Aralin 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

SAINT FRANCIS OF ASSISI COLLEGE

SAINT ANTHONY SCHOOL

Grade 1 - ESP
SAINT FRANCIS OF ASSISI COLLEGE
SAINT ANTHONY SCHOOL

PANALANGIN
Yunit 1
Pagkilala sa Sarili

Aralin 1: Sino Ako?


Mga Layunin:
A. Nakikilala ang pagkatao
B. Naipahahayag ang mga detalye
tungkol sa sariling pagkakakilanlan
Nilalaman:

Paksa: Sino Ako?


Sanggunian: Gintong Asal 1(Batayang
Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao),
pahina 2-7
Kagamitan: bond paper, lapis, krayola
Kilala mo ba ang iyong
sarili?

Masasabi mo ba ang mga


bagay na may kinalaman
sa iyong pagkatao?
Nasaan si Nanay?

(Pahina 2-3)
Nasaan si Nanay?

Pasukan na! Tuwang-tuwa si Hanna dahil


marami siyang nakilala at naging kaibigan sa unang
baitang. Bago ang kanyang mga gamit pati na ang
kanyang bag. Pag-uwi niya sa bahay nang hapong
iyon ay ipinakita niya sa kanyang nanay ang
kanyang mga takdang-aralin.
“Naku, Hanna may ipapasa pa pala kayong
kulang na gamit bukas,” wika ng kanyang ina.
“Halika at pumunta muna tayo sandali sa mall, tutal
malapit lang sa atin iyon.”
Maraming tao sa mall dahil marami pang
namimili ng mga uniporme at mga gamit sa
paaralan. Habang naglalakad ay naaliw si Hanna sa
magagandang display na nakikita niya.
Hindi niya namalayan na wala na ang kanyang
nanay sa kanyang tabi.
“Nanay, nanay! Nasaan ka na?” tawag ni Hanna.
Subali’t walang sumasagot sa kanya. May nakapansin
na si Hannah ay nawawala kaya dinala siya sa customer
service booth. Tinanong siya ng babae doon at nasagot
niya lahat ang tanong tungkol sa kanyang sarili. Maya-
maya lamang ay humahangos na dumating ang
kanyang nanay upang siya ay kunin.
Pag-isipan:
Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa mga patlang.

1. Anong baitang si Hanna?


2. Bakit kinailangang pumunta sila ng kanyang nanay sa
mall?
3. Ano ang nakatawag-pansin kay Hanna?
4. Saan siya dinala ng nakapansin sa kanya?
5. Naranasan mo na bang mawala katulad ni Hanna? Ano
ang iyong ginawa?
Gawin:
A. Punan ang patlang ng impormasyon tungkol sa iyong sarili.

Ako ay si _____________________________________________________ .
Ako ay ______________________________________ taong gulang na.
Nakatira ako sa ______________________________________________ .
Ang aking ina ay si ___________________________________________ .
Ang aking ama ay si __________________________________________ .
Nag-aaral ako sa _____________________________________________ .
Nasa __________________________________________ baitang na ako.
B. Itiman ang bilog ( ) kung tama ang isinasaad ng
mga pangungusap at ekisan ( x ) ito kung mali.

1. Alam ko kung ako ay babae o lalaki.


2. Natatandaan ko ang petsa ng aking
kapanganakan.
3. May nanay at tatay ako na na nagmamahal sa akin.
4. Bawat bata ay naiiba sa kapwa bata.
5. Masasabi ko ang aming tirahan kung sakaling ako
ay mawala.
C. Idikit ang iyong larawan sa loob ng puso.
Pakalimiin:
Bawat bata ay may sariling pagkakakilanlan.
Dapat na alam natin ang mga mahahalagang bagay
tungkol sa ating sarili.
Pangako

Ako ay nangangakong kikilalanin ang aking sarili sa


pamamagitan ng __________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________ .

You might also like