ng Panitikan Mary Grace Yap-Dequiña, PhD Mga Layunin
1. Nalalaman kung bakit sinasabing ang pagbasa ng panitikan ay
kasanayang metakognitib.
2. Nabibigyang halaga ang panitikan dahil malilinang dito ang
kasanayang metakognitib.
3. Nakasusulat ng sanaysay na may kinalaman sa metakognitib na
kasanayan sa pagbasa ng panitikan Sa Pagtuturo ng Panitikan
kailangang malawak din ang kaalaman ng guro sa
kabuuan ng teksto; Kailangangmay kabatiran sa iba’t ibang pakahulugan ng mga salita, larawan at tema ng teksto; kung hindi alam ng guro ang papel ng wika at teksto, maaasahan mo bang maiintindihan ang mga ito ng mga mag-aaral? Tandaan, ang hindi natin alam ay hindi natin matuturo sa iba.
We cannot give what we don’t have.
Naniniwala ang maraming kritiko at dalubhasa na maraming paraan ng pagbabasa ng teksto. Maraming teorya ng panitikan. Maraming pagpapakahulugan at interpretasyon ang maaaring gawin kahit na iisang teksto lamang ang binabasa. Maraming aspekto na taglay ang mga teksto bukod sa kwento at aral na mapupulot dito na karaniwang pokus lamang sa pag-aaral ng panitikan. Iba’t ibang Pagdulog PORMALISTIKO sapagdulog na ito ay pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-aaralan ang mga elementong bumubuo sa katha. Tinatalakay ang magagandang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng katha—ang tema, ang tauhan, ang tagpuan at ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring kinasasangkutan ng may-akda, pangkasaysayan man o panlipunan. MORALISTIKO – pinagtutuunan ang nilalaman ng katha. Dapat nagpapakita ang isang katha ng pamantayang moral na nakapaloob sa akda. Pinag-aaralan ang panitikan at may pagtatangkang gamitin ito bilang instrumento ng pagbabago ng tao at ng lipunan. Sa pag-aaral ng akda ay naroroon ang moralistikong pananaw at binibigyang-diin ang layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan. Ngunit huwag ipagkamali na sa pag-aaral ng akdang ginagamitan ng dulog na ito ay sapat nang itanong ng guro ang “Ano ang aral/kakintalan ng kwento?” Dapat alamin na hindi nilikha ang masining na panitikan upang mangaral lamang at “lantarang ituro” sa mambabasa ang wasto at dapat asalin o ugaliin. SOSYOLOHIKAL o HISTORIKAL – ang sining ay nagsisimula sa kabuuan at di sa kawalan. Kung kasaysayan ang pinatutuunan, mataman na pinag-aaralan ang kaugnayan ng may- akda sa kanyang kapaligiran o kapanahunan at kung paano ito tumutugon sa pangangailangan o mga suliranin nito. Mapapanitili ng panitikan ang bigkis nito sa lipunan, ang pamamaraang sosyolohikal, mayroon man o walang panghihikayat ng isang tiyakang teorya, ay magpapatuloy na magiging malakas o mabisang pwersa ng kritisismo, ayon kay Scott (1965). Ang mga dulog na ito ay mainam gamitin sa pag-aaral at pagsusuri ng panitikan o akdang pumapaksa sa mga karanasan ng tao sa iba’t ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan. Hindi lamang elemento ng akda ang pagtutuunan ng pansin ng pag-aaral kundi manapa’y higit na pansin sa pansin ang iuukol sa ugnayang sosyo-kultural, politikal at kapamuhayan, at damdamin, asal, kilos, reaksyon dito ng tao. Sa pagsusuri ng ganitong akda ay tinatalakay ang mga kalagayang sosyal, ang mga sitwasyong nag-uudyok sa tao maging mabuti o masama. Binibigyang-pokus ng dulog na ito ang sistema ng pagpapahalaga sa lipunan. SIKOLOHIKAL itinuring na susi sa pag-unawa sa mga paraan ng sining, sa mga nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng tauhan sa isang akda. Tinatalakay sa mga akda ang damdaming namamayani sa mga tauhan, positibo man ito o negatibo. Mahalagang masuri ang mga emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal. Sa kaisipang Freudian, sinasabing patuloy na hahanap-hanapin ang nakagawian na o paulit-ulit na kilos o gawi ng tao . Pagkalinang ng damdaming emosyonal at diyan din umuusbong ang mga suliraning sikolohikal . 5. FEMINISMO isang pagbalikwas sa patriarkal na sistema ng lipunan— na ang lalaki ang ay kontrol ng lipunan, na ang papel na ginagampanan ng babae’y tagasunod lamang sa lalaki sa lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya, politika, ekonomiya, batas, sining at ng mismong lipunan (Mendiola,1991). Binibigyang pansin ng dulog na ito ang mga sumusumod: a) ang mga manunulat na babae at kakayahang lumikha ng mga obra; b) mga dahilan kung bakit sila kulang sa pansin; at c) ang kanilang mga akda—ang tono, larawang-diwa, kalagayan, wikang nagtataglay ng sensibilidad at iba pa. Halimbawa: Babae Kami Babae kami Hindi manikang Lalaruin, huhubaran Bibihisan, ikukulong Hindi pagkaing Sa mesa ihahain Babalatan, hihimayin --Marra Lannot HUMANISTIKO o MAKATAO binibigyang diin ng dulog na ito ang pagpapahalagang napapaloob sa panitikan. Pinalulutang ang kadakilaan, kagitingan (o ang kabaligtarang katangian) ng tao sa kanyang pagharap sa larangan ng buhay. Ang pagdulog na ito ay naniniwalang, “Ang tao ang sentro ng daigdig.” na pinagtutunang pansin ang kahalagahan ng tao sa akda, maging ang kakayahan nitong makipagkapawa-tao at tumugon sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay. ISTAYLISTIKO (Stylistics) isang magandang pamamaraan sa pagsusuri ng sa estilo at mga devices na ginagamit ng awtor. Sa dulog na ito maaaring suriin ang wikang ginagamit ng awtor (kolokyal, pormal, balbal, at iba pa); ang paningin o pananaw ng pagkakasulat sa akda (unang panauhan, ikatlong panauhan, at iba pa); ang paraan ng paglalarawan ng tauhan at ganapan ng kilos; ang mga tayutay na ginagamit; at iba pang mga prosodic devices na makapagpapayaman ng mga kahulugan tulad ng tono, diin, antala at haba sa pagbasa ng mga salita. Pagtataya (Evaluation) Sagutin sa loob lamang ng lima (5) hanggang walong (8) pangungusap. Sa iyong sariling palagay, ano ang papel na ginagampanan ng mga dulog pampanitikan sa pagkamit ng mabisang talakayan ng isang akdang pampanitikan sa loob ng klase? Makakamit kaya ng isang guro ang ganap na pagkatuto ng mga mag-aaral kung hidi gagamitan ng dulog ang paglalahad nito ng interpretasyon sa akdang tatalakayin sa klase? Ipaliwanag at bigyang patunay ang iyong kasagutan. (Nilalaman 10pts, Balarila 5pts.)