Aralin 2 - Teorya NG Pinagmulan NG Wika

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

TEORYA NG PINAGMULAN

WIKA
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Teoryang Ding-dong
Ayon sa teoryang ito, nagkaroon daw ng wika ang
tao sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng
mga bagay-bagay sa kapaligiran. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan at
hayop lamang, kungdi maging sa mga bagay na
likha ng tao ay pinaniniwalaang pinagmulan ito ng
wika.
Halimbawa:
Kampana, tahol ng aso, patak ng ulan, tunog ng tren This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

atbp.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Teoryang Bow-Wow
Ang teoryang ito ay nagsasabi na maaaring
nagmula ang wika ng mga tao sa panggaya o
panggagad ng tunog na galing sa kalikasan.
Sinasabi rin dito na dahil primatibo lamang ang
mga tao, sinusunod lamang nila ang kanilang
naririnig na mga bagay-bagay.
Halimbawa;
Tilaok ng manok, tunog ng bomba o ng baril, This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

huni ng ibon atpb.


MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Teoryang Yum-yum
Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang
tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang
panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang
kanyang nais sabihin. Patunay nito, lagi nating
naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng
afirmativ na salitang tulad ng oo, opo o kaya sige.
Pag-iling naman ang kasabay ng mga negativ na
tulad ng hindi o ayaw.
Halimbawa; This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

Pagtango at pag-iling
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Teoryang Ta-ta
Ito ay isang teorya na nagmula sa wikang Pranses na ang
ibigsabihin ay “paalam”.
Pinapalagay na ang teoryang ito, na ang pagsasalita ay buhat sa
paggalaw ng kamay ng isang indibiduwal. Batay sa paniniwala,
ang naturang teorya ay may relasyon sa pagsasalita at
pagkumpas. Sapagkat parte ng isip ang nagdidikta o nagsasabi
sa pagkilos at pagsasalita na laging magkaugnay.
Halimbawa:
Pagsabi ng “ta-ta” na pamamaalan kung saan tila kumakaway
ang ating dila sa pagbigkas nito na tulad ng pagkaway ng
kamay tuwing nagpapaalam.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Teoryang Pooh-Pooh
Batay sa teoryang ito, ang unang mga salita na
namutawi sa bibig ng mga sinaunang tao ay mga
salitang nagsasaad ng matinding damdamin o bunga
ng silakbo ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit,
labis na katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla.
Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga
ang tao kapag sila’y nagugulat, nabibigla o
natatakot.
Halimbawa: This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND

“Ai-Ai” (nasasaktan) na ang ibigsabihin ay “aray”


MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Teoryang To-He-Ho
Ang ito ay tungkol sa tunog na nalilikha gamit
ang pwersang pisikal kung saan natuto ang
mga tao na magsalita dahil sa nakalilika sila
ng tunog kapag gumagamit sila ng pwersa o
lakas. Ayon sa teoryang ito, ang pagsasalita
ng tao ay bunga ng pwersang pangkatawan.
Halimbawa:
Pagbubunot ng sahig, pagpihit ng turnilyo This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Teoryang Tara-Boom-De-
Ay
Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita
mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang
ginagawa. Ang mga ritwal na ito kalimitan ay may
mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain,
nagkakaroon ng mga salitang kanilang pinananatili
upang maging bahagi na ng kanilang kultura.
Halimbawa:
pagsayaw, pagsigaw o ang mga bulong habang
ginagawa ang pagtatanim, pakikidigma atbp.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:

Tore ni Babel (Genesis 11: 1-9)


1. At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita
2. At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong
sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar; at sila'y nanahan doon.
3. At nagsangusapang, Halikayo! tayo'y gumawa ng mga laryo, at ating
lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring
argamasa.
4. At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang
moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay
tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:

Tore ni Babel (Genesis 11: 1-9)


5. At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog,
na itinayo ng mga anak ng mga tao.
6. At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat
ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at,
ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking
gawin.
7. Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang
wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:

Tore ni Babel (Genesis 11: 1-9)

8. Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng


buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan.
9. Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng
Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog
sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Pentekostes (Gawa 1-12)
1.Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng
Pentecostes.
2.Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong
ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila.
3.May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa
kanila,
4.at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita
ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Pentekostes (Gawa 1-12)
5.May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa
buong mundo.
6.Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila
sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig.
7.Sa pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba taga-Galilea silang
lahat?
8. Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika?
9. Tayo'y mga taga-Partia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea at Capadocia,
Ponto at Asia[a].
MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA:
Pentekostes (Gawa 1-12)
10. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Pamfilia, Egipto at sa mga lupain
ng Libya na malapit sa bayan ng Cirene, at mga nagmula sa Roma, mga
Judio at mga Hentil na nahikayat sa pananampalatayang Judio.
11. May mga taga-Creta at Arabia rin. Paano sila nakapagsasalita sa ating
mga wika tungkol sa mga kahanga-hangang ginawa ng Diyos?”
12. Hindi nila lubusang maunawaan ang nangyari, kaya't nagtanungan
sila, “Ano ang kahulugan nito?”
13. Ngunit may ilang nagsabi nang pakutya, “Lasing lang ang mga iyan!”

You might also like