pangungusap, mayroon bang mga salitang nag-uugnay sa kanila? RETORIKAL NA PANG-UGNAY Mga salitang nag-uugnay ng salita o pahayag na nagsasaad nang walang katiyakan o pag- aalinlangan sa pagkakaganap ng kilos o kondisyon. MGA GAMIT NG RETORIKAL NA PANG- UGNAY 1. BAKA Nagsasaad ng walang katiyakan. Halimbawa Baka hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Arturo kung hindi siya hinamon ng kaniyang ama. 2. SAKALI Nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Halimbawa Sakaling hindi nagsikap ang ina na mapagkasundo ang mag-ama ay patuloy na maghihinanakit si Arturo sa kaniyang ama. 3. KUNG Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon Halimbawa Kung nakinig din sana ang mga kapatid niya, marahil ay matagumpay din sila. 4. KAPAG Nagsasabi ng tiyak na kondisyon Halimbawa Papayagan lamang si Arturo na makipagkita sa kasintahan kapag araw ng Linggo. 4. DISIN SANA Nagsasaad ng kondisyon Halimbawa Kung nakinig agad siya sa kaniyang ina, disin sana ay nakasama pa niya nang matagal ang kaniyang ama. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Pagkatapos, sabihin ang retorikal na pang-ugnay na ginamit at ipaliwanag kung paano ito ginamit sa pangungusap. “Kung gusto mong kaawaan kita dapat magkaroon ka rin ng habag sa mga kasamahan mo,” ang sabi ng amo sa katulong. Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon Baka mabigyan pa siya ng pagkakataon na makabayad sa kaniyang pagkakautang. Nagsasaad ng walang katiyakan. Sakaling makita ng ibang katulong ang nangyari ay pupuntahan nila ang amo para makapagsumbong Nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Kapag hindi nagbago ang katulong ay parurusahan siya ng kaniyang amo.
Nagsasabi ng tiyak na kondisyon
Kung alam lang ng amo na magiging buktot ang katulong disin sana ay hindi na niya ito kinaawaan. Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon Basahin at unawain ang kasunod na talata. Suriin ang mga retorikal na pangugnay na ginamit sa pangungusap ng nasabing talata. Piliin sa kasunod na kahon ang angkop na pang-ugnay at isulat ito sa sagutang papel. Laging nauuna ang mga estudyante sa kapag balita __________walang pasok. Abala sila sa pagte-text sa kanilang mga kung kaklase at mga kaibigan _________ ano ang puwede nilang gawin habang Sakaling walang pasok. __________ may takdang-aralin na ibinigay ang guro ay kung pinag-uusapan nila __________ ano ang kanilang gagawin upang wala na silang maging problema. Marami ang kapag masaya __________ walang klase pero para sa iba mas nais nilang pumasok para may matutuhan silang bago. Nag-aalala ang iba __________sakaling magkaroon ng pasok ng ilang Sabado upang gawing pamalit sa mga araw na walang klase. __________ Disin sana ay pumasok na lamang sila kaysa mapalitan pa ito sa mga araw na itinuturing nilang pahinga. Baka Sakaling Kapag Disin sana kung