Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

KODIGO NG ETIKA

NG PAMAMAHAYAG
SA PILIPINAS
KODIGO NG ETIKA NG
PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
 Itaguyod ang kalayaan at iba pang mga saligang
karapatan ng pamahayagan ng bakahin ang lahat
ng impluhong maaaring mapag rupok sa mga ito.
 Iwasan ang mga pagpapangkat-pangkat at iharap
ang dalawang panig ng bawat pinatatalunang
paksa nang buong katarungan at katapatan sa mga
pangayayri, nang mabigyan ang matalinong
pamamatayan ng kanyang karapatan sa malayang
pamamahayag..
 Huwag magpalimbag ng mga bagay na maaaring
di-makatarungng tumuligsa o nagpapahina sa
karangalan ng isang tahanan, o sa
pananampalataya ng isang tao, o magsilbing
panghamon nang walang katarungan sa damdamin
ng bayan o kaya'y sa katahimikan ng bayan.
 Bakahin ang lahat ng kapangyarihang maaaring
magtangkang isa kalakal ang layunin na maging
sunud-sunuran dahil sa pakinabang o pabor.
 Lakipan ng katarungan at kawanggawa ang
kapangyarihan ng pamahayagan na umiiwas sa
paghantong nito sa kalupitan; upang igalang ang
hinirang sa may kapangyarihan at upang mabatid at
sumunod sa batas.
 Isagawa ang kagandahang-loob mabuting panlasa,
kayumian, at makatuwirang pakikitungo sa bayan,
gayon din sa kapuwang nasa propesyon, na malayang
tinanggap at sapat na iniwasto ang lisyang hatol o
kamalian.
 Iulat at iwasto nang walang pagkiling ang mga balita at
kilalanin nang tiyakan na ang Katotohanan ay siyang totoo at
ang kurukuro ay kurukuro, at iniiwasan ang pagmamalabis o
pagkakaltas ng mga pangyayaring nagpapatunay o
mahalagang kahulugang nagpapaliwanag.
 Iwasan na maging kusang patakaran ang labis na
pagkasensasyunal matamo lamang ang pagsang-ayon ng
karamihan o naglalayon ng tanging pag-aakit sa tanungin at
maipagbili ang pahayagan; at higit na mabawasan ang mga
balita sa krimen na walang layunin kundi magpasigla sa
kriminidad.
 Laging sikapin na mapaunlad ang kakayahang
propesyunal at pagkamabisa nito, sa diwa ng
magiliw na pakikipagkompetensiya at tumanggap
ng punang mapagbuo sa kapakanan ng maunlad
na pamamahayag.
 Tumulong sa isa't isa sa panahon ng kasawian at
buong pagkakaisang humarap sa mga suliraning
propesyunal.
KODOGO NG ETIKANG
PAMPAHAYAGAN
Mga pangkalahatang alituntunin na dapat sundin para sa pamahayagan.

