Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

KASAYSAYAN NG

PAGSASALING-WIKA
SA PILIPINAS
Inihanda Ni: Don Don P. Orge BSED
2-FILIPINO
1.0 UNANG YUGTO NG
KASIGLAHAN
 Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasabing nagsimulang magkaanyo
noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, kaugnay ng pagpapalaganap ng
Kristianismo. Kinakailangan ng mga panahong yaon na isalin sa Tagalog at sa
iba pang katutubong wika sa kapuluan ang mga katesismo, mga akdang
panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikadadali ng pagpapalaganap ng Iglesia
Catolica Romana.
 Mababanggit na bagamat nadiskubre ni Magellan ang ating kapuluan noong
1521, ang aktwal na pananakop o kolonisasyon Ng España ay nagsimula noon
lamang 1565 nang dumaong sa Cebu ang ekspedisyong pinamumunuan ni
Adelanto Miguel Lopez de Legazpi, kasama ang sundalong-pare na si Fr.
Andres de Urdaneta. Tatlundaan at tatlumpu’t tatlong (333) taon na
napasailalim sa kapangyarihan ng bansang España ang Pilipinas. Sa mga
panahong iyon ay pinairal ng mananakop ang kanyang dalawang
magkakawing na layunin- ang Kristianismo at Hispanisasyon ng bansang
Pilipinas.
 Subalit, gaya ng nasasaad sa kasayayan, naging bantilawan o urung-sulong ang
naging sistema ng pagpapalaganap ng wikang Kastila sa Pilipinas. Sa ibang
salita, hindi naging konsistent ang Pamahalaang España sa pagtuturo ng
wikang Kastila ng mga “Indios” na kanilang sakop. Kalimitan, ang
nagiginghari ng España ay may matapat na paniniwala na mabisang
mapalalaganap ang Kristyanismo sa pamamagitan ng wikang Kastila. Subalit
ang kanilang mga dekreto ay hindi sinunod ng karamihan ng mga prayle na
hali-haliling namuno sa Pilipinas. Ang dahilan: Batay sa kanilang karanasan sa
Timog at Hilagang America higit na nagiging matagumpay ang
pagpapalaganap ng Kristianismo sa pamamagitan ng paggamit ng mga wika ng
mga katutubo. Sa ibang salita, mas madali na sila ang mag-aral ng mga wika
ng mga katutubo kaysa ang mga katutubo ang mag-aral ng wikang Kastila.
 Ikalawang dahilan: Mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang marinig na ginagamit ng mga
prayle ang kanilang katutubong wika sa pagtuturo ng salita ng Diyos. Mapapansin, kung
sabagay, na ang mga mahahalagang salita ng dokrina ay nanatili, tulad ng misa, rosaryo
(rosario), sermon, katolico (catolico), krusipiho (cruscifijo), nobena (novena), Doktrina
Kristyana ( Doctrina Cristiana) Bibliya (Biblia), kumbento (convento), altar, at marami pang
iba.
 Ang ikatlo dahilan na hindi lantarang inihayag ng mga Kastila: May lihim silang pangamba na
baka kung matuti ang mga “Indios” ng wikang Kastila ay maging kasangkapan pa nila ito
tungo sa pagkamulat sa kanilang kalagayang pulitikal at sila ang balikan.
 Anupat sa pangkalahatan, lumaganap ang Kristianismo sa masang Pilipino sa pamamagitan ng
kanilang mga katutubong wika. Sa gayong paraan unti-unting itinakwil ng mga paganong
katutubo ang kinagisnanang paniniwala at niyakap ang Kristianismo. At mangyaripa, ang mga
“Indios” na hindi makuha sa pamamagitan ng “krus” o “santong dasalan,” wika nga, ay
nilupig sa pamamagitan ng “espada” o “santong paspasan.”
 Ang panahong ito ng pananakop ng mga Kastila ang maituturing na unang yugto ng
kasiglahan sa pagsasaling-wika sa Pilipinas.
 Narito ang ilan sa mga salin sa Tagalog ng mga akdang panrelihiyon na
hinalaw ng awtor sa isang lathalain ng dating Surian ng Wikang Pambansa-
Tagalog Periodical Literature, Teodoro A. Aguncillo (nagtipon), Maynila:
1953: (Mapapansing pinatili ni Agoncillo ang aktwal na ispelling na ginagamit
ng mga awtor.)
 Calderon, Sofronio C. “Ang Pag-ibig ng Mahiwagang Diyos” (saling halaw sa
mga akda ni Buffalo Bill; walang petsa).
 Amezquita, Luis de Troy Predicador. “ Catecismo na Pinaglaanan nang mga
Pangadyi at Maikling Casaysayan na Dapat Pag-aralan ng Taong Cristiano”
( mula sa “Catecismo…”; walang awtor).
 Angeles, Roman de los. “ Buhay ni Sta. Maria Magdalena” ( saling patula
mula sa “Historia de un Martir de Golgota.” Maynila: Imprenta de Fajardo,
