Gng. Shella L. Barrozo G. Jolino Luis M. Dimalanta
Gurong Tagapamahahala Gurong Tagapamahahala Buwan ng Agosto, buwan kung kailan ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa. Kaugnay nito, nagkaroon ng pagdaraos ng mga patimpalak ang Kagawaran ng Filipino ng Mataas na Paaralang Florentino Torres sa pamamagitan ng Kapisanan ng Diwang Filipino. Layunin nito na maipamalas ng mga Torresian ang kani-kanilang talento pagdating sa larangan ng wika at panitikan. Isa sa mga patimpalak ay ang Pagbigkas ng Talumpati para sa Baitang 9 at 10 na pinangasiwaan ng mga gurong tagamahala na sina Gng. Shella L. Barrozo, Dalubguro I ng Baitang 9 at G. Jolino Luis M. Dimalanta, Guro II ng Baitang 9. Ito ay naganap noong ika-30 ng Agosto taong 2022 sa Bulwagan ng Paaralan. Bago magsimula ang patimpalak ay nagkaroon muna ng rehistrasyon ng mga kalahok.
Pormal na sinimulan ang patimpalak sa pamamagitan ng AVP o Audio Video
presentation ng panalangin, makabayang awit, at pagbibigay ng mensahe sa pangunguna ni Gng. Ma. Pura S. Talattad, Punongguro IV. Ayon sa kanya, nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil nagkaroon muli ng pagkakataon na magniig ng aktuwal sa isang makabulahang gawain gaya ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng mga patimpalak. Sa kanyang mensahe ay binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng tema na dahil sa Wikang Filipino at Wikang Katutubo ay nagkaroon ng pagtuklas at paglikha na siyang nakatulong sa buhay ng mga
Pilipino. Bilang panghuli,
pinasalamatan niya ang mga mag-aaral na lumahok sa iba’t ibang patimpalak at nawa’y ipagpatuloy ng mga ito ang pagmamahal sa wika at panitikan.
Sinundan naman ito ng pagkilala sa
mga inampalan mula sa loob at labas ng paaralan. Ang mga inampalan ay sina Bb. Jessica F. Barrientos, Guro I ng Baitang 7, Gng. Irene A. Ilagan, Dalubguro I ng Mataas na Paaralang Sergio Osmeña, at G. Virgilio G. Sia, Dalubguro I ng Mataas na Paaralang Lakandula bilang punong inampalan.
Matapos ipakilala ang mga kalahok ay
inilahad sa mga kalahok ang mekaniks at krayterya sa pagmamarka sa patimpalak. Malinaw na nailahad na mayroon lamang kabuuan na limang minuto ang bawat kalahok sa pagbigkas ng kani-kanilang nabuong pyesa sa talumpati na may kaugnayan sa tema ng Buwan ng Wika. Nagkaroon ng palabunutan upang matukoy kung sino ang mauunang kalahok na bibigkas ng kaniyang talumpati. Ito ay pinangunahan ni Sachie Marinette M. Torrente mula sa Baitang 10 - Platinum na sinundan nina Francel Maine B. Montemayor mula sa Baitang 10 - Silver, Guianna Meryz L. Arano mula sa Baitang 10 - Tungsten, Jamydie B. Dumaguin mula sa Baitang 10 - Copper, at Mariechon A. Cabangbang mula sa Baitang 9 - Silang.
Sa bahaging ito ay kinilala ang mga kalahok na nagsipawagi sa patimpalak na
makatatanggap ng Sertipiko ng Pagkilala, Medalya at Perang Pabuya. Ang Unang Gantimpala ay si Francel Maine B. Montemayor mula sa Baitang 10 - Silver, Ikalawang Gantimpala naman si Sachie Marinette M. Torrente mula sa Baitang 10 - Platinum, at Ikatlong Gantimpala naman si Jamydie B. Dumaguin mula sa Baitang 10 - Copper. Maging ang mga inampalan ng patimpalak ay makatatanggap din ng Sertpiko ng Pagkilala. Poster ng Mekaniks at Kraterya sa Pagmamarka
Rehistrasyon ng Patimpalak
Inihanda nina:
G. Jolino Luis M. Dimalanta Gng. Shella L. Barrozo