Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 60

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4

Quarter 1, Week 1

Content Standard: Naipamamalas ang pang-unawa sa konsepto ng “entrepreneurship”


Performance Standard: Naipaliliwanag ang mga batayang konsepto ng pagnenegosyo.

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG ENTREPRENEURSHIP

NILALAMAN

Sa Modyul na ito, tatalakayin natin ang kahalagahan ng entrepreneurship sa


kontekstong madali nating mauunawaan. Tatalakayin din ang sariling mga kakayahan na
magagamit sa paghahanapbuhay.

LAYUNIN

Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng entrepreneurship.

PAGHAHABI NG LAYUNIN

Magbigay ng salitang maaaring maiugnay sa sa salitang “entrepreneurship”.


Isulat ito sa palibot ng salitang bibigyang kahulugan.

PAG-ARALAN MO

Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na “entreprende” na


nangangahuluhgang “isagawa” Ang isang entrepreneur ay isang indibidwal na nagsasaayos,
nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang negosyo.
Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na mabatid ang
mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa tamang panahon, tamang
lugar, at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.
Nararapat taglayin ng isang indibidwal na naghahangad na magkaoon ng entrepreneurship
ang motibasyon, kaalaman sa negosyo, at marketing skills upang ang produkto ay maging mahusay
at ang magandang ideya ay maisagawa.

Kahalagahan ng Entrepreneurship
Mahalaga ang Entrepreneurship sa isang indibidwal, pamilya, komunidad, at bansa
sapagkat ito ang susi sa pag-unlad.
Sa pamamgitan ng pagiging malikhain at pagkakaroon ng makabagong ideya, ang
entrepreneur ay makagagawa ng gawaing kalakal o serbisyo, ang kangyang mga ideya ang
tutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
1. Ang mga entrepreneur ay nakalilikha ng mga bagong hanapbuhay

2. Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa pamilihan.

3. Ang mga entrepreneur ay nakakahanap ng mga makabagong paraan na mapaghusay ng mga


kasanayan
4. Ang mga entrepreneur ay nakapaghahatid ng bagong teknolohiya, industriya, at produkto sa
pamilihan.

5. Ang entrepreneur ay nangunguna upang pagsamahin ang mga salik na produksiyon tulad ng lupa,
paggawa, at puhunan upang makalikha ng produkto at serbisyo na kailangan sa ekonomiya ng bansa.

PAGSANAYAN MO

A. Punan ang dayagram ng mga kahalagahan ng isang entrepreneurship. Ilagay ang


sagot sa worksheet 1.

Kahalagahan ng entrepreneur

B. Punan ang patlang upang mabuo ang isinasaad sa pangungusap.

1. Ang salitang entrepreneur ay hango sa salitang French na”____________”.

2. Ang ______________ ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na mabatid ang


mga kalakal at serbisyo na kailangan ng tao at maihatid ang mga ito sa tamang
panahon, tamang lugar, at tamang madla at maibenta sa tamang halaga.

3. Masasabing ang isang indibidwal ay isang entrepreneur kung siya ay nagsasaayos,


nangangasiwa at nakikipagsapalaran sa isang ______________.

4. Ang mga entrepreneur ay nakalilikha ng mga bagong ____________.

5. Ang mga entrepreneur ay makapaghahatid ng mga bagong _________, industriya, at


produkto sa pamilihan.
TANDAAN MO

Mahalaga ang pagiging entrepreneur sa pag-unlad ng kabuhayan.

ISAPUSO MO

1. Nais mo bang maging entrepreneur? Bakit?


2. Anong negosyo ang naiisip mong nais mong pamahalaan? Bakit ito ang napili mo?
3. Paano ito makakatulong sa iyong sarili?

GAWIN MO

Magsaliksik ng taglay na katangian ng isang entrepreneur.

PAGTATAYA

Isulat sa patlang ang tama o mali ayon sa isinasaad sa bawat pangungusap.

_____ 1. Ang mga entrepreneur ay nagpapakilala ng mga bagong produkto sa pamilihan at


kung gayon ay may pananahutan kung ang negosyo ay bumagsak dahil hindi tinangkilik ang
produkto.

_____ 2. Ang mga entrepreneur ay nakakahanap ng mga makabagong paraan na magpahusay


sa mga kasanayan.

_____ 3. Nararapat taglayin ng isang indibidwal na naghahangad na magkaroon ng


entrepreneurship ang motibasyon, kaalaman sa negosyo, at marketing skills.

_____ 4. Masasabing ang isang indibidwal ay isang entrepreneur kung siya ay maraming pag-
airing lupa at iba pang properties.

_____ 5. Ang produkto ay magiging mahusay at makapagsasagawa ng magndang ideya kung


maraming pera ang isang entrepreneur.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4
Quarter 1, Week 1

Content Standard: Naipamamalas ang pang-unawa sa konsepto ng “entrepreneurship”


Performance Standard: Naipaliliwanag ang mga batayang konsepto ng pagnenegosyo.

KATANGIAN NG ENTREPRENEUR

NILALAMAN

Sa modyul na ito, tatalakaying ang mga katangian ng isang entrepreneur upang maging
gabay at pamarisan ng mga mag-aaral na nagnanais na maging entrepreneur sa hinaharap.

LAYUNIN

Natatalakay ang katangian ng isang entrepreneur

PAGBALIK-ARALAN MO

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwadernong sagutan.
1. Ano ang entrepreneur?
2. Ano ang entrepreneurship?
3. Ano ang kahalagahan ng entrepreneurship?

PAG-ARALAN MO
Katangian ng isang Entrepreneur

1. Kakayahang Makipagsapalaran
Ang isang entrepreneur ay nagsasagawa muna ng malalim at masidhiing pag-aaral at
pagsusuri tungkol sa mga oportunidad at panganib na maaring mangyare sa negosyo.

2. Pagnanais na Makipagkompetensya
Ito ay paghahangad na makalahok sa mga kompetetibong larangan upang mailapat ang
mga makabago at malikhaing ideya.

3. Pagiging Malikhain
Napakalaking kontribusyon sa pagnenegosyo ang pagiging malikhain ng mga entrepuer
para sa kanilang produkto at serbisyo. Ito ay malaking kalamangan ng isang entrepreneur
laban sa iba pang entrepreneur.
4. Kakayahang Magpatupad ng mga inobasyon
Ang isang entrepreneur ay di tumitigil at bagkus ay patuloy na tumutuklas ng mga
makabagong ideya o kaisipan upang makapaghatid ng makabuluhan at mahusay na produkto
sa mga mamimili.

5. Kakayahang Makatayo sa Sariling Paa


Ang isang entrepreneur ay nararapat na magkaroon ng paninindigan sa pagsulong sa
pagbabago. Ito ang siyang maaring magtutulak sa kanya upang linangin ang kanilang pagiging
malaya sa mga bagay.

6. Kakayahang Maka-angkop sa Stress


Hindi bago sa isang entrepreneur na makaranas ng stress mula sa mga pang araw-araw
na gawain na mayroong taglay na pagsubok. Nararapat sa isang entrepreneur na harapin ng
tama at magkaroon ng solusyon kaugnay dito.
7. Kakayahang Gawaing Kasiya-siya ang Trabaho
Nararapat na maipakita ng isang entrepreneur ang kasiyahan, kawilihan, at kasiglahan
gaano man kahirap ang isang gawain sapagkat ito ay sasalamin sa produkto o serbsiyong
ginagawa o isinasagawa.

8. Masidhing Pagsusumikap
Ito ay mahalagang sangkap sa isang entrepreneur. Dito nakabatay ang husay na
ipapamalas ng isang entrepreneur. Ang entrepreneur na tamad at walang pagpapahalaga ay
walang kahihinatnan o walang mararating.

9. May kababaan ng loob


Ang pagiging mapagkumbaba ay dapat ipinapamalas anuman ang kalagayan o sitwasyon sa
buhay. Ito ay ginagawa ng buo at bukal sa puso.

10. Kakayahang Magtiwala sa Sarili


Ang pagkakaroon ng positibong pananaw ay magandang katangian sa kabila ng kabiguan sa
negosyo. Magkaroon ng tiwala sa sarili na mulit itong maibabangon at ang lahat ay maisasaayos
din.

11. Pagiging Matulungin


Ang pagiging matulungin sa ibang tao ay taliwas sa pagiging madamot at kaugnay naman
ng pagiging malasakit. Ito ay maaring ipakita sa mga manggagawa o tauhan sa negosyo.

12. Kakayahang Mapagtanto ang isang Pagkakataon


Ang isang entrepreneur ay nararapat na magkaroon ng kakayahan o kaalaman sa angkop
na produkto at serbisyo para sa isang lugar sa tamang halaga at panahon.

13. Paghingi ng feedback


Ang isang entrepreneur ay bukas sa pagtatanggap ng mga puna sa pagpapabuti ng
kanyang produkto at serbisyo mula sa panlasa, interes, pangangailangan, at kagustuhan ng mga
mamimili.
PAGSANAYAN MO

A. Pumili ng tatlong katangian ng isang entrepreneur. Magbigay ng halimbawang


sitwasyon na maaaring maipakita ang mga katangian na iyong napili.

B. Isulat ang katangian ng entrepreneur na inilalarawan sa bawat bilang.


1. Isang kilalang entrepreneur ang lumapit kay Skyler upang magbigay puna
kaugnay sa kanyang produkto at bukas itong tinanggap ni Skyler at agad na sinunod.
2. Tanyag na tanyag si Troy bilang entrepreneur sa kanilang komunidad ngunit
hindi niya ito ginagamit upang manlamang ng kapwa.
3. Maagang gumising si Edward upang i-check ang kanyang mga produkto.
4. Nagsasaliksik si Anna kung anong magandang pagbabago ang maari niyang
mailapat o maidagdag sa kanyang parlor upang tangkilikin pa rin siya ng kanyang mga
suki.
5. Naisip ni Jake na magtinda ng mga school supplies sapagkat katapat lamang
niya ang isang pampublikong paaralan.
TANDAAN MO

Para sa mabungang pagnenegosyo, marapat na taglayin ang mga katangian ng isang


mahusay na entrepreneur. Isa rito ang makapagbigay-saya sa mga mamimili kapag sila ay
nasiyahan sa iyong produkot at serbisyo. Dadami ang tatangkilik dito.

ISAPUSO MO

1. Alin sa mga katangian ng isang entrepreneur ang taglay mo?


2. Paano mo ito nagagamit sa pang araw araw-araw mong buhay?
3. Magbigay ng mga sitwasyon sa iyong buhay na nailalapat mo ang mga katangian
ng isang entrepreneur?

