Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Liksyon 6 para sa ika-5 ng Nobyembre, 2022

“At kung paanong


itinaas ni Moises
sa ilang ang ahas,
ay gayon
kinakailangang
itaas ang Anak ng
tao; Upang ang
sinomang
sumampalataya ay
magkaroon sa
kaniya ng buhay na
walang hanggan.”
Juan 3:14, 15
Naparito si Kristo Jesus upang tubusin ang sangkatauhan, upang
ipakita ang tunay na katangian ng mapagmahal na Dios, upang
talunin si Satanas, upang patunayang kaya ni Adan na
makapamuhay ng walang kasalanan… Ano pa ang dahilan bakit
naparito si Jesus?
Ang sakripisyo ni Jesus bilang “Cordero ng Dios, na nagaalis ng
kasalanan ng sanglibutan” (Jn. 1:29) ay nangangahulugan ng
higit pa sa kamatayan sa Krus. Matagal nang nabanggit ang
kahulugan nito bago ang maiksing panahon Niyang
paglilingkod.
Ang Kordero ng Dios:
Inihanda
Ibinalita
Inialay
Ang kahulugan ng Kanyang pag-alay:
Namatay Siya para sa’kin
Ang kapangyarihan ng krus
ANG KORDERO NG DIOS
INIHANDA
“Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag sa
mga huling panahon dahil sa inyo.” (1 Pedro 1:20)
Ipinakilala si Jesus bilang inialay o pinatay “buhat nang itatag ang sanglibutan”
(Apoc. 13:8). Hindi ito nangangahulugang namatay si Jesus nang nilikha ang
sanlibutan. Gaya ng ipinaliwanag ni Pedro, si Jesus ay “naitalaga na ng una”
upang ihandog ang Kanyang sarili sakaling magkasala ang tao (1P. 1:20).
Ang kordero ng Pascua ay inihiwalay na sa ika-
10 araw upang maihandog sa ika-14 na araw. Si
Jesus ay naihanda na mula pa nang pasimula
para sa sandali ng Kanyang sakripisyo.
Salamat sa paghahandang iyon, ipinakita ng
Dios kung paano maisasagawa ang pagliligtas
sa sistema ng paghahandog. Sa ganitong
paraan ay makakahanap ng pag-asa at
kaligtasan ang mga tao bago pa man
maihandog si Jesus sa krus.
I B I N A L I TA
“At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong
araw ay muling magbabangon siya.” (Lucas 18:33)
Ipinaalam ni Jesus ang Kanyang kamatayan sa krus sa unang
pagkakataon kay Nicodemo (Jn. 3:14-15).
Sa huling taon ng Kanyang paglilingkod, tatlong beses Nya sinabihan
ang Kanyang mga alagad na kailangan Niyang mamatay:
Sa Cesarea Filipos. Hinangad ni Pedro na iwasan ito ni
Pedro (Mt. 16:21-23)
Pagdaan sa Galilea. Natakot ang mga alagad na
tanungin Sya tungkol dito (Mr. 9:30-32)
Malapit sa Jerusalem, kung saan “ang sabing ito ay
nalingid sa kanila” (Lk. 18:31-34)
Ang kamatayan ni Jesus ay salungat sa kanilang ideya ng matagumpay
na Mesias. Hindi nila maunawaan kung ano ang sinasabi ni Jesus, na
kailangan Niyang mamatay upang maligtas ang sangkatauhan.
“Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi
INIALAY niya, Naganap na: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at
nalagot ang kaniyang hininga.” (Juan 19:30)

