Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Filipino 5

Mark Anthony M. Ramos


Ano ang dapat tandaan sa
pagbasa ng tula?
Ano-ano ang mga balitang
inyong narinig kagabi?
Masining nga Ba?
Sa larangan ng embroidery, kilala dito ang bayan ng
Lumban. Ito ay tinaguriang “ Embroidery Capital of
the Philippines”, na maipagmamalaki ng mga
Lumbeneo.
Kahapon, ika-22 ng Setyembre, ako ay ay
napadaan sa bayan ng Lumban. Aking nasaksihan ang
pagdiriwang ng “Lumban Festival”. Ito ay
pinamunuan ng kanilang punung-bayan na si Doktor
Reynato R. Anonuevo kasama ang mga miyembro ng
sangguniang bayan. Sa pasimula ay nagkaroon ng
parada ang ibat-ibang lupon ng mga kawani ng bayan
na nakasuot ng iba’t-ibang istilo ng barong .
Makikita sa kanilang suot ang mga nakamamanghang
disenyo na nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga
Pilipino. Sa plasa ay nakadisplay ang iba’t-ibang yari ng
barong at mga burda nito. Mayroon yari sa kamay at
makina, mayroon ding yari sa painting at iba’t-ibang
istilo ng tela tulad ng pininyahan, pinya, husi at iba pa.
Nagkaroon din ng paligsahan sa pagtahi sa kamay ng
mga disenyo ng barong. Marami ang lumahok dito at isa
ay si Gng. Alice B. Gaza, guro ng Paaralan ng
Maytalang-I na siyang itinanghal na nagwagi. Sinundan
ito ng iba pang paligsahan tulad ng painting, mga palaro
ng bayan tulad ng palosebo, tag of war at iba pa.
Mababakas ang kasiyahan sa mga Lumbeneo sa
kanilang pagdiriwan ng Lumban Festival na sadyang
ipinagmamalaki.
1. Tungkol saan ang balita?
2. Sa anong titulo tinawag ang bayan ng Lumban?
3. Kailan nila ipinagdiwang ang Lumban Festival?
4. Sino-sino ang namuno dito?
5. Ano-ano ang makikita sa mga barong na suot ng
mga kawani ng bayan?
6. Ano-ano ang makikita sa plasa?
7. Ano-ano ang mga paligsahang isinagawa sa
festival?
8. Masasabi mo ba na masining ang mga
Lumbeneo?Bakit?
Paano mo maiiwasan ang sakit
dulot ng tag-ulan?

Paano mo maipapahayag sa sariling


opinyon o reaksyon ang isang
napakinggang balita o isyu?
Mga Mag-aaral Pinag-iingat Ngayong Tag-ulan
Maganda umaga bayan, nagbabala ang Kagawaran
ng Kalusugan tungkol sa mga sakit na dulot ng tag-ulan.
Pinaaalalahanan ang mga magulang na huwag hayaan
ang mga bata na maglaro sa mga lugar na may mataas
na tubig.
Magsuot ng anumang bagay na natatakpan ang paa
upang maiwasan ang anumang bacteria na nagdudulot
ng sakit na leptospirosis mula sa mga ihi at dumi ng
hayop. Hugasan ng sabon at punasan ng malinis na
tuwalya ang paa pagkatapos lumusong sa tubig.
Maging maingat sa kalusugan upang sakit ay
maiwasan.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Tungkol saan ang balita?
2. Sino ang pinag-uukulan ng balita?
3. Anong sakit ang maaring makuha mo
kung maglalaro ka sa lugar na may mataas
na tubig ulan?
4. Ano ang sanhi ng sakit na ito?
5. Ano ang dapat mong gawin upang
makaiwas sa sakit dulot ng tag-ulan?
6. Magbigay ng opinyon tungkol dito.
Lagyan ng tsek (/ ) ang patlang na nagsasaad ng
mga dapat mong gawin upang maiwasan ang
sakit tuwing tag-ulan.
_____ 1. Maligo sa ulan kahit may lagnat.
______2. Hindi maglalaro sa mga lugar na mataas
ang tubig ulan.
______3. Gumamit ng kapote kung lalabas ng
bahay.
______4. Gumamit ng anumang pantakip sa paa
tulad ng sapatos o medyas kung hindi
maiwasang lumusong sa tubig.
______5. Yayain ang kaklase na maglaro sa tubig
ulan.
-Ang balita ay mga pangyayaring
nagaganap, napapanahon at naka-tatawag
pansin kaya ito’y mahalaga sa tagapakinig.
-Sa pagbibigay ng opinion o reaksyon,
mahalaga na malinaw sa iyo ang inilalahad
nito at ang mga detalye na sumasagot sa
mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan at
Paano.
Basahing mabuti ang mga balita at ibigay ang tamang reaksyon
dito.Piliin ang tamang sagot sa ibaba.
1. Nagbabala kamakailan ang DepEd sa lahat ng mga
paaralang pampubliko at pampribado laban sa
madalas na pagpapalit ng mga aklat na kanilang
ipinapagamit sa mga mag-aaral. Pinapayagan lamang ng
DepEd ang mga paaralan na magpalit ng aklat tuwing
ikaanim na taon
a. Dapat sumunod ang mga itinatagubilin ng DepEd
magpalit ng aklat tuwing ikaanim na taon. b. Nagbabala
ang DepEd laban sa pagpapalit ng aklat.
c.Maging masigasig ang mga paaralan sa pagpalit ng
aklat tuwing ikaanim na taon
2. Ang Kagawaran ng Pangkalusugan ay
nangangampanya sa pagsugpo ng "Dengue Fever" sa
ating mga mamamayan. Naglunsad ang bawat Health
Center ng bayan kung paano maiiwasanang
pagkakaroon ng "Dengue Fever". Ang tamang
pagtatapon ng basura sa basurahan
a.Dapat sundin ang mga pamamaraan ng kalinisan sa
kapaligiran.
b.Nagbabala ang Kagawaran ng Pangkalusugan sa
pagsugpo ng “Dengue Fever”.
c.Maging malinis sa paligid upang maiwasan ng “Dengue
Fever
Takdang-Aralin
Mag-isip ng balitang natatandaan
mo. Isulat ito sa isang papel.
Magbigay ng iyong opinyon o
reaksyon tungkol dito.

You might also like