GAWIN MO

Maghanap ng matagumpay na entrepreneur sa iyong barangay. Kapanayamin ito at


itanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang iyong negosyo? Tungkol saan ito?
b. Paano ito nakakatulong sa mga mamimili?
c. Paano ninyo narrating at nalasap ang tagumpay? Ano ang susi sa tagumpay?
d. Sa iyong palagay, anu-anong katangian ang dapat taglayin ng isang entrepreneur upang
maging matagumpay? Anu-ano ang dapat iwasan?
e. Ano ang mensahe mo para sa mga nagsisimula pa lamang sa negosyo?

PAGTATAYA

Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng katangian ng isang


entrepreneur at ekis (x) kung hindi.
_____ 1. Sinisigaw-sigawan ni Ed ang kanyang mga tauhan kapag nagkakamali ang mga ito.
_____ 2. Nagtanim ng galit si Flora sa kangyang kaibigan matapos matanggap ang feedback
nito kaugnay sa kanyang produkto.
_____ 3. Hindi tumagal sa pag-aaral, pagsasaliksik, at pagsusurvey si Fe upang higit na
makapagbigay ng maayos na serbisyo sa kanyang mga customer.
_____ 4. Mabilis na nawalan ng gana si Jake sa kanyang negosyo dahil sa unti unting paghina
hanggang sa pagkawala ng mga customer kaya nakapagdesisyon siyang itigil na ito.
_____ 5. Hindi tinanggap ni Jerome ang mungkahi ng kanyang kaibigan na magtayo ng
computer shop sa kanilang lugar sapagkat naisip niyang halos lahat ng bahay sa kanilang lugar
ay mayroon ng internet connection.
ANG IBAT-IBANG URI NG NEGOSYO

NILALAMAN

Sa modyul na ito, Tatalakayin ang iba’t ibang uri ng negosyo na maaring pasukin ninuman.

LAYUNIN

Naisa-isa ang uri ng negosyo sapamayanan.

PAGHAHABI SA LAYUNIN

1. Anu-anong negosyo ang matatagpuan sa inyong pamayanan?


2. Anu-anong produkto ang mabibili rito?
3. Anong serbisyo ang ibinibigay nito sa mga mamamayan?

PAG-ARALAN MO

Iba’t –ibang uri ng negosyo.

a. Negosyong Pangteknolohiya
Halimbawa nito ay ang mga computer shop, pagbebenta ng mga cellphone at iba pang
gadgets, pagkukumpuni ng mga sirang gadgets

b. Negosyo sa Pagkain
Halimbawa nito ay ang restaurant at karinderya

c. Negosyong Konstruksyon
Halimbawa nito ay ang pagtitinda ng mga materyales para sa pagpapatayo ng mga
bahay at gusali.

d. Negosyong Sari-sari Store


Halimbawa nito ay ang pagtitinda ng mga pangunahing pangangailangan ng mga
mamamayan tulad ng mga produktong ginagamit sa katawan, bahay, at paaralan.

e. Negosyo ng Pagtitinda ng mga Souvenir Items


Karaniwan itong makikita sa mga resorts na patok sa mga turista.
f. Negosyo na Nagbibigay Serbisyo
Halimbawa nito ay ang mga barbershop, beauty parlor, carwash, at iba pa.
PAGSANAYAN MO

A. Pumili ng isa sa mga uri ng negosyo. Gawan ito ng komiks na nagpapakita ng pangyayari,
pamamaraan ng pakikitungo, at serbisyong ibinibigay sa mga customer.

B. Itala ang serbisyo o produktong maaring ibigay sa mga customer ng bawat uri ng
negosyo.

Uri ng Negosyo Ano-anong mga serbisyo ang iniaalok?

Jeremy’s Beauty Parlor a.________________


b.________________
c.________________
TONIO’S Pagawaan ng Sapatos at Payong a.________________
b.________________
c.________________
Ate Nenengs’s Eatery a.________________
b.________________
c.________________
Sonya’s Sari-sari Store a.________________
b.________________
c.________________

Piso Print Computer Shop a.________________


b.________________
c.________________

TANDAAN MO

Ang pangunahing gawain ng negosyong nagbibigay serbisyong may personal touch ay


ang pagbibigay ng komportable at kasiya-siyang paglilingkod.

ISAPUSO MO

Aling uri ng negosyo ang patok sa inyong pamayanan? Bakit Kaya?


Aling uri ng negosyo ang hindi patok sa inyong pamayanan? Bakit kaya?
Dapat bang magsagawa ng survey bago magtayo ng negosyo? Bakit?
GAWIN MO

Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik T kung tama at M kung Mali. Isulat ang
sagot sa kuwaderno.

_____1. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch, basta nasisilbihan ang mga
mamimili.
_____2. Lahat ng mamimili ay dapat koportable at nasisiyahan sa serbisyo.
_____3. Kailangan sa negosyo ang pagbibigay ng serbisyong mabilis at nasa tamang oras.
_____4. Matulungin, nagsasabi ng totoo, napagkakatiwalaan, at mabilis na serbisyo ang
inaasahan sa mga empleyadong nasa negosyong panserbisyo.
_____5. Kahit sa anong klaseng negosyo, ang advertisement o komersiyal ang
pinakaimportante para ipabatid sa madla ang tungkol sa negosyo.

PAGTATAYA

Tukuyin ang uri ng negosyo na dapat puntahan ayon sa mga sumusunod na


pangangailangan. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Pagpapagupit ng buhok A. Hawk’s Gasoline Station

2. Pagbili ng asukal at kape B. Jenny’s Beauty Parlor

3. Paghahanap ng masarap na C. Mang Greg’s Talyer


makakainan
D. Ineng’s Sari-sari Store
4. Pagpapaayos ng sasakyan
E. Spaghetti House
5. Pagpapalagay ng gasoline.
Panuntunan sa paggamit ng Computer, Internet, at Email

NILALAMAN

Sa Modyul na ito, tatalakayin natin ang panuntunan sa paggamit ng computer, internet,


at emai.

LAYUNIN

Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet, at email.

PAGHAHABI SA LAYUNIN

Anu-anong makabagong teknolohiya ang matatagpuan sa inyong tahanan na nagagamit


mo sa inyong pag-aaral?
Paano ito nakakatulong sa iyong pag-aaral?
Alam mo ba ang wastong paggamit ng computer, internet, at email?

PAG-ARALAN MO

Panuntunan sa paggamit ng Computer, Internet, at Email

a. Magkaroon lamang ng takdang oras kung hanggang kalian maaring gumamit ng computer at
internet.
b. Piliin lamang ang mga website na maaaring puntahan para sa iyong edukasyon.
c. Mag-install ng internet content filter o magpatulong sa nakakatanda upang masala ang mga
kapaki-pakinabang na impormasyon na maaring madownload o Mabasa.
d. Makipag-ugnayan o makipagchat lamang sa mga taong lubos na kakilala.
e. Sundin ang wastong paggamit ng mga Social Networking Sites, Email at Instant Messaging.
f. Huwag pupunta sa mga sites na mayroong malalaswang impormasyon, grapiko, o video.
g. Gamitin ang computer at internet sa paaralan para sa layuning pang edukasyon lamang.
h. Iwasan ang pagkain o pag-inom sa loob ng computer laboratory.
i. Iwasang magbigay o maglathala ng mga personal na impormasyon sa ibang tao tulad ng email
address, contact number, at tirahan gamit ang computer, internet, at email.
j. Gumamit lamang ng mga ligtas na search engine sa internet.
k. Gumamit ng password na mahirap hulaan at di madaling ma-access ng iba.
l. Huwag ipamimigay ang password kaninuman maliban sa mga magulang.
m. Siguraduhing naka log-out sa mga sites na iyong binuksan.
n. I-shutdown ang computer kung tapos na itong gamitin.
PAGSANAYAN MO

A. Isulat ang tama o mali ayon sa ipinahahayag sa bawat bilang.

______1. Maaring gumamit ng facebook at messenger kung hindi nakatingin ang guro.
______2. Ibigay ang password ng email sa katabing kaklase upang ma-access niya ito
kung ikaw ay liliban.
______3. Iwasan ang pakikipagchat sa mga taong di lubos na kakilala.
______4. Ibigay sa magulang ang email address at password.
______5. Magkaroon lamang ng takdang oras sa paggamit ng computer.
______6. Ilagay ang pagkain at inumin malayo sa computer.
______7. Pumasok sa isang chat room at makipagchat sa mga taong nakaonline.
______8. Iwasang mag log-out sa mga sites na iyong pinuntahan upang di ka na mag
log-in sa susunod na buksan mo muli ito.
______9. Isapubliko ang iyong email address at contact number upang madali kang
matunton ng sinuman.
_____10. Maaring gamitin ang video chat para sa mga kamag-anak na malayo na nais
mong makita.

B. Itala sa graphic organizer ang panganib na dulot ng maling paggamit ng computer,


internet, at email.
TANDAAN MO

Maging ligtas sa paggamit ng computer, email, at internet. Sundin ang mga panuntunan sa
wastong paggamit nito.

ISAPUSO MO

1. Mayroon ba kayong computer at internet connection sa bahay?


2. Ilang oras ka kung gumamit ng mga ito?
3. Mayroon ka bang email address? Saan mo ito ginagamit?
4. Mayroon ka bang account sa facebook at messenger?
5. Sinu-sino ang mga nakakachat mo roon?

GAWIN MO

1. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaring maging epekto sa iyo ng sobrang paggamit
ng computer at internet (facebook, messenger, online games)? Itala ang sagot sa kwaderno.
a.
b.
c.
d.
e.
Ano ang maaaring epekto ng paglalantad ng password at iba pang mahalagang
impormasyon kaugnay sa iyong email address?

PAGTATAYA

Sa sariling salita, bumuo ng tig dadalawang patakaran sa paggamit ng computer,


internet, at email.

Patakaran sa Paggamit ng Computer


1.____________________________________
2.____________________________________

Patakaran sa Paggamit ng Internet


1.____________________________________
2.____________________________________

Patakaran sa Paggamit ng Email


1.____________________________________
2.____________________________________
Ang Mga Panganib na Dulot ng Malware at
Computer Virus

NILALAMAN

Malaki ang pakinabang sa atin ng paggamit ng internet. Sa pag-aaral, nagagamit natin


ito sa pagsasaliksik ng mga impormasyon sa paksang-aralin. Nakakapagpalitan tayo ng mga
mensahe at nakakukuha ng mga larawan, awitin, video, at iba pang bagay na nagagamit sa
pag-aaral. Subalit may panganib na kaakibat ang patuloy na paggamit ng internet. Isa na rito
ang pagkalat ng malware at computer virus. Mahalagang malaman kung ano ang mga ito.
Paano kumakalat at paano ito maiiwasan

LAYUNIN

1. Nabibigyang kahulugan ang malware at computer virus


2. Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at virus
3. Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng computer virus
4. Naiisa-isa ang mga paraan kung paano maiwasan at matatanggal ang malware at computer virus

PAGHAHABI SA LAYUNIN

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Naranasan mo na bang magkasakit tulad ng sipon o ubo?
2. Paano mo ito nakuha? Nahawa ka lang ba?
3. Ano ang iyong pakiramdam nang magkaroon nito?
4. Paano ka gumaling sa iyong sakit?
5. Paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng sipon at ubo?

