Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

SAINT FRANCIS OF ASSISI COLLEGE

SAINT ANTHONY SCHOOL

Grade 1 - ESP
SAINT FRANCIS OF ASSISI COLLEGE
SAINT ANTHONY SCHOOL

PANALANGIN
YUNIT 1: Pagkilala sa Sarili

Aralin 4: Sarili Ko, Ipinagmamalaki Ko


Mga Layunin:
● Nakikita ang magagandang katangian ng sarili.
● Napahahalagahan ang mga katangian ng sarili.

Nilalaman:
Paksa: Sarili Ko, Ipinagmamalaki Ko
Sanggunian: Gintong Asal 1 (Batayang Aklat sa
Edukasyon sa Pagpapakatao),
pahina 19-25
Kagamitan: bondpaper, lapis, krayola
Ano-ano ang mga
taglay mong
katangian?

Paano mo ito
binibigyang halaga?
Ang Puting Rosas
Sa isang hardin na may maraming bulaklak, matatanaw
sa hindi kalayuan ang isang namumukod-tanging puting
rosas. Puting-puti ang kanyang talulot na parang niyebe at
napakapino kapag ito’y hinahawakan. Subalit hindi
nakikita ng rosas ang kanyang sariling kagandahan dahil
siya ay napaliligiran ng dawagan at mga damo.
Maraming nagdadaan sa hardin na iyon at madalas
makatawag ng pansin ang puting rosas dahil sa taglay
niyang kagandahan; kagandahan na hindi mismo alam ng
puting rosas.
Isang araw, may napadaang batang babae sa hardin na
nakapansin sa puting rosas. Naawa siya sa bulaklak dahil
ito ay maganda at baka malanta dahil sa ulan at init ng
panahon.
Itinanim ng bata ang puting rosas sa paso at ipinatong
ito sa pasimano ng bintanang salamin. Nakita ng rosas ang
kanyang sarili sa repleksiyon niya sa salamin. At sa oras
na iyon lamang niya napagmasdan ang kanyang sarili.
Namangha siya sa kanyang kagandahan at unti-unting
sumariwa ang kanyang mga dahon at talulot.
Napagtanto ng puting rosas na kay tagal na panahon ns
binalewala niya ang kanyang sarili kaya’t hindi niya
nakita ang kanyang tunay na kagandahan.
Pag-isipan:
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa mga
patlang.

1. Saan matatagpuan ang puting rosas?


2. Ano ang nakapaligid sa kanya?
3. Sino ang nakapansin sa kanya at itinanim siya sa
paso?
4. Ano ang nangyari ng makita ng puting rosas ang
kanyang sarili sa salamin?
5. May pagpapahalaga ka ba sa iyong sarili? Paano mo
ito ipinakikita?
Gawin:
A. Isulat sa paru-paro sa pahina 22 ang mga bagay na
kaya mong gawin.
B. Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng mga
pangungusap, at M kung mali.

_____ 1. Maraming bagay ang kaya kong gawin.

_____ 2. Naniniwala ako sa taglay kong kakayahan.

_____ 3. Ipinagmamalaki ko ang mga bagay na kaya


kong gawin.
_____ 4. May kaya akong gawin na hindi kaya ng
iba.
_____ 5. Nahihiya ako dahil hindi ako makasunod
sa ginagawa ng aking mga kaklase.
C. Punan ng simpleng sagot ang mga patlang upang makabuo ng
tula tungkol sa iyong sarili.

Ako
Ako ay si ________________________ .
Isang batang _____________________ .
Ang aking mata ay __________________ .
Ang aking buhok ay _________________ .
Nagtataka ako ____________________ .
Ngayon ay nauunawaan ko _____________ .
Pipilitin ko ______________________ .
Sapagkat ako’y naiiba at ako ay ako.
D. Gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo sa iyo at
bigyan ito ng maikling paliwanag.
Pangako:
Ako ay nangangakong pagbubutihin pa ang aking
kakayahan at kasanayan sa pamamagitan ng
_______________
_________________________
_________________________
_________________________
________________________ .

You might also like