 I. Ang kahalayan ay Laban sa Batas.


 II. Kalayaan sa Pamamahayag ay naksalalay sa Pangunahing
Karapatan ng Sangkatauhan.
Kalayaan mula sa lahat ng obligasyon malibana lamang sa fidelity, ang
interes ng publiko ay mahalaga.
 Promosyon a anumang pribadong interes na taliwas sa pangkalahatang
kapakanan, o saanumang dahilan ay hindi naaayon sa matapat na
pamamahyag.
 Ang pagkiling sa komentaryo ng editoryal ay nababatid ng departmento
ang
III. Karapatan, Katotohan at Kawastuhan
Ang kapakanan ng mga mambabasa ay ang
pinakamahalagang pundasyon sa lahat ng mamamahayag
upang maging mahalaga ang kanilang tungkulin.
 Ang pagsaalang-alang sa mabuitng pananalig sa
pamahayagan ay nagiging sandigan ng katotohanan.
 Ang pangunahing balita ay kinakailangang buo ang
nilalaman at angkop.
IV. Walang Pagkiling
 Ang kasanayan sa pamamahayag ay mahalaga
upang magkaroon ng kalinawan ang pag-uulat ng
balita at pagpapahayag ng mga opinyon. Ang pag-
uulat ng balita ay kinakailangang maging malaya
mula sa opinyon o batayan ng anumang uri.
V. Patas na Laban.
 Ang pahayagan ay dapat na maglathala ng mga
opisyal na kaso sapagkat kung hindi ito ay maaaring
makaapekto sa reputasyon o karakter na pangmoral at
mawawala ang oportunidad na madinig ang panig ng
akusado. Ang tamang kasanayan ay kinakailangan sa
pagkakaloob ng gayong oportunidad sa lahat ng kaso
na seryoso ang akusasyon sa lahat ng kaso na seryoso
ang akusasyon sa labas ng hukuman.
VI. Kadisentehan
Ang pahayagan ay pinaniniwalaan sa katapatan
nito, sapakat ipinahahayag ang kadahilanan ng
mataas na moralidad at pinalalakas ang mabuting
pag-uugali. Maaring matagpuan ditto ang mga
detalye ng krimen at bisyo, sa publikasyon
isinasaalang-alang ang kabutihan para sa lahat.
KODIGO NG ETIKA NG
PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS
Ayon ka Matienzo,
 Itaguyod ang kalayaan at iba pang mga karapatan
sa pamahayagan at bakahin ang lahat na maaaring
magparupok sa mga ito.
 Iwasan ang mga pagkakapangkat at iharap ang
dalawang panig sa pinagtatalunang paksa na may
buong katarungan at katapatan.
 Huwag magpalimbag ng mga bagay na maaaring di-
makatarungan at tumutuligsa o nagpapahina sa karangalan
ng buhay ng pribado, o sa kabanalan ng isang tahanan, o
sa pananampalataya ng isang tao, o nagsisilbing
paghamon sa walang katarungan sa damdamin ng bayan o
kaya’y gumulo sa katahimikan ng bayan.
 Bakahin ang lahat ng kapangyarihan na maaaring
magtangkang isakalakal ang layunin ng pamamahayagan,
at tutulan na maging sunud-sunuran dahil sa pakinabang o
pabor.
 Lakipan ng katarungan at kawanggawa ang
kapangyarihan ng pamahayagn, at umiwas tungo
sa kalupitan. Ang hinirang na makapangyarihan ay
dapat igalang at sumusunod sa batas.
 Isagawa ang kagandahang-loob, mabuting panlasa,
kayumian at makatwirang pakikitungo sa bayan,
gayon din sa kapwa na nasa propesyon, na
maylayang tinanggap at iniwasto nng walang
pagkiling ang mga balita.
 Iulatat iwasto nang walang pagkiling ang mga balita.
Tiyakin na ang balita ay totoo at ang kuru-kuro ay
kuru-kuro, at iwasan ang pagmamalabis o
pagkakaltas ng mga pangyayaring nagpapatunay o
nagpapaliwanag.
 Iwasan na maging kusa ang patakaran at ang labis na
pagkasensesyunal na natamo lamang sa pamamagitan
ng pagsang-ayon ng karamihan o naglalayon ng pag-
akitb sa paningin upang mabili ang pahayagan.
 Sikapinna mapaunlad ang kakayahang
propesyonal at pagkamabisa nito, sa diwa ng
magiliw na pakikipagkompetensiya at tumanggap
ng punang magbubuo sa kapakanan ng maunlad na
pamamahayag.
 Tumulong sa isat’t isa sa panahon ng kaguluhan at
buong pagkakaisang humarap sa mga suliraning
pampropesyonal.
KODIGONG MORAL SA
PILIPINONG MAMAMAHAYAG
 Ako ay tapat na mag-uulat at bibigyang kahulugan
ang balita, pangangalagaan at hindi hahayaang
pigilin ang mahalagang mga kaganapan o ibaluktot
ang katotohanan sa pamamagitan ng
hindipagsasama o hindi pagbibigay-diin.
 Hindi ko sisirain ang mahalagang material ng
impormasyon na ipinagkaloob sa akin batay sa
tawag ng tungkulin.
 Ako ay dulugan, hindi lamang ng patas at tapat na
pamamaraaan sa abot ng aking kakayahan upang
makuha nag balita, mga larawan, at mga dokumento, at
maayos akong magpapakilala bilang kinatawan ng
medya kapag nagsasakatuparan ng personal na interbyu
para sa publikasyon.
 Ako ay iiwas sa pagsulat ng mga balita na maka-
aapekto sa pribadong buahy maliban na lamang sa
kapakanang pampublikong pakikipag-ugnayan na
itinatakda ng saligang-batas.
 Hindi ko hahayaan ang personal na motibo o
kapakanan na makaimpluwensya sa aking
ginagampanang tungkulin; o hindi ako tatanggap
ng anumang regalo o suhol o bigyan ng
konsiderasyon ang iba na makakaapekto o
magiging sanhi ng pag-aalinlangan sa aking
personal na intergridad.
 Hindi ko gagawa ng anumang aksyon ng
panggagaya.
 Hindiako mangungutya, o pupuna ng sinuman sa
pamamagitan ng sex, paniniwala sa relihiyon,
paninindiagang pampulitikal, cultural at etnikong
pinagmulan.
 Aking ipalalahgay na ang sinumang akusado sa krimen
ay inosente hangga’t hindi napapatunayan. Ako’y
magssakatuparan ng pag-iingat sa paglalathala ng mga
pangalan ng mga menor de edad at mga babae na
ksangkot sa kasong kriminal upang hindi mawala ang
kanilang karangalan sa lipunang kinabibilangan.
 Aayusin ko ang aking sarili sa publiko habang
ginagampan ang akng tungkulin bilang mamahayag
nang sa gayong paraan ay aking mapapanatili ang
dignidad ng aking propesyon.

PINAGKUNAN:
https://www.academia.edu/9397890/
KODIGO_NG_ETIKA_NG_PAMAMAHAYAG_SA_
PILIPINAS

You might also like