PAG-ARALAN MO

Nagkakasakit din ang computer tulad ng tao. Kung paanong nagkakasakit ang tao nang dahil
sa virus, gayundin ang computer. Tinatawag itong computer virus at malware.
Naranasan mo na ba ang biglang pagbagal o pag-restart ng iyong computer o laptop? Ano
ang ginawa mo? Ano kaya ang posibleng dahilan nito? Ang iyong computer ay maaaring mayroong
virus at malware.

Ano ang Computer Malware?

Ang malware o malicious software ay idinisenyo upang makasira ng computer. Sa


pamamagitan ng malware, maaaring ilegal na makuha ang sensitibong impormasyon mula sa
computer. Ang mga halimbawa ng malware ay virus, worm, o trojan.

Ilang Karaniwang Uri ng Malware

virus Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba


pa. Mas matindi ito kaysa sa worm. Halimbawa nito ay W32 SFCLMOD.
worm Isang nakapipinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya
ng sarili nito sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network.
Halimbawa: W32 SillyFDCBBY, W32Trresba.
spyware Malware na nangongolekta ng impormasyon spyware mula sa mga tao nang
hindi nila alam.
adware Software na awtimatikong nagpe-play, nagpapakita, o nagda-download ng
mga anunsiyo o advertisement sa computer.
keyloggers Malware na nagtatala ng lahat ng mga pinindot sa keyboard keystrokes at
ipinadadala ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password at
personal na data ng mga biktima.
dialers Software na may kakayahang tumawagsa mga telepono gamit ang computer
kung ang dial-up modem ang gamit na internet connection.
trojan horse Isang mapanirang program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na
application ngunit pinipinsala ang iyong computer. Nakukuha nito ang iyong
mahahalagang impormasyon pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa:
JS Debeski Trojan.
Maaaring makuha ng ibang tao ang mahahalagang impormasyon sa iyo at sa iyong pamilya na
maaaring pagmulan ng panganib sa inyong seguridad. Isa na rito ang pagpapakalat ng iyong
larawan na mayroong maling inpormasyon, identity theft o paggamit ng ibang tao ng iyong
impormasyon para sa paggawa ng krimen. Dulot din ng mga di kanais-nais na mga software na ito
ang tuluyang pagkasira ng mahahalagang files na naka-save sa iyong computer at tuluyang
pagkasira ng paggana nito.

Paano maiiwasan ang malware?


a. Panatilihing napapanahon ang iyogn computer at software
b. Gumamit ng account na hindi pang-administrator sa tuwing possible
c. Magdalawang-isip bago mag click ng mga link o mag-download ng kahit ano.
d. Mag-ingat sa pagbubukas ng mga attachment o larawan sa email.
e. Huwag magtiwala sa mga pop-up na window na humihiling sa iyong mag-download
ng software.
f. Limitahan ang pagbabahagi mo ng file
g. Gumamit ng antivirus software

Ano ang computer virus?

Ang computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang makapanira ng mga lehitimong
aplikasyon o iba pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit at nagpaparami ng sarili.
Karaniwan itong pumapasok sa mga computer nang walang pahintulot mula sa gumagamit o user.

Paano ba malalaman na ang isang kompyuter ay may virus?


Basahin at pag-aralan ang ilang paraan sa pagtukoy na may virus ang computer
PAGSANAYAN MO

A. Maglagay ng check (/) kung ang pahayag ay mabuting gawin upang maiwasan ang
pagkakaroon ng computer virus/malware. Ekis (x) naman kung hindi ito nararapat gawin.

B. Punan ang diagram ng mga panganib na dulot ng mga dikanais-nais na software


tulad ng virus at malware.
Panganib na dulot ng mga software tulad
ng virus at malware

C. Bakit dapat tayong maging alerto at mayroong kaalaman kaugnay nito?

_____________________________________________________________________________
TANDAAN MO

Mahalaga ang kaalaman at kasanayan tungkol sa malware at virus sa kompyuter. Ang


paglalagay ng anti-virus software at regular na pag-i-iscan ng mga dokumento at pagbubukas
lamang ng websites na kapaki-pakinabang ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkalat
ng malware at virus sa ating kompyuter.

ISAPUSO MO

1. Mayroon ka bang computer o laptop?


2. Kailan mo ito huling na-scan? Anong antivirus software ang iyong gamit?
3. Maaari bang malagay sa alanganin ang iyong seguridad dulot ng mga di kanais-nais na
software? Paano?

GAWIN MO

Maghanap ng balita sa internet tugkol sa virus o malware na kumalat.


Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Anong virus ang isinasaad sa balita?


b. Sinu-sino ang naapektuhan?
c. Paano ito nakaapekto?
d. Paano ito nasolusyunan?
e. Ano ang reaksyon/ opinyon mo kaugnay ditto?

PAGTATAYA

Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.

_____1. Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat-lipat sa mga document o files sa loob ng
computer.
_____2. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan na may virus ito.
_____3. Ang worm ay isang malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang
hindi nila nalalaman.
_____4. Ang malware ay anumang uri ng software na idinisenyo upang manira ng sistema ng
computer.
_____5. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa na nagkukunwaring isang
kapakipakinabang na aplikasyon.
Paggamit ng Computer, Internet,
at Email sa Ligtas at Responsableng pamamaraan
NILALAMAN

Tatalakayin sa modyul na ito ang kahulugan at kahalagahan ng Information and Communication


Technology (ICT). Dito, ipaliliwanag ang mga dapat isaalang-alang para sa ligtas at responsableng
paggamit ng computer, internet, at email.

LAYUNIN

1. Nabibigyang-kahulugan ang ICT at ang kahalagahan nito

2. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet, at email

3. Nakabubuo ng mga patakaran na dapat sundin sa ligtas at responsableng paggamit


ng computer, internet, at email

PAGHAHABI NG LAYUNIN

Bago simulan ang gawain, subukin mong gawin ang sumusunod. Maglagay ng tsek (/) sa
hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.

Kasanayan sa Ligtas at Responsableng Paggamit ng


Computer, Internet, at Email
1. Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan ng computer.

2. Nakauupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa tuwing gumagamit ng


computer
3. Nakakasaliksik ng impormasyon sa mga sites sa internet.

4. Natutukoy ang mga panganib na dulot ng paggamit


ng Internet at nakaiiwas dito.
5. Nakapagse-share o nagpapamahagi ng files sa mga kamag-aral upang
makatulong sa paggawa ng takdang-aralin
6. Nakasusunod sa mga gabay na pinagkasunduan sa responsableng
paggamit ng computer, internet, at email
PAG-ARALAN MO

Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan, kasangkapan, at


teknolohiya na tumutulong sa mga tao upang makakuha ng impormasyon, maproseso ito,
maitago, at maibahagi. Itinuturing din itong Sining at Agham ng pagtatala (recording), pag-
iingat (storage), pagsasaayos (organizing) pakikipagpalitan (exchange), at pagpapalaganap ng
impormasyon (information dissemination).
Kasiya-siyang gawain ang paggamit ng computer, internet, at email.

Ngunit, may kalakip na mga salik ang paggamit ng mga ito. Ang ilan sa mga ito ay:

Exposure o pagkalantad ng mga di-naaangkop na materyales.


- Maaari kang makakita ng materyales na tahasang seksuwal,
marahas, at ipinagbabawal o ilegal.

Viruses, Adware, at Spyware


- Maaaring makakuha ng mga virus sa paggamit ng Internet na
maaaring makapinsala sa mga files at memory ng computer at
makasira sa maayos nitong paggana.

Paniligalig at Pananakot o Harassment at Cyber bullying


-Maaari ka ring makaranas ng cyber bullying o malagay sa
peligro dahil sa pakikipagugnayan sa mga hindi kakilala.

Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan o Identity Theft


-Ang naibahagi mong personal na impormasyon ay gamitin ng
ibang tao sa paggawa ng krimen. Maaaring ding makuha ang
impormasyon na hindi mo nalalaman o binibigyang pahintulot.
Ito ang tinatawag na identity theft o fraud.

Ang ilan sa mga kasiya-siya at tamang pamamaraan sa paggamit ng computer, internet, at


email ay ang sumusunod:

• Tiyakin/itakda kung aling websites ang maaaring bisitahin at kung gaano katagal maaaring
gumamit ng kompyuter, internet at email.

• Magpa-install o magpalagay ng internet content filter. Magagamit ito upang ang


kapakipakinabang na nilalaman lamang ang mababasa at maida-download gamit ang Internet

• Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala o kaibigan tuwing online. Sundin ang tamang gabay
na itinakda sa paggamit ng mga social networking, instant messaging, email, online gaming, at
webcam.
PAGSANAYAN MO

A. Isulat sa graphic organizer sa ibaba ang mahahalagang alalahanin para sa ligtas at


responsableng paggamit ng internet.

B. Gumawa ng tigtatlong patakaran para sa sumusunod.

Patakaran sa Paggamit ng Patakaran sa Paggamit ng Patakaran sa Paggamit ng


Computer Internet Email
TANDAAN MO

Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang paggamit ng kagamitan at pasilidad


sa Information and Communication Technology (ICT) katulad ng computer, email, at internet.

ISAPUSO MO

Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalangalang sa paggamit ng computer.

1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:


a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom

2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang dapat mong
gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag kana niyang padalhan ng hindi
naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.

3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
a.Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko.
b.Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para makipag-
ugnayan sa aking mga kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga pinayagang
websites kung may pahintulot ng guro.
4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o
address, dapat mong:
a. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang nagawin ito.
b . i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng Facebook, upang
makita ninuman.
c. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo batid kung kanino ka
nakikipag-ugnayan.

5. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na


sa iyong palagay ay hindi naangkop, ano ang dapat
mong gawin?
a. Huwag pansinin. Balewalain.
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda.
GAWIN MO

A: Tseklist sa Tamang Posisyon sa Paggamit ng Computer

Gayahin ang posisyon ng


mag-aaral sa larawan.
Nagpapakita ito ng wastong
posisyon ng bawat bahagi
ng katawan sa gagamit ng
computer.

