pinamunuan ni
Heneral Perfecto Poblador.
Melchora Aquino
“Ina ng Katipunan”
Melchora Aquino
• Kapanganakan- Enero 6,1812
Kamatayan- Marso 2, 1919
• Tinaguriang Tandang Sora,sapagkat
matanda na (84 taong gulang) siya
noong sumiklab ang himagsikang
pinamumunuan ni Andres Bonifacio
noong taong 1896.
Kinalinga at kinupkop ang mga
Katipunero
Hinuli at ipinatapon sa pulo ng
Marianas.
Bumalik sa Pilipinas noong
February 26, 1903
• Inalok na mabigyan ng pension ng
mga Amerikano ngunit ito ay
kanyang tinanggihan
• Siya ay nakahimlay sa kanyang
bakuran sa Balintawak (na ngayon
ay kinatatayuan ng Himlayang
Pilipino.)
Trinidad Tecson
“Ina ng Biak-na-Bato”
“Ina ng Red Cross sa Pilipinas”
TRINIDAD TECSON
• Sa edad na 47 nang sumapi nang
lihim sa Katipunan.Tanging
babaing sumumpa, naghiwa ng
kanyang bisig at lumagda sa
sariling dugo.
Kasama ng ilang katipunero, pina-
-ngunahan ang pagkolekta ng mga
armas sa Lungsod ng Kalookan at
Nueva Ecija.
Sumama sa tropa ni Hen. Francisco
Makabulos sa Zaragoza at San Antonio,
Nueva Ecija laban sa mga Espanyol.
Siya ang naging nars ng mga sugatang
Katipunero sa laban.
Nakipagdigma laban sa mga
Amerikano kasama si Hen. Gregorio
del Pilar.
- Tinamaan ng bala sa hita at
nasugatan sa labanan sa San Miguel,
at Zaragosa ngunit bumalik muli sa
pakikipaglaban nang gumaling na.
- Pinarangalan ni Hen. Aguinaldo
bilang “Ina ng Biak-na- Bato”.
Pagkatapos ng digmaan, nang
itatag ang Philippine Red Cross,
kinilala ng mga Amerikano bilang
Ina ng Red Cross sa Pilipinas dahil
sa kanyang pag-aaruga sa mg
sugatang sundalong Pilipino at mga
nasalanta ng digmaan.
Agueda Kahabagan
“Joan of Arc ng Tagalog”
Si Agueda Iniquinto Kahabagan ay kilala
bilang si “Henerala Agueda”
Siya ay nagmula sa bayan ng Sta. Cruz,
Laguna.
Kinilala si Henerala sa kanyang katangi-
tanging katapangan. Si Henerala ay
kinomisyon ni Heneral Miguel Malvar
upang pamunuan ang isang kawan ng
mga sundalo noong Mayo 1897.
Siya ay isa sa mga nanguna kasama si Heneral
Artemio Ricarte sa pagsalakay ng Garrison ng mga
Espanyol sa San Pablo, Laguna noong Oktubre 1897. 
Pinaniniwalaan na si Heneral Pio del Pilar  ang
nagrekomenda na mabigyang Titulo bilang
Honoraryang Henerala si Henerala Agueda. Siya ang
nag-iisang naitalang Henerala sa listahan ng mga
Heneral ng Republika ng Pilipinas. Natamo niya ang
ranggo noong Enero 4, 1899.
Josephine Bracken
Josephine Bracken
ang nakaisang palad ng pambansang bayani
ng Pilipinas na si Jose Rizal sa kanyang
pagkakatapon sa Dapitan sa lalawigan ng 
Zamboanga del Norte sa katimugan ng Pilipinas.
Pagkamatay ni Rizal, agad na sumali si Bracken sa
mga rebolusyonaryong pwersa sa lalawigan
ng Cavite, kung saan pinangalagaan niya ang mga
may sakit at nasugatan na mga sundalo.
Gregoria Montoya
“Joan of Arc ng Cavite”
Gregoria Montoya
Nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896, sumapi sa paksyon
ng Magdalo si Montoya. Pinangunahan niya ang Magdalo sa
Labanan sa Imus kung saan nakakuha sila ng 13 armas mula sa
kalaban. Dahil sa katapangang ipinakita, bumilib sa kanya si
Emilio Aguinaldo. Dahil dito, binigyan siya ng isang trabaho.
Inutusan siya ni Aguinaldo na gibain ang isang tulay sa Ilog
Mabolo na humihiwalay sa Binakayan at Kawit mula sa
Bacoor. May pinadala kasing napakalaking puwersa sa Bacoor
si Gobernador Heneral Ramon Blanco para matapos na ang
rebolusyon. Kailangan nilang masira ang tulay.
Josefa Rizal
“Pangulo ng Lupon ng
Kababaihan”
Josefa Rizal

Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit


sa kabila ng kan yang sakit, nagawa niya pa
ring sumali sa Katipunan at maging isang
Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang
pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya
sa mga orihinal na miyembro ng Katipunan
kasama sila Gregoria de Jesus.

You might also like