Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 21

ANG MGA

PAGBABAGONG
NANGYAYARI SA
AKING LALAWIGAN
AT SA
KINABIBILANGAN
NITONG REHIYON
PANALANGIN

Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito.


Nawa’y mailagay namin sa aming isip at puso ang
bawat aralin na aming matututunan sa araw na ito.
Bigyan mo po kami ng kalakasan upang maging
ligtas sa anumang sakit sa panahon ng
pandemyang ito. Ang lahat ng ito ay aming
dalangin, sa ngalan ng Iyong anak na si Hesus.
Amen.
Pagmasdan ang dalawang
larawan. Paghambingin ito
Narito ang mga pagbabago
sa ating lugar

1.Mga estruktura at kapaligiran


Ang karamihan sa mga gusali ay hanggang
unang palapag lamang noon ngunit sa
pagdaan ng panahon, marami sa mga ito
ang nagkaroon na ng maraming palapag.
NOON NGAYON
2. Pansinin mo ang mga tao
sa paligid tuwing ikaw ay
namamasyal. Dumami na ang
mga taong dumarayo sa ating
lalawigan at sa buong
rehiyon.
3. Sa mga libangan
- Dati ang libangan lang ng ating mga
magulang ay ang paglalaro sa labas ng
takbuhan at taguan. Pero sa ngayon,
marami na ang laruan na produkto ng
makabagong teknolohiya, at maging
ang napapanood sa telebisyon.
Libangan noon at ngayon
4. Sa mga gawain
Maraming mag-anak ang sama-samang
nagdarasal sa kani-kanilang simbahan
sa takdang araw ng pananampalataya.
Ang pagbisita sa mga kamag-anak,
pamamasyal ng pamilya at
pagsalubong sa bagong taon ay ilan sa
mga nakikita pa rin nating ginagawa ng
mag-anak.
5. Sa mga hanapbuhay
Ang mga hanapbuhay o
pinagkakakitaan ng mga tao ay
dumadami gaya ng call center agent,
mga trabaho nauukol sa
makabagong teknolohiya at mga
kagaya nito.
 
6. Sa mga pag-uugali o asal ng mga tao
Ang mga nakagawian ng mga mamamayan ay
unti-unting nagbago kagaya ng bayanihan o
pagtutulungan ng walang hinihintay na
kabayaran ay nawawala na.
 
 
Basahin ang mga sumusunod na tanong at lagyan ng tsek (/) kung ito ay
nagbago sa lalawigan at kinabibilangang rehiyon at ekis (x) kung hindi.
Isulat sa linya ang napiling sagot .
______ 1. Ang mga gusali noon ay dating matataas at umaabot sa sampong
palapag.
______ 2. Ang mga bata ay mayroong mga makabagong gamit gaya ng
celpon, laptop at iba pa.
­______ 3. Ang bilang ng mga taong naninirahan ay hindi pa rin dumadami.
______ 4. Ang mga uri ng hanapbuhay ay pagsasaka at pangingisda lang .
______ 5. Ang bayanihan ay madalas pa rin nakikita sa mga mamamayan.
Ibigay ang reaksiyon kung alin sa katangian ng
lalawigan ang kailangang magbago o manatili.

MGA GUSALI
HANAPBUHAY O TRABAHO

UGALI NG MGA TAO

POPULASYON O DAMI NG TAO


Bakit mahalagang
maipagpatuloy ang ibang mga
kaugalian o katangian ng
lalawigan at rehiyon?
NORMA L. BAGGAO
Master Teacher II

You might also like