Gamit ang tseklist upang,


tiyakin kung umaayon ang
mga ito sa pamantayan ng
tamang paggamit ng
computer:

Isagawa ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng icon na napili.

PAMANTAYAN SA TAMANG PAGGAMIT NG COMPUTER

1. May sandalan ang upuan at maaaring i-adjust ang taas nito.

2. Habang nagta-type,mas mababa nang kaunti ang keyboard sa kamay.

3. Bahagyang nakaangat ang kabilang dulo ng keyboard.

4. Nakaupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa.

5. Tama lang at hindi masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa mouse


at naiki-click ito nang mabilis.
6. Walang liwanag na nakatapat sa screen ng monitor.

7. Tinaasan o binabaan ang liwanag o brightness ng monitor hanggang sa


maging komportable na ito sa iyong paningin.
PAGTATAYA

A. Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.

______1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang


paggamit ng mga ICT equipment at gadgets.

______2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw.

______3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo gamit ang


Internet.

______4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo naiintindihan.

______5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong
liliban ka sa klase
Paggamit ng computer at Internet bilang mapagkukunan ng
iba’t ibang uri ng impormasyon

NILALAMAN

Naranasan mo na bang magsaliksik o mangolekta ng impormasyon? Bukod sa mga libro,


magasin, diksiyonaryo, at iba pa, maaari din tayong gumamit ng Information and Communications
Technology (ICT) para rito. Malaking tulong ang internet sa pagsaliksik tungkol sa iba’t ibang paksa.
Makatutulong sa iyo ang modyul na ito upang lubos na maunawaan ang konsepto ng computer,
internet, at ICT, at kung paano magagamit ang mga ito sa iyong pananaliksik.

LAYUNIN

1. Naipaliliwanag ang kaalaman tungkol sa computer, Internet, at ICT


2. Naiintindihan ang mga kapakinabangan ng ICT
3. Napahahalagahan ang ICT sa pangangalap ng impormasyon.

PANIMULANG PAGTATASA

Kilalanin ang mga bagay na sumusunod. Paano nakatutulong ang mga ito sa atin?

Mga halimbawa ng ICT ang mga nasa larawan. Bawat isa ay makatutulong sa atin upang mapabilis ang
pangangalap at pagproseso ng impormasyon at upang maging mas malawak at mabilis ang
komunikasyon.
PAG-ARALAN MO

Ano ang Computer, Internet, at Information and Communications Technology (ICT)?


Ang Computer, Internet, at ICT
Ang computer ay isang kagamitang tumutulong sa atin sa pagproseso ng datos o
impormasyon. Maaari itong gamitin bilang imbakan ng mahahalagang dokumento na nasa
anyong elektroniko o soft copy. May maliliit na computer gaya ng personal computers, laptops,
tablets, at mayroon namang mainframe computers na ginagamit ng malalaking kompanya.

Web browser Search engine

Ang mga computer sa inyong paaralan, maging sa ibang organisasyon, kompanya o


ahensiya ng gobyerno, ay maaaring naka-network. Ang mga computer networks na ito ay maaaring
magkakaugnay at bumubuo ng isang pandaigdigang computer network. Ito ang tinatawag nating
internet – ang malawak na ugnayan ng mga computer network sa buong mundo. Binubuo ang
Internet ng maraming networks na pampribado, pampubliko, pangkomersiyo, pampaaralan, o
pangpamahalaan.

Ang Information and Communications Technology o ICT ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng
teknolohiya na ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-imbak, lumikha, at
magbahagi ng mga impormasyon. Ilan sa halimbawa ng ICT ang radyo, telebisyon, smart phones,
computer, at internet. Paano makatutulong ang mga makabagong teknolohiyang ito sa
pangangalap ng iba’t ibang uri ng impormasyon? Sa pangangalap ng impormasyon sa internet,
gumagamit tayo ng mga web browser gaya ng Internet Explorer, Mozilla Firefox, at Google
Chrome. Mga search engine sites naman tulad ng Google o Yahoo ang binabasa natin upang mas
mapadali ang pangangalap ng impormasyon. Kailangan lamang i-type ang mga salita o keywords
na tumutukoy sa paksang nais nating saliksikin at ibibigay na sa atin ng search engine ang mga
kawing o links sa mga website na maaaring may kinalaman sa ating sinasaliksik. Napakaraming
uri ng impormasyong maaaring makuha sa internet, gaya ng teksto, musika, video, at animation.
MGA KAPAKINABANGAN NG ICT

1. Mas mabilis na komunikasyon – Ang mga mobile phone, webcam, at instant messaging
applications ay ilan lamang sa produktong ICT na tumutulong para sa mas mabilis at mas
malawak na komunikasyon.
2. Maraming trabaho – Nagbukas din ang ICT ng maraming oportunidad para sa tao upang
magkaroon ng hanapbuhay tulad ng pagiging computer programmer, web designer, graphic
artist, encoder, at technician.
3. Maunlad na komersiyo – Malaki rin ang ginagampanan ng ICT upang mas mapaunlad
ang pangangalakal. Tinatawag na e-commerce ang pagbebenta at pagbili ng kalakal sa
tulong ng internet.
4. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon – Ngayong tayo ay nasa
Information Age, isang mahalagang kasanayan ang matalinong pagsusuri at pangangalap
ng makabuluhang impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya.

PAGSANAYAN MO

A. Hands on Activity
1. Buksan ang computer/laptop/phone
2. I-click ang google chrome
3. I-type ang www.google.com
Magsaliksik ng napapanahong balita. I print ito.

B. Magsulat ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng Teknolohiya sa Impormasyon


at Komunikasyon o ICT sa pangangalap ng mga makabuluhang impormasyon.
TANDAAN MO

Nakatutulong sa ating pakikipag-ugnayan sa iba ang ICT. Ang computer at internet,


halimbawa, ay naglalayong gawing mas mabilis at mas malawak ang ating komunikasyon sa
iba.

ISAPUSO MO

1. Anu-ano ang karaniwang uri ng impormasyon ang iyong kinakalap gamit ang computer at
internet?
2. Mahalaga ba ang computer at internet sa iyong pag-aaral? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.

GAWIN MO

Gumawa ng picture collage na nagpapakita ng kahalagahan ng ICT gamit ang mga


lumang diyaryo, brochure, o magasin.

PAGTATAYA

Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng


tamang sagot.
Hanay A
Hanay B
1. electronic device na ginagamit upang mas mabilis
na makapagproseso ng datos o impormasyon.
a. Internet
2. isang malawak na ugnayan ng mga computer
b. Computer
network na maaaring gamitin ng publiko sa buong
mundo.
c. Smartphone
3. tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya, gaya ng
radyo, telebisyon, telepono, smartphones, computer,
d. ICT
at internet.
e. Komunikasyon
4. halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba sa
simpleng mobile phone na maaari ding makatulong sa
f. network
iyo sa pangangalap at pagproseso ng impormasyon.

5. napabilis ito sa tulong ng ICT.


PAGGAMIT NG COMPUTER FILE SYSTEM

NILALAMAN

Paano mo iniingatan ang iyong mga gamit sa paaralan?Mayroon ka bang lalagyan para sa
mga ito? Katulad ng mga gamit natin, dapat naisasaayos din nang mabuti ang computer files.
Ang modyul na ito ay naglalayong bigyan ka ng kaalaman at kasanayan tungkol sa computer
file system.

LAYUNIN

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng computer file system


2. Nalalaman ang mga bahagi ng isang computer file system
3. Nakagagamit ng computer file system sa pagsasaayos at pag-save ng files sa computer

PAGHAHABI SA LAYUNIN

Tingnan ang larawan at basahin ang susunod na talata

Ang Masinop na si Martha

Masinop na mag-aaral si Martha. May kani-kaniyang lalagyan ang lahat ng kaniyang gamit
sa pag-aaral. Maayos na nakalagay sa kaniyang mesa ang kaniyang mga aklat. Mayroon din
siyang kahon para sa kaniyang mga gamit na panulat, pangguhit, pangkulay, at iba pa.

Sagutin ang mga tanong:


• Paano naisasaayos nang mabuti ni Martha ang kaniyang mga gamit sa pag-aaral?
• Bakit mahalaga ang maging masinop sa mga gamit at papeles sa pag-aaral?
• Paano naman kaya maisasaayos ang files sa computer?
PAG-ARALAN MO

Ang Computer File System

Ang computer file system ay ang pagsasaayos ng files at datos sa computer sa


paraan na madali itong mahanap at ma-access. Ang mga hard disk, CD-ROM/DVD-ROM, flash
drives, at iba pa, ay mga storage devices o imbakan na maaaring gamitin upang maingatan ang
kopya ng mga files.

Mga soft copy ng files ang inaayos at iniimbak sa computer file system. Tandaan na may
dalawang uri ng files – ang soft copy at ang hard copy.

Soft copy – ito ang mga elektronikong files na


mabubuksan gamit ang computer at application software.
Maaari itong maging word document, spreadsheet,
presentation, mga litrato, at mga audio at video file

Hard copy – Ito ang dokumento o imaheng nakasulat o


nakaimprenta sa papel.

Lahat ng files sa ating computer ay may filename. Ang filename ay ang pangalan na
ginagamit upang madaling malaman ang isang computer file na naka-save sa computer. Kung tayo
ang gagawa ng dokumento, dapat bigyan ng makabuluhang filename ang isang dokumento.
Ang mga file ay maaaring i-save sa mga folder at sub-folder. Naisasaayos ang pag-save ng
file at napapadali ang paghahanap kung kakailanganin itong muli. Ang computer file address ang
kumpletong pathway kung saan makikita ang naka-save na file. Ito ay binubuo ng sumusunod na
bahagi:

• Device – Ito ang hardware device o drive (local disk, Universal Serial Bus - USB flash drive,
atbp.) kung saan naka-save ang file.

• Directory o folders – Ito ay partikular na lalagyan ng mga files. Maaari itong magkaroon ng
mga subfolders, base sa uri ng file.

• Filename – ang natatanging pangalan ng isang computer file.

• File extension – tumutukoy sa uri ng computer file, halimbawa: Microsoft Word file (.doc
o .docx), Microsoft Excel file (.xls o .xlsx) at Microsoft PowerPoint Presentation (.ppt o .pptx).
Mga Uri ng Files
May iba’t ibang uri ng files na maaaring i-save sa computer:
a. Document files – Ito ang mga file na ginagawa sa MS Word, electronic spreadsheets, MS
Publisher, at iba pang productivity tools);
b. Image files – Ito ay mga file na naglalaman ng mga larawan
c. Audio files – Ito ay file na naglalaman nh audio. Ang mga halimbawa nito ay kanta o musika.
d. Video files – Ito ay ang file na naglalaman ng mga video. Ang mga halimbawa nito ay mga
movie na nakasave sa computer.
e. Program files- Ito ay ang mga files na naglalaman ng mga software o mga pang install ng mga
application sa computer.).

