Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Klasipikasyon ng Lingguwistikong Komunidad

Homogenous – binubuo ng mga miyembrong kabilang at nagkakasundo sa iisang


koda na sila lamang ang nagkakaintindihan.

Monolingguwal- ang miyembro o pangkat ng tao nito ay nakapagsasalita at


nakakaintindi ng iisang wika lamang.

Ferdinand De Saussaure

Heterogenous – yaong mga miyembrong may tuwirang ugnayan sa iba pang pangkat
Ng tao sa lipunan.

Bilingguwal- ang miyembro o pangkat ng tao nito ay gumagamit ng dalawang wika.


Multilingguwal- gumagamit naman ng higit sa dalawang wika ang miyembro nito.
Monolingguwalismo
Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa . Iisang wika ang ginagamit na
wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura .May iisang wika ding umiiral bilang wika
ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang
araw-araw na buhay

Bilingguwalismo
Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo
at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Multilingguwalismo
Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. •Mayroon tayong mahigit 5000 wika at
wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monilingguwal. •Karamihan sa ating mga Pilipino
ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo o
wikang kinagisnan.
IKAW mismong gumagamit ng isang
wika ay may kaibahan pa sa ibang
gumagamit din ng kaparehong wika
ngunit ibang barayti.
Tatlong Dimensyon ng Wika

1. Dimensyong Heograpikal – nagkakaroon ng baryaysyon ng wika dahil sa lokasyong


kinalalagyan ng mga taong gumagamit nito. Katulad na lang ng Pilipinas na
napaghihiwalay ng katubigan o kabundukan kung kaya nagdudulot ito ng
maraming wikain sa bansa.

2. Dimensyong Sosyal – kapansin-pansin na ang mga taong magkakalapit o may ugnayan ay


halos magkakatulad ang paraan ng pananalita. Ito ay nakabatay kung sa anong
pangkat ka nabibilang.

3. Dimensyong kontekstwal – ito ay nagaganap sa loob ng isang indibidwal. Kung minsan nag-
iiba iba tayo sa pananalita batay sa sitwasyon o konstektong ating
kinasasangkutan.

Hal. Sino ang ating kausap, ano ang paksang pinag-uusapan at saan ang usapan.
BARAYTI NG WIKA
- Ito ay tinatawag na speech variety
- Tumutukoy ito sa anumang kapansin-pansing anyo ng wika o uri ng pananalita ng
isang tao o grupo ng taong gumagamit nito.
- Kadalasan ito ay nakikita o napapansin sa pagbigkas, intonasyon, estilo, pagbuo
ng mga pangungusap at bokabularyo
Iba-t-ibang Uri ng Barayti ng Wika

Dayalek o Diyalekto – nangangahulugang barayti ng isang wika o isang


klase ng wika, hindi ito hiwalay na wika kundi isa lamang barayti.
-
Halimbawa: Wikang Tagalog ngunit ang mga diyalekto nito ay Tagalog-Batangas, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Cavite,
Tagalog-Bataan, Tagalog-Rizal. Tagalog-Maynila.
Idyolek – ito ay paggamit ng wika sa sariling paraan ng isang
indibidwal na yunik o pekulyar sa kaniya. Kabilang dito ang ginagamit
na bokabularyo at gramatika.
MARC LOGAN- kilala sa paggamit ng makatutugmang salita sa mga
nakatatawang pahayag.
Pabebe Girls- Nakilala at ginaya nang marami sa nausong dub smash
dahil sa kanilang “pabebeng” idyolek.
Noli De Castro- “Magandang gabi Bayan”
Mike Enriquez- “Hindi ko kayo tatantanan”
Mareng Wennie- “Bawal ang pasaway kay Mareng Wennie
Kris Aquino- “Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey!Darla”.
Ruffa Mae Quinto”To the highest level na talaga itoh!”
Donya Ina (MichaelV) “Anak, paki- explain. Labyu”
Sosyolek – tinatawag din itong social dialect, barayti ng wika na
ginagamit ng isang partikular na grupo ng iba’t-ibang uri o
klasipikasyon ng mamamayan sa lipunan o societal strata.
Mga Sosyolek na Wika
1. Wika ng Beki o Gay Lingo
- Ito’ y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang
kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o
kahulugan ng salita.

