Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

ARALIN 1: Konteksto ng

Suliraning Pangkapaligiran

Tatalakayin sa araling ito ang kalagayang


pangkapaligiran ng Pilipinas at ang pagtugon
na ginagawa upang ito ay mabigyan ng
solusyon.
Pamprosesong mga Tanong:
1. Sa iyong palagay, tama ba ang iyong ginawang
aksiyon sa naganap na kalamidad? Bakit?
2. Bakit may mga pagkakataon na malaki ang
pinasalang dulot ng mga kalamidad sa buhay at
ari-arian?
3. Paano magiging handa ang isang lugar sa
pagharap sa mga kalamidad?
Gawain 2.Inner/Outer Circle

“Paano mabisang matutugunan ang


mga suliranin at hamong
pangkapaligiran?”
Paksa:
Ang mga Suliranin at Hamong
Pangkapaligiran
Gaano nga ba
kahalaga ang likas na
yaman?
Likas na Yaman

• 65 milyong Pilipino ang umaasa sa likas na


yaman para mabuhay
• pangunahing hanapbuhay ay ang
pagsasaka at pangingisda
• bumubuo sa halos 20% ng Gross Domestic
Product (GDP) ng Pilipinas noong 2014
Likas na Yaman

• 1.4% mula sa yamang-gubat


• 2.1% mula sa pagmimina

Ang likas na kagandahan ng Pilipinas ay


isa sa mga dahilan kung bakit ang
turismo ay nagbibigay ng trabaho sa mga
Pilipino
Mga Suliranin at Hamong Pangkapaligiran

1. Suliranin sa Solid Waste


Solid Waste -mga basurang nagmula sa
mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basura na nakikita sa
paligid, mga basura na nagmumula sa
sektor ng agrikultura at iba pang basurang
hindi nakakalason (Official Gazette, 2000).
Suliranin sa Solid Waste

• Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga


kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha
ng 39,422 tonelada ng basura kada araw
noong taong 2015
– 25% ng mga basura ng Pilipinas ay
nanggagaling sa Metro Manila kung
saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7
kilong basura araw-araw
Suliranin sa Solid Waste

-mas mataas ito ng 130% kaysa sa world


average (National Solid Waste
Management,2016)
- ang malaking bahagdan ng itinatapong
basura ng mga Pilipino ay mula sa mga
tahanan na mayroong 56.7%
Suliranin sa Solid Waste

- pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong


basura ay iyong tinatawag na bio-
degradable na may 52.31% (National Solid
Waste Management Status Report,2015).
Suliranin sa Solid Waste
Suliranin sa Solid Waste
Suliranin sa Solid Waste
Iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa
solid waste

kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng


basura
1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa
mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote,
at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa
pagbaha at paglaganap ng mga insekto na
nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit
Suliranin sa Solid Waste
Iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang
Pilipinas sa solid waste
Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin
ang nagsusunog ng basura na
nakadaragdag sa polusyon sa hangin
Nadaragdagan din ang trabaho ng mga
waste collector dahil kailangan nilang
magsagawa ng waste segregation bago
dalhin ang mga nakolektang basura sa
dumpsite
Suliranin sa Solid Waste
Iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang
Pilipinas sa solid waste
 ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa
Metro Manila, ay nagdudulot din ng panganib
sa mga naninirahan dito. Sa ulat na
pinamagatang The Garbage Book (Asian
Development Bank, 2004) ang leachate o katas
ng basura mula sa Rodriguez at Payatas
dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng
Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay
ay nagtataglay ng lead at arsenic na
mapanganib sa kalusugan ng tao
Suliranin sa Solid Waste
Iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang
Pilipinas sa solid waste
 Panganib din ang dulot ng pamumulot ng
basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300
na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro
Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat
at nagkakalkal sa mga tambak ng basura
Suliranin sa Solid Waste
Iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang
Pilipinas sa solid waste

apektado din ang pag-aaral ng mga


kabataang waste pickers bukod pa sa
posibilidad na sila ay magkasakit,
maimpluwensiyahan na gumawa ng
ilegal na gawain, o kaya ay mamatay
Suliranin sa Solid Waste
Iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang
Pilipinas sa solid waste
Matatandaan na ipinasara ang Payatas
dumpsite matapos ang trahedya na
naganap noong Hulyo 2000 kung saan
maraming bahay ang natabunan nang
gumuho ang bundok ng basura dahil sa
walang tigil na ulan. Nasundan pa ito ng
sunog na ikinamatay ng 205 katao
Suliranin sa Solid Waste
Iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang
Pilipinas sa solid waste
tamang pagtatapon ng electronic waste o
e-waste tulad ngcomputer, cellphone, at tv
lumabas sa pagsusuri na ginawa ng Global
Information Society (2010), na humigit
kumulang sa anim na toneladang e-waste
ang tinatapon sa landfill na siyang kinukuha
ng mga waste pickers upang ipagbili ang
anomang bahagi nito na
mapapakinabangan
Suliranin sa Solid Waste
Iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang
Pilipinas sa solid waste

ang mga ginagawang pamamaraan tulad


ng pagsunog upang makuha ang tanso, at
pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng
panganib dahil pinagmumulan ito ng mga
delikadong kemikal tulad ng lead,
cadmium, barium, mercury, at polyvinyl
chloride na nakalalason ng lupa at maging
ng tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011)
Suliranin sa Solid Waste

Republic Act 9003 - Ecological Solid Waste


Management Act of 2000
-upang magkaroon ng legal na batayan sa
iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa
(Official Gazette, 2000)
Suliranin sa Solid Waste
Republic Act 9003

Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang


pagtatayo ng mga Materials Recovery
Facility (MRF) kung saan isasagawa ang
waste segregation bago dalhin ang
nakolektang basura sa mga dumpsite
Suliranin sa Solid Waste
Republic Act 9003

Maraming barangay ang tumugon sa


kautusang ito, sa katanuyan mula sa 2,438
noong 2008 ay tumaas ang bilang ng MRF sa
8,656 noong 2014 (National Solid Waste
Management Status Report, 2015).
Iniulat din ng National Solid Waste
Management Commission ang ilan sa best
practices ng mga Local Government Units
(LGUs) sa pamamahala sa solid waste
Halimbawa ng mga Best Practice sa
pamamahala ng Solid Waste
Halimbawa ng mga Best Practice sa
pamamahala ng Solid Waste
Suliranin sa Solid Waste
NGO
1. Mother Earth Foundation - tumutulong
sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay
2. Clean and Green Foundation- kabahagi
ng mga programa tulad ng Orchidarium
and Butterfly Pavilion, Gift of Trees,
Green Choice Philippines, Piso Para sa
Pasig, at Trees for Life
Philippines(Kimpo, 2008).
Suliranin sa Solid Waste
NGO
3. Bantay Kalikasan – paggamit ng media
upang mamulat ang mga mamamayan sa
suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa
reforestation ng La Mesa Watershed at sa
Pasig River Rehabilitation Project
4. Greenpeace – naglalayong baguhin ang
kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at
pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng
kapayapaan
Gawain 3. Data Retrieval Chart
Gawain 4. Sa aking komunidad
Magsaliksik ng programa para sa solid
waste management na ipinatutupad sa
inyong paaralan o barangay. Gumawa ng
presentation tungkol dito.
Rubric para sa presentation

You might also like