PAGSANAYAN MO

Gawain A: Paggawa ng Folder


1. I-on ang iyong computer.
2. I-click ang start button na makikita sa taskbar at piliin ang Documents.

3. Katulad nito ang makikita kapag binuksan ang documents folder:

1
4. I-click ang Organize button na makikita sa toolbar sa itaas, at kaliwa ng screen.

5. I-click ang New Folder. Pansinin na magkakaroon ng bagong folder. Kung di mo makita ang
Organize button, i-click ang New Folder na makikita malapit sa Organize button.

6. I-type sa kahon sa ilalim ng folder ang iyong pangalan. Ito ang magiging folder name.
Halimbawa: Abel A. Antonio

7. I-press ang Enter sa keyboard.


Mayroon ka na ngayong folder kung saan puwede kang magsave ng files.

Gawain B: Paggawa ng Subfolder


1. Buksan ang ginawang folder sa pamamagitan ng
double click o pag-click dito nang dalawang beses.

2. Gawin ang hakbang 4-5 sa Gawain A upang


makagawa ng isang subfolder sa loob ng folder na
una mong ginawa.

3. Tingnan na magkakaroon muli ng bagong folder. I-


type ang Mga Gawain bilang pangalan nito.

4. I-press ang Enter sa keyboard. Ngayon, mayroon


ka nang subfolder sa loob ng iyong folder.
Makatutulong ang folders at subfolders upang
madaling mahanap ang mga nai-save na files.
Gumawa ng isa pang folder sa loob ng unang folder na ginawa. Sundan ang mga hakbang na
nabanggit sa itaas. Pangalanan itong Mga Larawan. Magkakaroon ka ng dalawang subfolders sa
loob ng iyong main folder (maaaring nakapangalan iyo o sa iyong pangkat).
1
Gawain C: Pag-Copy at Paste ng File sa Folder
Sundan ang sumusunod na proseso sa pag-copy at paste ng file sa iyong folder.

1. I-click ang Start button na


makikita sa taskbar.
2. I-click ang Pictures folder

3. Bubukas ang Pictures folder. Pumili ng larawan sa Sample Pictures folder.

4. I-click ang Organize button na makikita sa menu bar ng folder.

5. Piliin ang Copy. Ginagamit ang Copy command upang gumawa ng iba pang kopya ang isang
file.
6. Buksan ang folder na Mga Larawan na ginawa mo sa Gawain B sa loob ng iyong main folder. I-
click muli ang Organize sa Menu bar at piliin ang Paste. Ang Paste command ay ginagamit upang
ilagay ang kinopyang file sa folder na nais mong paglagyan.

7. Magkakaroon ngayon ng kopya ng larawan sa loob ng subfolder na Mga Larawan.

Gawain D: Pag-Delete ng File


Maaari ring mag-delete o magtanggal ng files o folders na di na kailangan. Sundan ang prosesong
sumusunod:

1. Buksan ang subfolder ng Mga Larawan.

2. I-click ang larawang nakasave.

I-click ang Organize button na makikita sa


Menu bar ng folder at piliin ang Delete
command.
May lalabas na dialog box na na may tanong
kung sigurado kang gusto mong i-delete ang
file. I-click ang ‘Yes,’ kung sigurado ka na o
ang ‘No’ kung hindi mo pala ito gustong
burahin.

3. Kapag na-delete na ang larawan,


mawawala ito sa folder at mapupunta ito
sa Recycle Bin kung saan maaari mo itong
i-restore kung nais mong ibalik ito sa
folder.
Gawain F: Paggawa ng Subfolders

Sa pamamagitan ng mga kasanayang natutuhan tungkol sa pagsasaayos ng files sa tulong ng


computer file system, gumawa ng tatlong folder na gamit ang mga pangalang sumusunod:

Folder 1: Word Processing


Folder 2: Electronic Spreadsheet
Folder 3: Graphic Editing
Ilagay ang folders na ito sa loob ng subfolder na Mga Gawain.

Gawain G: Paglilipat ng Files sa Ibang Folder


Maghanap ng dalawa hanggang tatlong image files mula sa isang folder ng computer na iyong
ginagamit. Ilipat ang mga na ito sa iyong subfolder na Graphic Editing gamit ang cut at paste
commands.

TANDAAN MO

Ang files sa computer ay dapat na maisaayos at mai-save upang madali itong ma-access.
Kailangang bigyan ng isang angkop at natatanging filename ang bawat isa at mai-save ito
sa tamang folder o subfolder. Maaari din tayong mag-delete ng mga folder o file na hindi na
kailangan upang makatipid ng espasyo sa ating storage device.

ISAPUSO MO

Ayon sa iyong natutunan, higit na madaling maa-access ang mga files sa computer
kung naisaayos ito ng tama.
Sa iyo bang silid-tulugan ay maayos ding nakasalansan ang iyong mga gamitt? Madali
mo bang mahanap ang mga gamit na iyong hinahanap?
Kung magulo at di organisado ang mga kagamitan mo sa silid-tulugan, mahihirapan
kang hanapin ang mga ito.

PAGTATAYA

Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa kuwaderno.


1. Ito ay isang pamamaraan ng pag-save at pagsasaayos ng mga computer files at datos para
madali itong mahanap at ma-access.
a. Filename b. File format c. Computer File System d. Soft copy
2. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan natin gamit ang ating computer at application
software.
b. Soft copy b. Device c. Folder d. Hard copy
3. Ang bukod-tanging pangalan na ibiniigay sa isang computer file na naka-save sa file system.

a. Filename b. Device c. File location d. Directory


4. Tumutukoy ito sa uri ng computer file.
c. Filename b. File location c. File extension d. File host
5. Paraan upang makatiyak na nailagay ang file sa computer system para madali itong ma-
access kung kinakailangan.
a. Pagkatapos gawin ang document file ay i-save ito sa tamang folder.
b. Bigyan ng filename na madaling tandaan at kaugnay sa dokumentong nagawa.
c. Buksan ang folder upang siguraduhing nai-save ang file.
d. Lahat ng nabanggit.
Paggamit ang Web browser at ang Basic features ng isang Search
engine sa Pangangalap ng impormasyon
NILALAMAN
May pagkakataong hindi sapat ang mga aklat sa silid-aklatan para mahanap ang mga
impormasyong kailangan. Alam mo ba na ang internet ay nagsisilbing malawak na
mapagkukunan ng dagdag na impormasyon at datos? Dahil sa teknolohiyang ito, naging
posibleng mabilisang magsaliksik ng makabuluhang impormasyon mula sa iba’t ibang bahagi
ng mundo.
LAYUNIN
1. Nailalarawan ang web browser at search engine
2. Nakikilala ang iba’t ibang katangian ng web browser at search engine
3. Nakapagsasaliksik gamit ang web browser at search engine
4. Nakapamimili ng tamang keywords para sa paksang nais saliksikin

PAGHAHABI SA LAYUNIN

Basahin ang sumusunod na komiks: ANG ULAT NI MARLON


Sagutin ang sumusunod:
1. Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang computer at internet?
2. Gusto mo ba itong subukan tulad ng gagawin ni Marlon?
3. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa pangangalap ng impormasyon gamit ang
computer at internet?

PAG-ARALAN MO

Ang Web Browser


Ang web browser ay isang computer software na ginagamit upang maghanap ng at
makapunta sa iba’t ibang websites. May kakayahan din ang web browser na ipakita ang
nilalaman ng isang website tulad ng teksto at larawan. Maaari nitong i-play ang iba pang uri
ng media tulad ng music, video, at animation.
Ang sumusunod ay ilan sa mga kilalang web browser na maaaring gamitin:

1. Internet Explorer – Libre itong web browser mula sa


Microsoft Corporation. Inilabas ito noong 1995 at isa sa
mga pinakapopular na browser ngayon.

2.Mozilla Firefox - Libre rin ang web browser na Firefox


mula sa Mozilla. Isa ito sa mga pamantayan ng mga
browser na magagamit.

3. Google Chrome - Ang Google Chrome ay isa pang


libreng web browser. Inilabas ito noong taong 2008 at
patuloy na tinatangkilik bilang isa sa pinakapopular na
web browse

Mga Bahagi ng Web Browser Ang web browser ay binubuo ng iba’t ibang bahagi. Bawat isa ay
may sariling gawain. Lubos na makatutulong kung alam nating gamitin ang iba’t ibang bahagi ng
isang web browser.
Ipinakikita ng larawan sa ibaba ang mga bahagi ng isang web browser.

Bahagi ng Isang Web Browser

A. Browser Window Buttons – I-click ang minimize button kung nais itago ang browser window
nang pansamantala. I-click ang restore o maximize button kung nais baguhin ang sukat ng
window; I-click ang close button kung nais isara ang browser window.

B. Tab Name – Dito mababasa ang pangalan ng kasalukuyang bukas na website. Kung nais isara
ang tab, i-click lamang ang X button sa gilid ng tab.

C. Navigation Buttons – I-click ang back button para bumalik sa webpages na naunang binisita; I-
click ang forward button kung nais balikan ang webpages na pinakahuling binisita; o i-click ang
reload button kung nais na muling i-update ang website sa browser.

D. New Tab – I-click ang New tab kung nais magkaroon ng panibagong tab kung saan maaaring
magbukas ng bagong website.
E. Customize and Control Google Chrome – Dito makikita ang iba’t ibang options at commands
upang baguhin ang kasalukuyang settings ng browser.

F. Bookmark this Page – I-click itong hugis-bituin na button para i-save ang address ng website. Sa
ganitong paraan, madali itong mababalikan sa susunod na kailangan itong buksang muli.

G. Address bar – Maaaring i-type dito ang address ng isang website na gustong tignan. Ang
website address ang tumutukoy kung saan mahahanap ang isang website. Isang halimbawa ng
website address na inilalagay sa address bar ay www.google. com. Kung ito ay i-type mo sa address
bar at pindutin ang Enter key, makakarating ka sa home page ng website na iyon.

H. Display Window – Ito ang pinakamalaking bahagi ng browser na nagpapakita ng piniling website.

I. Scroll bar – I-drag ito pataas o pababa upang makita ang kabuuan ng isang web page sa browser
window.
Ang Search Engine

Ang search engine ay isang software system na


ginagamit sa paghahanap ng impormasyon sa internet.
Ang ilan sa kilalang search engines ay Google, Yahoo, at
Alta Vista
Mga Bahagi ng Search Engine Home Page

Kung magsasaliksik gamit ang internet, isang mahalagang kasanayan ang paggamit ng
search engines. Ang sumusunod ay bahagi ng isang search engine home page
(www.google.com) at ang gamit ng mga ito.