1907).
 Benchuchillo, Francisco. “Caragliang Pagsasalita Nang Aral na Maganda ni
Sta. Rita de Casia” (walang pangalan ng nagsalin; mula sa “Sta. Rita de
Casia” ni Fr. Benchuchillo; walang petsa).
 Belen, Gaspar Aquino de. “ Manga Panalanging Pagtagobilin sa Calolva ng
tavong nagihingalo” (halaw sa salin mula sa aklat ni Tomas Villacatin;
Maynila: Imprenta de la Compania de Jesus, 1760).
 Clain, Pablo. “Ang Infiernong nabvbvcsan sa tavong Cristiano at nang hovag
masoc doon” ( saling halaw mula sa isang pamplet na nilimbag sa “ Convento
nang Dilao”, 1713).
 Cortazar, Raimundo. “ Ang pagcocompisal at pagquiquinabang” (Malabon:
Tipo-Litografia del Asilo de Huerfanos de Ntra. Sra. De Consolacion, 1895).
 Diez, Esteben. “ Manga Pananalangining cauiliuili sa mahal na Poong S.
Roque, Tanging Pintacasi nang tauo sa sarisaring Salot, at saquit nacahahaaua”
( mula sa bersyong español ni D. Manuel Lecaros, Maynila: 1820; walang
imprenta).
nabanggit na koleksyon ni Agoncillo ay 209 na lahat ang nakatalang
 Sa
“Religious Works” na karamihan ay salin o adptasyon mula sa mga
manuskrito, pamplet, aklat at iba pa na orihinalna nasusulat sa wikang
Kastila. Inamin niya sa kanyang “Intoduction” na ang koleksyon ay isang
maliit na bahagi lamang ng kabuuang dapat matipon.
 Sa bahagi g ito’y malalagom natin na ang naging tuon ng mga
isinagawang pagsasalin noong panahon ng Kastila ay tungkol sa mga
materyales na panrelihiyon, kaugnay ng pagpaalaganap ng Kristianismo.
Pansinin na hindi na itinala rito ang tungkol sa mga naging pagsasalin s
iba’t ibang katutubong wika ng mga orihinal na sinulat ng wikang Kastial.
2.0 IKALAWANG YUGTO NG
KASIGLAHAN
 Nang pumalit ang America sa España bilang mananakop ng Pilipinas, nabago
na rin, mangyari pa, ang papel ng ginagampanan ng pagsasaling-wika. Ang
naging isa sa pangunahing kasangkapan ng pananakop noong panahon ng
Kastila ay krus at relihiyon; noong panahon naman ng Americano ay aklat o
edukasyon sa pamamagitan ng wikang Ingles.
 Dapat banggitin s bahaging ito, kung sabagay, na kahit hindi na sakop ng
España ang Pilipinas, nagpatuloy parin ang pagsasasalin ng mga piyesang
orihinal na masusulat s wilang Kastila, kaalinsabay ng mga pagsasalin sa
wikang pambansa Ng mga nasusulat sa Ingles. Narito ang ilan sa mga salin na
hinalaw din sa aklat ni Agoncillo.
MAIKLING NOBELA
Duanzon, Leonardo A. & Gerardo Chanco.
“Ang Buhay ay Pag-ibig” (mula sa Vivir es
Amar” ni Manuel Ibo Alfaro, sa Ang MITHI,
Okt. 1917- Mar. 1918).
Laksamana, Francisco, “Dugo sa Dugo” ( mula
sa “Lucha de Razas” ni Bradon, sa TALIBA,
1912).
MAIKLING KWENTO
Mariano, Patricio. “Mga Alamat” ( mula
sa “El Fillibusterismo” ni Jose P. Rizal.
MULING PAGSILANG, 1904).
Rosario, Deogracias A. “Dafne at Apolo”,
“Alamat ng Laurel”, (mula sa “A Book of
Fables” ni Bulfinch. ANG
DEMOCRACIA, Hunyo,1913).
DULA
 Balmaseda, Julian C. “ Ang Hampas-Lupa” (mula sa iisahing tagpong “The
Vagabond” ni Jacinto Venavente. SAMPAGUITA, Disyembre 8, 1925;
 Mariano, Patricio, “Rizal” (mula sa 4-na-tagpong dula ni Juan Utor y
Fernandez; ipinalabas sa Rizal Theater, Disyembre 30, 1909;
 __________. “ Sa Pangpang ng Pasig” (mula sa iisang tagpong “ A Orillas del
Pasig” ni Jose Rizal. TALIBA,Hunyo 17-20, 1911;
 Jesus, Jose Corazon de. “ Mga Pusong Naglaho sa Dilim” ( mula sa “
Bancarotas de Alma” ni Balmor TALIBA, Enero 14- Abril 9, 1928;
 Mariano, Patricio. “Noli Me Tangere” ( mula sa “Noli Me Tangere” ni Jose
Rizal, Maynila: Limbagan at Aklatan, 1912.
TULA
 Almanzor, Vicente. “ Ang Aking Pahimakas” ( mula sa “ Mi Ultimo
Adios” ni Jose Rizal, ANG DEMOCRACIA, Hunyo 19, 1911;
 Balmaseda, Julian C. “ Ang Kalupi ng Sacristan” ( mula sa “
Memorias de un Sacristan”. TALIBA, Nobyembre 24, 1915;
 Maderal, Ursula Q. “Isang Araw na Maulan” (mula sa “The Rainy
Day” ni Henry Wadsworth Longfellow, TALIBA, Okt. 21, 1920;
 Silvestre, Aniceto F. “Aking Ina” ( mula sa Mother of Mine” ni
Kipling. ANG MITHI, Hunyo 25, 1921.
MARAMING
SALAMAT AT
MABUHAY

You might also like