Halimbawa:
churchchill- sosyal
Indiana Jones- nang- indyan
bigalou- Malaki
Givenchy- pahingi
Juli Andrew- Mahuli
Mga Sosyolek na Wika

2. Coñoc (Coñoctic o Conyospeak)


- Ito isang baryant ngTaglish na may ilang salitang Ingles na
inihalo sa Filipino kaya’t masasabing code switching na
nangyayari. Naririnig sa mga kabataang may kaya at nakapag-
aral sa eksklusibong paaralan.
Halimabawa: Kaibigan 1: Let’s make kain na.
Kaibigan 2:Wait lang. I’m calling Ana.
3. JOLOGS 0 “JEJEMON”
- Ito ay nagmula sa salitang “jejeje” na isang paraan ng
pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na”pokemon”. Ito
ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang
may pinaghaha-halong numero, simbolo, at Malaki at maliit na
titik kayat mahirap intindihin lalo na kung hindi pamilyar ang
tinatawag na jejetyping.

Halimbawa: Nandito na ako- “D2 na me’


MuZtaH - “Kumusta?”
iMisqcKyuH - “I miss you”
aQcKuHh iT2h - “Ako ito”
Adjourned fiscal evidences
debit credit payable

diagnosis symptoms
Register ng Wika
Ang register ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit
ng mga taong nasa ispesipikong larangan o disiplina. Ang
mga tao o grupong ito ay gumagamit ng jargon ito ang
mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat
na may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain
(tumutukoy sa mga teknikal na salita) o sa isang tiyak na
trabaho o propesyon.
Mga halimbawa ng Jargon:
Jargon sa disiplinang Medisina at Nursing Jargon sa disiplinang Accountancy
• Therapy account
• Emergency balance
• Ward payables

Jargon sa Isports na Table Tennis


• Ace
• Fault
• Love
• Service
• Breakpoint
Tatlong Kategorya ng Register ng Wika
( Michael Halliday, isang Linggwista sa kanyang Registry Theory)

1.Field- tumutukoy sa paksa o larangang pinag-uusapan. Ang


paksa ng diskurso ay maaaring hinggil sa mga teknikal o
espesyalisadong salita na ginagamit ng mga taong nasa
partikular na disiplina o larangan.
Salita Larangan Kahulugan
virus Agham/teknolohiya Malware o software na nakasisira ng
sistema ng kompyuter

medisina Maliit na organismo na nakapagdudulot ng


sakit sa tao at naipapasa sa iba pang tao o
hayop.
operation kalakalan Paggawa

Militari Pagsasakatuparan ng isang plano

balimbing agrikultura prutas

politika Tumutukoy sa taong paiba-iba ang


pinapanigan
bola isport Bagay na hugis bilog na ginagamit sa
larong basketbol, balibol atbp

panliligaw Matatamis na salita na ginagamit upang


mapasagot ang nililigawan
SALITA LARANGAN KAHULUGAN
mura pamimili Tumutukoy sa mababang presyo ng mga bilihin
pananalita Isang ekspresyon na mayroong di kaya-ayang
kahulugan
ahas agrikultura Tumutukoy sa hayop na mahaba at nagtataglay
ng kamandag
Pag-ibig Taong mahilig manulot

daga agrikultura Hayop na sumisira ng mga pananim


panliligaw Pagiging torpe
allowance sukat ispasyo
pananalapi pera
2. Tenor of Discourse – tumutukoy sa kung sino ang kausap at ano ang
relasyon ng mga taong nag-uusap sa isang sitwasyon. Ang relasyon
ng mga taong nag-uusap ay nakaimpluwensiya nang malaki sa
paggamit ng pormalidad ng wika.

3. Mode of Discourse – tumutukoy sa paraan o kung paano nag-uusap


ang mga tagapagsalita- pasulat o pasalita. Sa pasulat ,madalas ay
pormal ang mga salitang ginagamit kung ihahambing sa pasalita.

You might also like