A. Search field o search box – Dito tina-type ang keyword na gagamitin sa pagsaliksik.
B. Google Search button – pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button na ito o maaari ding
pindutin ang Enter key sa keyboard upang masimulan ang pagsasaliksik.
C. I’m Feeling Lucky – I-click ito matapos i-type ang keyword upang direktang pumunta sa
webpage na sa palagay ng Google ay pinakaangkop sa kailangan mo. Madalas na ito ang
unang search result.
Mga Bahagi ng Search Engine Results Page
Matapos i-click ang search button, ipakikita ng search engine ang resulta ng iyong
paghahanap. Ito ay sa isang pahinang tinatawag na search engine results page na naglalaman ng
iba’t ibang websites na may kinalaman sa ipinapasok na keyword.
Makikita sa susunod na pahina ang isang halimbawa ng search engine results page at ang
mga bahagi nito.
A. Search Field – kung nais maghanap muli, i-type lamang ang bagong keyword sa search field
box.
B. Search Button – pagkatapos i-type ang keyword, i-click ang button o maaari ding pindutin ang
Enter key sa iyong keyboard.
C. Top Links – narito ang mga serbisyong maaaring magamit sa search engine katulad ng web,
imahe, balita, videos, at iba pa.
D. Page Title – ang pamagat ng web page na kasama sa search results.
E. Text Below the Title – maliit na piraso ng teksto na sipi buhat sa webpage. Naka-bold text dito
ang mga salitang ginamit mo bilang keywords.
Matalinong Pagssaliksik Gamit ang mga Keywords

Marami sa kailangan nating impormasyon ang nasa Internet na. Kailangan na lamang natin
ng kasanayan kung paanong makukuha ang eksaktong impormasyon na nais natin.
Mas mainam kung gagamit tayo ng higit sa isang salita kung magsasaliksik tayo. Mahalaga
rin na ang mga salitang gagamitin ay tiyak at kaugnay sa paksang ating sinasaliksik.

PAGSANAYAN MO

Gawain A: Magsaliksik Gamit ang Web Browser at Internet


Tulungan natin si Marlon sa kaniyang pagsasaliksik tungkol sa paksang, “Mga Katangiang Taglay
ng Isang Magaling na Entrepreneur.” Sundan ang sumusunod na pamamaraan:

1. Buksan ang inyong web browser (maaaring gamitin ang Internet Explorer, Mozilla Firefox, o Google
Chrome).
2. I-type ang www.google.com sa
address bar ng browser at pindutin
ang Enter key. Ito ang website
address ng Google search engine.

3. Pag-isipang mabuti ang keywords


na gagamitin sa pagsasaliksik ng
mga katangiang dapat taglayin ng
isang entrepreneur. I-type ang
keywords sa search field.

4. I-click ang search button.


Magbubukas ang pahinang
Search Results

5. I-click ang search result upang makita ang kabuuan ng webpage.

6. Suriin ang Search Results at tukuyin ang mga resultang pinakamakakatulong kay Marlon sa
kaniyang pananaliksik. Maaari mong tingnan ang iba pang pahina ng search results sa pamamagitan
ng pag-click ng susunod na mga pahina. Tingnan ang larawan sa ibaba.

Gawain B: Trivia
Subuking sagutin ang sumusunod na katanungan gamit ang search engine. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Sino ang ikawalong presidente ng Republika ng Pilipinas?
2. Ano ang ibig sabihin ng RSVP?
3. Ilan ang kulay ng watawat ng bansang Thailand?
4. Saan matatagpuan ang mga Tarsier?
5. Sino ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas?
TANDAAN MO

Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang web browsers
at search engines. Sa tulong ng kompyuter at Internet, maaari tayong makapagsaliksik at
mangalap ng makabuluhang impormasyon sa mabilis na paraan.
Mas magiging epektibo ang pananaliksik kung magaling tayo sa paggamit ng mga keywords.
Sinasala rin dapat ang mga impormasyong nakukuha.

ISAPUSO MO

Tandaan na hindi lahat ng mababasang impormasyon sa internet ay totoo o tama.


Kailangang maging matalino at mapanuri pa rin tayo sa mga impormasyong nakakalap.

GAWIN MO

Mga Bansa sa Asya Gamit ang iyong kasanayan sa pananaliksik at sa tulong ng web
browser at search engine, punan ang sumusunod na talaan:

PAGTATAYA

Kilalanin ang sumusunod. Ilagay ang sagot sa kuwaderno.

_________1. Uri ng website na ginagamit sa pagsasaliksik ng impormasyon sa internet. Ang


halimbawa nito ay Yahoo o Google.
_________2. Computer application na ginagamit upang makapunta sa iba’t ibang website.
_________3. Libreng web browser na binuo ng Google.
_________4. Bahagi ng search engine window kung saan dapat i-type ang keywords sa
paghahanap.
_________5. Ang bantas na ginagamit upang ipaloob ang mga tiyak na paksa, pangngalang
pantangi, at eksaktong parirala sa pagsasaliksik gamit ang search engine.
Paggawa ng Table at Tsart gamit ang Word Processor

NILALAMAN

Sa paggawa ng mga ulat, mas mainam kung gagamit tayo ng mga table at tsart.
Makatutulong ang mga ito upang mas madaling unawain at suriin ang datos at impormasyong
nais nating maipakita sa ating dokumento. Sasanayin ka ng araling ito sa paggawa ng mga
ulat gamit ang table at tsart sa tulong ng word processing tool.

LAYUNIN

1. Naipaliliwanag ang gamit ng table at tsart


2. Nakakagawa ng table at tsart sa pamamagitan ng word processor
3. Nabibigyang-halaga ang mga table at tsart para sa mas epektibong pagsasaayos ng datos at
impormasyon

PAGHAHABI NG LAYUNIN

ANG NEGOSYO NINA FELY AT SHIRLEY

Nagkasundo ang magkaibigang Fely at Shirley na


magnegosyo upang makaipon ng pambili ng gamit sa
eskuwela sa darating na pasukan. Nagpasiya silang
magluto ng meryenda at itinda ito sa kanilang lugar.
Kumita sila ng Php235 sa unang araw ng kanilang pagtitinda, Php340 sa ikalawang araw,
Php450 sa ikatlong araw, at Php390 sa ikaapat na araw. Naging maulan ang ikalimang araw, kaya
kumita lamang sila ng Php240.
Upang malaman ang halaga ng kinita sa bawat araw ng pagbebenta ng meryenda, gumamit sila
ng word processor sa paggawa ng table.
Pag-aralan ang table sa ibaba:

Naisipan din ng magkaibigan na gawan ng tsart ang ulat ng kanilang kinita sa bawat araw ng
pagbebenta:
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sa tingin mo ba ay nakatulong kina Fely at Shirley ang paggawa ng table ng kanilang mga
kinita sa limang araw ng kanilang pagtitinda? Sa paanong paraan ito nakatulong?
2. Sa anong paraan naman nakakatulong sa magkaibigan ang ginawa nilang tsart?

PAG-ARALAN MO

ANG WORD PROCESSOR Ang word processor o word processing application ay isang
software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, sa pag-eedit at pag-save
ng mga ito sa computer file system. Sa tulong ng word processing application, maaari din nating
isaayos ang mga numerikal at tekstuwal na impormasyon sa pamamagitan ng table at tsart.

ANG TABLE

Ang table ay koleksiyon ng magkakaugnay


na tekstuwal na nakaayos sa pamamagitan ng
rows at columns. Mas madaling nasusuri ang
datos kung ito ay nakaayos sa table.
Ang rows ay mga linyang nakahilera
pahalang, samantalang ang columns ay mga
linyang pababa. Ang cell ay ang kahon kung
saan nagtatagpo ang mga column at row.

ANG TSART
Ang tsart ay biswal na modelo ng mga numerikal na impormasyon. Gumagamit ito ng mga imahen at
simbolo upang maging mas madali ang pagsusuri ng mga datos.
IBA’T IBANG URI NG TSART
May iba’t ibang uri ng tsart. Ang sumusunod ay ilan sa mga pinakamadalas gamitin:

1. Bar Chart – Binubuo ito ng mga


pahalang na parihaba na nagpapakita
ng paghahambing ng mga numerikal na
datos.
2. Column chart – na gumagamit ng mga
patayong bar upang ipakita ang
paghahambing ng mga numerikal na datos.
3. Line Chart – binubuo ito
ng mga linya na nagpapakita
ng trend o kilos ng pagtaas
at pagbaba ng mga
numerikal na datos.

4. Pie Chart – kamukha ito ng pizza pie.


Nagpapakita ang ganitong uri ng tsart
ng pagkakahati ng isang buo sa iba’t
ibang kategorya

PAGSANAYAN MO

A. Subuking gumawa ng table gamit ang word


processing application. Sundan lamang ang sumusunod
na panuto:

1. Buksan ang inyong word processing application.


2. I-click ang Insert tab na makikita sa gawing itaas ng
inyong screen. I-click ang Table button.

3. Itakda ang bilang ng hanay na pahalang o rows


at hanay na pababab o columns. Para sa gawain,
gumawa ng tatlong column at anim na row.
Magkakaroon ng table sa inyong document
window.

4. I-type ang sumusunod na datos sa cells ng table.

5. I-save ang file, bigyan ito ng file name na Paggawa ng Table.


Gawain B: Pag-Format ng Table
Upang maging mas kaaya-aya ang table, maaaring baguhin ang ilang properties ng table katulad
ng table style, border color, line style, at shading. Ang Table Styles ay isang pangunahing katangian ng
table na awtomatikong naglalapat ng disenyo sa table. Sundan ang sumusunod na panuto kung paano
ito gamitin.

1. Buksan ang inyong file na Paggawa


ng Table.doc. (o paggawa ng Table.
docx)

2. I-highlight ang buong table gamit ang


mouse.
3. Magbubukas ang Table Tools. I-click ang 4. Tingnan ang halimbawa ng awtput sa
Design tab. Sa Table Styles, pumili ng isang ibaba:
style na nais mong ilapat sa iyong table.

5. I-click ang file tab, at piliin ang command na Save as. I-type ang Pag-format ng Table bilang
file name.

Gawain C: Paggawa ng tsart


1. Buksan ang MS Word application
na isang halimbawa ng word
processor.
2. I-click ang Insert tab at i-click ang
Insert Chart button.

3. Magbubukas ang Insert Chart


dialog box.
4. Piliin ang default chart (Clustered
Column) at i-click ang OK.

