Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

WASTONG GAMIT NG

MGA SALITA
Ang bawat salita ay may tiyak na
kahulugan. Maaaring magbago ang
kahulugan ng isang pahayag kung mali
ang gamit na salita.
Nang at Ng
Ang wastong paggamit ng ng at nang 
ay ang isa sa mga hindi masyadong
napagtutuunan ng pansin ng marami sa
atin, sa ating pagsusulat. Mababatid na
naiiba ang kahulugan ng pangungusap
kung nabaliktad ang ating paggamit
sa ng at nang, kaya mahalagang
malaman ang wastong paggamit ng mga
ito.
Kung ang sumusunod na salita ay
pandiwa (verb):
• Nasaktan si Gorrio nang iwanan siya
ng kanyang kasintahan.

Pag-uulit ng pandiwa
• Lipad nang lipad ang mga kalapati.
Kung ang sumusunod na salita ay
pang-uri (adjective).
• Sumuko nang mahinahon ang mga
pugante.

Kung gagamitin sa unahan ng


pangungusap.
• Nang umapaw ang tubig sa ilog ay
nagsimulang lumikas ang mga
residente. 
Ang nang ay ginagamit bilang
pinagsamang na at na.

• Aalis ka nang hindi nagpapaalam?


(Aalis ka na na hindi nagpapaalam?)
Sa ibang mga hindi nabanggit sa itaas na
pagkakataon ay automatic na ng ang
dapat gamitin.
Mga Halimbawa:
• Ang bahay na ito ay pagmamay-
ari ng mga Hernandez.
• Binilisan ng bata ang paglalakad
sapagkat siya ay natatakot.
May at Mayroon
Wastong gamit ng MAY
Ginagamit ang may kapag sinusundan
ng pangngalan.
• May pera ka ba?
Kapag sinusundan ng pandiwa
• May sasabihin ko sa’yo.
Kapag sinusundan ng pang-uri
• May mahalagang bagay kang dapat
matuklasan.

Kapag sinusundan ng panghalip na


panao sa kaukulang paari
• Bawat miyembro ay may kani-
kanilang hinaing.
Wastong gamit ng Mayroon
Kapag may napapasingit na kataga sa
salitang sinusundan nito.
• Mayroon pa bang magsasalita ukol sa
paksang ito?
• Si Marvin ay mayroon ding
magagandang katangian tulad ni
Joseph.
Ginagamit na panagot sa tanong.
• May bagyo ba?–Mayroon.

Ginagamit kung nangangahulugang ng


pagka-may kaya sa buhay
• Hindi magandang magpanggap
na mayroon sapagkat matutuklasan
din sa bandang huli ang totoong
kinatatayuan sa buhay.
Wastong paggamit ng Subukin
at Subukan

SUBUKIN
Ang subukin ay nangangahulugan ng
pagsusuri o pagsisi-yasat sa uri, lakas o
kakayahan ng isang tao o bagay.
• Subukin mong gamitin ang sabong
ito at baka hiyang sa iyo.
• Subukin mong kumain ng gulay at
prutas upang sumigla ka.
SUBUKAN
Ang subukan ay nangangahulugan ng
pagtingin upang malaman ang ginawa
ng isang tao o mga tao.
• Subukan mo siya upang malaman mo
ang kanyang sekreto.
• Ani Erap noon, “Wag n'yo akong
subukan!”.
Wastong paggamit ng
Pahiran at Pahirin
PAHIRIN
Ang pahirin ay nangangahulugan ng pag-
alis o pagpawi sa isang bagay,alisin ang
bagay.
• Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
• Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
Dalawaang maaaring ibigay na
kahulugan ng pahiran.

1.Ang lunan o bahagi ng lunan o bagay


na pinanggagalingan ng bagay na
pinahid. Sa ganitong gamit ang pahiran
ay may layon.
2. Nagagamit din ang pahiran sa
kahulugang paglalagay ng kaunting
bagay at karaniwan ay sa bahaging
katawan.
• Pahiran mo ng vicks ang aking
likod.
• Pinapahiran ng langis ng dalaga ang
kanyang buhok.
Wastong gamit ng Rin, Raw,
Daw at Din
RIN at RAW
Ang mga katagang rin at raw ay
ginagamit kung ang sinusundang salita
ay nagtatapos sa patinig at sa
malapatinig na w at y.
• Tayo ay kasama rin sa mga
inanyayahan.
• Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado
na kakatawan sa ating pamantasan
DIN at DAW

Ang din at daw ay ginagamit kung ang


salitang sinusundan ay nagtatapos sa
katinig maliban sa w at y.
• Takot din siyang magsinungaling
kagaya mo.
• Masakit daw ang ulo ni Marlon kaya
hindi siya nakapasok sa klase.
Wastong paggamit ng Hagdan at
Hagdanan

Ang hagdan (stairs)ay mga baytang at


inaakyatan at binababaan sa
bahay/gusali.
• Mabilis niyang inakyat ang hagdan 
upang marating ang klinika.
Ang hagdanan ( stairway) ay bahaging
bahay na kinalalagyan ng hagdan.
• Matitibay ang hagdanan ng kanilang
bahay kaya hindi gumuho ang hagdan
niyon matapos ang lindol.
Wastong paggamit ng Pinto at Pintuan
Pinto 

Ang inilalapat sa puwang upang hindi ito ma
pagdaanan at kung ang
tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
• Isinara niya ang pinto upang di makapasok
ang lamok.
Pintuan 

Ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isa
ng  lugar. Ito ay ang lagusan o
pasukan o ang lugar kung saan nakalagay
 ang pinto kung meron man.
• Nakaharang sa pintuan ang paso ng
halaman kung kaya di niya maisara ang
pinto.

You might also like