Sabihin kung Pambalana o Pantangi ang mga sumusunod: 1. Andres Bonifacio 2. aklat 3. Carla 4. payong 5. sasakyan 6. manggagamot 7. Bulkang Mayon 8. Lungsod ng Davao 9. punong-guro 10. Katedral ng San Sebastian Sabihin kung ang mga sumusunod na pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. 1. Baguio 6. barangay 2. aso 7. pulis 3. Jose P. Rizal 8. kotse 4. aklat 9. Tarlac 5. pista 10. Tony Magsabi ng ilang bagay tungkol sa inyong sarili, sa mga hayop na alaga ninyo, sa mga lugar na napuntahan na o mga pangyayari sa inyo? Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. 1. Si Dr. Lopez ay nagpapakadalubhasa sa Amerika. 2. Masipag tumahol ang aming aso. 3. An bayanihan ay isang magandang kaugaliang Pilipino. 4. Maalat ang tubig sa dagat. 5. Nanganganib na pumutok ang bulkang Mayon. Punan ang patlang ng wastong pangngalan upang mabuo ang bawat pangungusap.
dalaga Kalakhang Maynila diyaryo
Baguio Ferdinand Magellan
1. Nagtangkang manakop si ___________
at nagtagumpay siya. 2. Ang mga lumang _______ ay maaari pang gamitin. 3. Magaganda ang mga tanawin sa ________. 4. Ang ______________ ay maunlad ngunit magulo. 5. Nakita niya ang binili ng dalaga. Nagagamit ang pangngalan upang matalakay ang mga bagay ukol sa ating sarili, tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Gawin mo: Sumulat ng isang maikling talata gamit ang iba’t-ibang pangngalan. Pumili ng paksa sa mga sumusunod: a. Paboritong artista b. Alagang hayop c. Prutas d. Lugar na napuntahan na e. Isang pangyayari sa iyong buhay Takdang Aralin: Sumulat ng isang talata na tumatalakay sa iyong sarili.