5. Magkakaroon ng default chart sa


Word document at magbubukas ang
isang data sheet

6. Palitan ang mga default na datos sa data sheet at i-type ang sumusunod na ulat ng kinita.
7. Kung tapos nang mai-type ang datos ay
maaari nang isara ang data sheet.

8. Sa word processor ay makikita mo ang


tsart na naglalaman ng ulat ng kinita.

9. I-save ang Word document na ito sa


inyong folder at bigyan ng filename na:
Paggawa ng Tsart.

TANDAAN MO

Ang paggamit ng table at tsart ay nakatutulong upang maging mas madali ang pagsusuri ng
mga numerikal at tekstuwal na impormasyon. Ang word processing application ay isang
productivity tool na may kakayahang makagawa ng table at tsart sa isang dokumento.

ISAPUSO MO

Ano-ano ang mga pinagkakagastusan mo o ng iyong pamilya? Gumawa ng badyet para sa


isang linggo. Gawan ito ng table at column chart.

PAGTATAYA

Piliin ang titik ng tamang sagot:


1. Koleksiyon ito ng magkakaugnay na numerikal at tekstuwal na datos na nakaayos sa
pamamagitan ng rows at columns.
a. Table b. Dokumento c. Tsart d. Spreadsheet
2. Ito ay biswal na modelo ng mga numerikal na impormasyon na gumagamit ng mga imahe at
simbolo upang mas maging madali ang pagsusuri ng mga datos.
a. Table b. Dokumento c. Tsart d. Spreadsheet
3. Ito ay isang software na tumutulong sa paglikha ng mga tekstuwal na dokumento, pag-eedit, at
pag-iimbak ng mga electronic file sa computer file system.
a. Desktop publishing application c.Electronic spreadsheet application
b. Word processing application d.Graphic designing application

4. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na sa Insert tab?


a. Table b. Columns c. Rows d. Tsart
ito
5. Ano ang magagawa kung i-click ang icon na ito sa Insert tab?
a. Table b. Columns c. Rows d. Tsart
Paggawa ng Table at Tsart gamit ang Spreadsheet Tool

NILALAMAN
Alam mo bang may iba pang tool na maaaring makatulong sa iyo sa paggawa ng mga
table at tsart? Ito ay ang spreadsheet application.

LAYUNIN
1. Nakagagamit ng spreadsheet application upang makagawa ng table at tsart
2. Naisasaayos ang mga tsart sa pamamagitan ng design, layout, at format properties ng mga
ito.

PAGHAHABI SA LAYUNIN
PICTURE PUZZLE
Subuking alamin ang salitang tinutukoy sa apat na larawan sa ibaba. Gamitin ang mga
ginulong titik sa pagbuo ng sagOT:
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang tinutukoy sa dalawang picture puzzle?
2. Magbigay ng mga halimbawa para sa dalawang uri ng
impormasyong ito.

PAG-ARALAN MO
Electronic Spreadsheet Tool
Ang impormasyong numerikal (dami o
bilang, presyo o halaga, timbang at populasyon)
at tekstuwal na impormasyon (pangalan,
produkto at aytem) ay maaaring magbigay ng
mahalagang kaalaman sa atin kung ang mga ito
ay isasaayos at maipapakita gamit ang table at
tsart. Ang spreadsheet application ay isa pang
software na maaaring gamitin upang makagawa
ng mga table at tsart. Kadalasan itong may isang
workbook nang mga worksheets. Bawat worksheet ay naglalaman ng rows at columns. Ipinapasok
naglalaman
ang datos sa loob ng cells. Ang mga cells ay ang mga kahon kung saan nagtatagpo ang bawat
column at row.

Ang cell name o cell reference ay ang


pangalan ng bawat cell sa spreadsheet. Ang
bawat row ay gumagamit ng numero bilang
label habang ang bawat column ay
gumagamit ng titik o letra. Makikita ang cell
reference box sa bandang itaas ng screen.
PAGSANAYAN MO

GAWAIN A: PAGGAWA NG TABLE SA SPREADSHEET


Sa pagpasok ng mga datos sa electronic spreadsheet ang tekstuwal na datos ay naka-align sa
kaliwa, samantalang ang mga numerikal na datos ay naka-align sa kanan ng cell.
1. Buksan ang inyong electronic spreadsheet tool.
2. I-type ang sumusunod na datos sa nakatalagang cell. Tandaang pagkatapos i-type ang datos sa
bawat cell, pindutin ang Enter key.

Cell A1: DONNA’S PIZZA HOUSE Cell B4: 700


Cell A2: Pizza Flavor Cell C4: 200
Cell B2: Kinita sa Site 1 Cell A5: Pepperoni
Cell C2: Kinita sa Site 2 Cell B5: 800
Cell A3: Hawaiian Cell C5: 200
Cell B3: 700 Cell A6: Seafood
Cell C3: 200 Cell B6: 900
Cell A4: Ham and Cheese Cell C6: 150
3. Ayusin (adjust) ang lapad ng bawat column sa pamamagitan ng pagtatapat sa pointer ng mouse
sa linyang naghihiwalay sa dalawang column (border) at hilahin ito. Pagkatapos mai-type ang
datos at ma-adjust ang lapad ng columns ay magkakaroon ka ng output na katulad nito.

4. I-click ang File tab at piliin ang Save as. I-save ang workbook sa iyong folder at bigyan ito ng file
name na Spreadsheet Table.

GAWAIN B: PAG-FORMAT NG TABLE SA SPREADSHEET


Upang magmukhang mas kaaya-aya ang table sa spreadsheet, maaaring i-format ang properties
ng table. Sundan ang sumusunod na hakbang upang mapaganda ang table.

Pag-Center ng mga Teksto at Pag-Merge ng mga Cells


1. Buksan ang iyong file sa nakaraang gawain – Spreadsheet Table.
2. Gamit ang mouse, i-select ang Cell A1 to Cell C1.
3. Sa Home tab ng ribbon ng spreadsheet, makikita ang Merge & Center button. I-click ito.
4. Pansinin na ang Cell A1 hanggang Cell C1 ay naging isa na lamang at ang teksto ay napunta sa
gitna
Paglalagay ng Border sa Table

1. I-select ang lahat ng cells ng table.


2. Mag-right click sa loob ng selection.
3. I-click ang Format Cells. Tingnan ang larawan sa kanan.
4. Magbubukas ang Format Cells dialog box.
5. I-click ang Border tab. Magbubukas ang Border dialog box
katulad ng sumusunod na larawan.

6. Itakda ang line style at kulay ng border. 8. I-click ang OK. Magkakaroon ka ng table na
7. Siguraduhing nai-click ang Outline at Inside tulad nito.
sa ilalim ng Presets upang mailapat ang 9. I-save ang file.
formatting.

Pagpapalit ng Kulay ng Cells


1. Gamit ang mouse, i-select ang mga cells na nais i-format.
2. I-click ang down arrow ng Fill Color icon na makikita sa Home tab ng ribbon.
3. Pumili ng kulay na nais gamitin para sa cells.

Pagpapalit ng Fonts at Kulay ng Fonts


1. Gamit ang mouse, i-select ang cells na naglalaman
ng mga tekstong nais mong baguhin ang font at
kulay.
2. I-click ang down arrow ng Font dropdown list.
Tingnan ang larawan sa kanan.
3. Pumili ng font na nais gamitin at i-click ito
4. Tingnan ang halimbawa ng output sa ibaba:

Maari ding baguhin ang iba pang Font Properties tulad ng Font Size, Font Style, Border at Fill
Color. Ang options na ito ay makikita sa Home tab at Font Group.

5. I-save ang file


GAWAIN C: PAGGAWA NG TSART SA SPREADSHEET
Subukin naman nating gumawa ng tsart gamit ang electronic spreadsheet. Sundan ang
sumusunod na pamamaraan:
1. Buksan ang file na Spreadsheet Table. Gagawa tayo
ng column chart mula sa mga datos na napasok na natin.
2. Gamit ang mouse, i-select ang Cell A2 hanggang Cell
C7.
3. Pagkatapos mai-highlight ang cells, i-click ang Insert
tab upang magbukas ang mga options. 4. I-click ang
Column option na nasa Charts group.
5. Piliin ang 3-D Clustered Column na nasa 3-D Column
group. Tingnan ang larawan sa kanan.
6. Magkakaroon ng tsart sa iyong spreadsheet.
7. I-save as ang file sa iyong folder. Gamit ang bagong file name na Spreadsheet Chart.
Paglagay ng Chart Title
Mapapansin na wala pang pamagat ang ating tsart. Sundan ang sumusunod na pamamaraan upang
lagyan ito ng pamagat.
1. I-click ang tsart na napili.
2. Magbubukas ang Chart Tools tab at ang ribbon ng
options.
3. I-click ang Layout sub-tab na nasa ilalaim ng Chart Tools
tab.
4. I-click ang Chart Title button at piliin ang Above Chart
upang magkaroon ng textbox kung saan ita-type ang
pamagat ng tsart.
5. Palitan ang nakalagay na default text sa pamamagitan
ng paghighlight nito at pagpindot ng Delete sa keyboard.

6. I-type ang bago nitong pamagat: Kinita sa


Donna’s Pizza House.
7. I-save ang file

GAWAIN D: PAG-FORMAT NG TSART SA SPREADSHEET


Maaari din nating ma-format ang iba’t ibang properties ng ating tsart gamit ang spreadsheet.
Maraming options ang nasa Design, Layout, at Format sub-tab ng Chart Tools tab na maaaring
makatulong sa atin.

Pagpapalit ng Uri ng Tsart

1. I-click ang tsart na napili.

2. Kung nais palitan ang uri ng tsart na ginamit ay i-


click lamang ang Design sub-tab at i-click ang Change
Chart Type button.
Magbubukas ang Change Chart Type dialog box.
Tingnan ang larawan sa kanan.

3. Piliin ang Clustered Bar in 3D at i-click ang OK.


4. Mapapalitan ang Column tsart ng Clustered
Bar in 3D tsart.
Pagpili ng Chart Style
1. I-click ang tsart na napili.
2. Upang mapalitan ang kasalukuyang chart
style, i-click ang Design sub-tab.
3. I-click ang down arrow sa Chart styles
group. Magbubukas ang iba’t ibang chart
styles na maaaring i-apply sa tsart.
4. Pumili ng isa at i-click ito.
5. Mailalapat sa tsart ang napiling chart style. Maaari mong palitan ulit ang style ng iyong tsart
kung hindi ito nagustuhan.
6. Kapag napili na ang nagustuhang style, i-save ang file.
Pagpapalit ng Fill Color ng Chart Area
Maaari ding palitan ang fill color ng ating chart area. Sundan lamang ang sumusunod na
pamamaraan:
3. Sa Shapes Style group makikita ang Shape Fill button.
1. I-click ang chart area na napili. 4. I-click ang Shape Fill button at mamili ng isang fill color
2. Upang mapalitan ang kasalukuyang fill para sa chart area.
color, i-click ang Format tab.