Kusa si Jesus na nagtiis ng panghihiya at dalamhati hanggang sa krus


(Fil. 2:8).
Inudyukan ni Satanas ang mga tao upang
ipapako ang Tagapagligtas, at hikayatin Siyang
bumaba sa krus at iligtas ang Kanyang sarili
(Mt. 27:42).
Maaari bang bumaba si Jesus sa krus at iligtas
ang Kanyang sarili? Oo, ngunit alam Nyang ang
pagligtas sa sarili ay magpapahamak sa
sangkatauhan. Pinili Niyang mamatay upang
maligtas kahit na yung mga walang malay na
humihiling na huwag iligtas.
Ipinahayag mismo ni Jesus na ang kasamaan
at kasalanan ay natalo na: “Naganap na.”
“Nang sumigaw si Kristo ng, ‘Naganap na,’ ang mga
sanlibutang hindi nagkasala ay nasiguro na. Sa kanila, ang
laban ay naipanalo na. Kaya si Satanas ay wala nang lugar sa
pagmamahal ng uniberso. Ang katwirang kanyang
inihahayag, na imposible sa Dios ang pagtanggi sa sarili, kaya
nag-uutos ng hindi matuwid sa Kanyang mga matalinong
nilikha, ay nasagot na. Ang mga pag-aangkin ni Satanas ay
tuluyan nang naisantabi. Ang makalangit sa uniberso ay
nasiguro na sa walanghanggang katapatan[…]
Tumingin sa Kalbaryo. Namatay si Kristo para sa’yo, at ano
pang mas higit na ebidensya ng pag-ibig ng Dios hihilingin
mo sa naibigay na buhay at kamatayan at pamamagitan ni
Jesus?”
E. G. W. (The Review and Herald, 3/12/1901 and 5/5/1891)
ANG KAHULUGAN NG
KANYANG PAG-ALAY
NAMATAY SIYA PARA SA’KIN
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong
na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16)

Wala ni isa man sa milyon-milyong inialay na hayop mula nang bumagsak sina Adan at Eba
hanggang sa Nisan 14, 27 AD ang makakaalis ng ating mga kasalanan (Heb. 10:1-4).
Tanging ang Manlalalang ang makapagbibigay ng Sarili bilang kahalili ng mga makasalanan,
upang mabayaran ang halaga ng kasalanan: walanghanggang kamatayan (Ro. 6:23).

Kakaiba ang Kanyang kamatayan at di na maaaring ulitin. Kaya nitong


patawarin anumang kasalanang nagawa bago at pagkatapos nito (Heb.
9:24-28).
Sapat ito upang mapatawad ang aking kasalanan (Gawa 10:43).
ANG KAPANGYARIHAN NG KRUS
“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan
sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y
kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas.”
(1 Corinto 1:18)

Ano ang kapangyarihan ng krus?


Ito ang sukdulang pahayag ng hustisya ng Dios laban
sa kasalanan (Roma 3:21-26)
Ito ang sukdulang pahayag ng pag-ibig ng Dios sa mga
makasalanan (Roma 5:8)
Ito ang sukdulang pinagmulan ng kapangyarihang
makakaputol sa kadena ng kasalanan (Roma 6:22-23)
Ito ang tangi nating pag-asa ng walanghanggang
buhay (1 Juan 5:11-12)
Ito ang tanging pangontra sa paghihimagsik sa
hinaharap dito sa Uniberso (Apoc. 7:13-17)
E. G. W. (Our High Calling, February 8)

“Ang kasakdalan ng anghel sa langit ay nabigo. Nabigo rin


ang kasakdalan ng tao sa Eden […] Ang plano ng kaligtasan,
na naghahayag ng hustisya at pag-ibig ng Dios, ay
nagkakaloob ng walanghanggang proteksyon laban sa
pagkasira sa mga hindi nagkasalang sanlibutan, ganun din
sa mga natubos ng dugo ng Kordero. Ang tangi nating pag-
asa ay buong pagtitiwala sa dugo Nya na makapaglilitas sa
kalubusan ng lahat na lumalapit sa Dios sa pamamagitan
Nya. Ang kamatayan ni Kristo sa krus ng Kalbaryo ang tangi
nating pag-asa sa sanlibutang ito, at ito ang magiging tema
natin sa mundong darating.”

You might also like