Pag-Format sa Iba Pang Properties ng Tsart


Marami pang ibang properties na maaaring i-format upang mas lalo pang mapaganda at maisaayos
ang ating tsart. Sa Design tab ay makikita ang sumusunod na options: Type, Data, Chart Layouts,
Chart styles, at Location.

Sa Layout tab ay makikita ang sumusunod na options sa grupo ng Current Selection, Insert, Labels,
Axes, Background, Analysis, at Properties.
Sa Format tab ay makikita ang sumusunod na options sa grupo ng Current Selection, Shapes
Styles, WordArt styles, Arrange, at Size.

Tingnan ang halimbawa ng tsart sa


ibaba na ginamitan ng iba’t ibang
formatting upang ito ay mas maging
kaaya-aya.

TANDAAN MO
Ang electronic spreadsheet tool ay isang mainam na software upang makagawa tayo ng mga
table at tsart para sa mas madaling pagsusuri at pagsasaayos ng ating mga numerikal at tekstuwal
na impormasyon.

GAWIN MO
1. Kailangan ninyong maghanda para sa pagdiriwang na gaganapin sa inyong bahay.
Inaasahan ninyong may 30 bisitang darating. Kailangang bilhin ang sumusunod:
a. sangkap sa spaghetti
b. sangkap sa fried chicken
c. sandwich
d. hotdog
e. pineapple juice
2. Alamin ang presyong dapat ilaan sa bawat bilihin.
3. Gawan ito ng table at pie chart sa electronic spreadsheet.

PAGTATAYA

Pagsunod-sunurin ang mga hakbangin sa pamamagitan ng paglalagay ng titik (A – unang


hakbang… E - panlimang hakbang):

____1. Pagkatapos i-highlight ang mga cell na naglalaman ng datos, i-click ang Insert tab.
____2. Gamit ang mouse, piliin ang cells na naglalaman ng datos na gagamitin para sa tsart.
____3. Pagkabukas ng mga options sa ribbon ng Insert tab, piliin ang klase ng tsart na nais
gamitin sa Charts group.
____4. Pagkalitaw ng tsart sa spreadsheet, i-save ang file sa inyong folder.
____5. Pagkabukas ng file na spreadsheet table, gumawa ng tsart mula sa datos dito.
PAG-SORT AT PAG-FILTER NG IMPORMASYONG

NILALAMAN

Kung may listahan ng bilang ng mga naibentang produkto at nais malaman kung anong
produkto ang naging pinakamabili, paano ito gagawin kung napakaraming produkto ang
kailangang suriin at salain? Gamit ang spreadsheet application, maaaring makagawa ng ulat
sa mas mabilis na paraan sa pamamagitan ng pag-sort at pagfilter ng mga impormasyon.

LAYUNIN

1. Naipaliliwanag ang proseso ng pag-sort at pag-filter ng impormasyon


2. Nagagamit ang spreadsheet sa pag-sort at pag-filter ng impormasyon

PANIMULANG PAGTATASA

I-sort ang mga lutuin mula pinakamahal hanggang pinakamura.


TONY’S EATERY MENU

Menu Price/Serving
Friend Chicken 30.00
Sinigang na Hipon 35.00
Menudo 40.00
Adobong Sitaw 22.00
Lugaw 15.00

PAG-ARALAN MO

ANG SORTING AT FILTERING COMMAND


Ano ang sorting at filtering command? Paano isinasagawa ang mga ito gamit ang
electronic spreadsheet application? Paano nakatutulong ang pag-sort at pag-filter sa madaling
pagsusuri ng mga datos?
Ang Sort ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang maisaayos ang
mga listahan ng numerikal at tekstuwal na datos. May dalawang uri ng sorting command:

Sort ascending – isinasaayos nito ang listahan ng mga tekstuwal na impormasyon sa


alpabetikong pagkakasunod mula A hanggang Z; ang numerikal na impormasyon naman
ay naisasaayos mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na bilang.

Sort descending – isinasaayos nito ang mga tekstuwal na impormasyon sa baliktad na


alpabetikong pagkakasunod mula Z hanggang A; ang numerikal na impormasyon naman
ay naisasaayos mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababang bilang.
Ang Filter ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang mabilis na masuri
at masala ang mga impormasyon na kailangan. Kaiba sa sorting, ang filtering ay hindi lamang
nagaayos ng pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon, itinatago rin nito ang impormasyon na
hindi pasok sa pamantayang naitakda.

Ang Filter button na makikita sa Data tab at grupo ng Sort and Filter.

PAGSANAYAN MO

1. Ipasok ang sumusunod na datos sa isang worksheet ng electronic spreadsheet application .

2. Gamit ang mouse, piliin ang cell range ng mga datos sa hanay ng Code No., Tinapay at Halaga
(Cell B2-Cell C12).
3. I-click ang Data tab, piliin ang Sort button.

4. Magbubukas ang Sort dialog box.


5. Sa column, i-click ang drop-down arrow ng Sort by na box. Piliin ang Tinapay
6. Sa Order, i-click ang drop-down arrow at piliin ang A to Z

7. I-click ang OK. Pansinin na sa listahan ng mga


pangalan ng Tinapay, ang Cheese Bread ang naging
pinakauna sa listahan.

8. I-save ang file sa inyong folder. Ang magiging file


name ay bakery.

GAWAIN B: PAG-SORT NG MGA NUMERIKAL NA


IMPORMASYON
1. Gamit ang parehas na file: Bakery.xlsx, subukin
naman nating mag-sort ng numerikal na impormasyon
sa ating listahan.
2. Gamit ang mouse, piliin ang cell range ng mga
pangalan at marka (Cell B2-Cell C12).
3. I-click ang Data tab, piliin ang Sort button.
4. Magbubukas ang Sort dialog box
5. Sa Column ay i-click ang drop-down arrow ng Sort
by box. Piliin ang Halaga.
6. Sa Order, piliin ang smallest to largest (ascending) kung nais na ang mga presyo ng tinapay ay
nakaayos mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas. Piliin naman ang largest to smallest kung
nais na ang mga halaga ay nakaayos mula sa pinakamataas hanggang pinakamababa.
7. I-click ang OK.
8. Kung ang piniling Order option ay largest to
smallest, ang listahan ay magiging katulad ng nasa
larawan sa kanan. Pansinin na ang mga tinapay na
may pinakamataas na presyo ang pinakauna sa
listahan at sinusundan ng pangalawa sa
pinakamataas at pababa.
9. I-save ang file sa inyong folder

GAWAIN C: PAG-FILTER NG IMPORMASYON

1. Kung hindi pa nakabukas ang file, buksan uli ang


Bakery.xlsx file gamit ang inyong electronic
spreadsheet application.
2. Gamit ang mouse, piliin ang cellheadings na
naglalaman ng Code, Tinapay, at Halaga (Cell A2 –
Cell C2).
3. I-click ang Data tab. Magbubukas ang options sa 4. I-click ang Filter button at magkakaroon ng
ilalim ng Data tab dropdown menus sa gilid ng cell headings.

5. I-click ang drop-down arrow sa gilid ng 6. Piliin ang Number Filters at magbubukas ang
Halaga. Magbubukas ang menu options options para rito. I-click ang Between.
para sa pag filter

7. Magbubukas ang Custom Auto Filter. I-type ang 2 sa text field ng “is greater than or equal to” at i-type
naman ang 5 sa text field ng “is less than or equal to.” Ibig sabihin lamang nito na nais nating ipakita
ang mga tinapay na may halagang nasa pagitan ng 2 at 5.

8. I-click ang OK button. Tingnan ang naging resulta sa ibaba.

Ipa ang listahan ng mga tinapay na may halagang 2


hanggang 5 pisoinapakit

9. Maaari din nating i-sort ang resulta ng pag-filter na ito.


I-click lamang ang drop-down arrow sa gilid ng cell ng
Halaga.
10. Piliin ang Sort Smallest to Largest, upang mai-ayos
ang listahan mula pinakamababa hanggang
pinakamataas.

11. Tingnan ang halimbawa ng ouput sa kanan. I-save


ang file

Ngayon ay mayroon ka nang listahan ng tinapay na may halagang 2 piso hanggang 5 piso at
nakaayos mula sa pinakamababang presyo pataas.
TANDAAN MO
Ang electronic spreadsheet application ay maaari ding gamitin sa pagsusuri at pagsasala ng
mga numerikal at tekstuwal na impormasyon.
Ang sorting ay proseso ng pagsasaayos ng listahan ng mga impormasyon. Ang mga
tekstuwal na impormasyon ay maaaring pagsunurin nang paalpabetikal (A-Z o Z-A). Ang mga
numerikal na impormasyon ay naiaayos din mula sa pinakamababa pataas o mula sa
pinakamataas hanggang pababa.
Ang filtering ay pagsasala ng impormasyon upang mapili lamang ang kinakailangang datos.
Itakda ang pamantayan ng pagsusuri batay sa impormasyong nais makuha.

GAWIN MO

1. Ipasok ang sumusunod na datos sa isang worksheet ng electronic spreadsheet application.

2. I-filter ang impormasyon. Sundin ang sumusunod na pamantayan:


a. Ang mga lutuing pang-almusal
b. Ang mga lutuing pantanghalian na ang halaga ay sa pagitan ng 30 piso hanggang 35 piso
c. Ang mga lutuing ang halaga ay 25 piso

3. I-sort ang mga lutuin mula pinakamahal hanggang pinakamura.

PAGTATAYA

Tama o Mali: Isulat ang Tama kung tama ang pahayag at Mali kung mali
.
_____ 1. Ang Filter ay isang command sa electronic spreadsheet na ginagamit upang mabilis na
masuri at masala ang mga kailangang impormasyon.

_____2. Ang sorting ay pagpili ng pamantayan sa gagawing pagsala ng impormasyon.

_____3. I-click ang File tab upang ma-access ang Sort at Filter command.

_____4. Ang sort ascending sa tekstuwal na impormasyon ay pagkakasunod-sunod ng mga


impormasyon mula A hanggang Z.

_____5. Kailangan munang piliin ang cells na naglalaman ng mga impormasyon kung nais mag-
sort.
Source

https://www.facebook.com/se
arch/top/?q=dlp%20epp%204
&epa=SEARCH_BOX

https://kto12depedbooks.blog
spot.com/2016/10/epp-4-lm.h
tml

You might also like