Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

SINOPSIS / BUOD

Inihanda ni Bb. Sheila May B. Baldoviso


KAHULUGAN
■ Ito ay isang lagom na kalimitang ginagamit sa mga
akdang na sa tekstong naratibo tulad ng kuwento,
sanaysay nobela, dula, parabula, talumpati at iba pa.
■ Ang pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa
madaling pagkakaunawa sa diwa ng seleksyon o akda,
kung kaya’t dapat na maging payak ang salitang
gagamitin.
■ Sa pagkuha ng malagang detalye ng akda maaaring
gamitin ang mga sumusunod na tanong: Sino? Ano?
Saan? Bakit? Paano? Sa tulong ng mga ito mas
mapapadali ang pagsulat ng buod.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG SINOPSIS
1. Gumamit ng ikatlong panauhan (Hal. Sila, siya,
sina, kanila, nila)
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng
orihinal na sipi nito.
3. Kailangan maisama rito ang mga pangunahing
tauhan at ang mga gampanin maging ang
suliraning kinakaharap.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG SINOPSIS
4. Gumamit ng angkop na pang-ugnay sa paghabi ng
pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang
binubuo ay dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at
mga bantas na ginagamit sa pagsulat.
6. Ilagay ang mga sangguniang ginamit kung saan
kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
SINOPSIS / BUOD
■ Basahin at unawain ang buong akda hanggang sa
makuha ang buong kaisipan
■ Suriin at hanapin ang pangunahin at ‘di- pangunahing
kaisipan.
■ Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay
magbalangkas.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG
SINOPSIS / BUOD
■ Isulat sa sariling pangungusap at ‘wag lalagyan ng
sariling opinyon.
■ Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
■ Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapapaikli
pa ito ng hindi nababawasan ang kaisipan ay lalong
magiging mabisa ng isinulat na buod.
GAWAIN BLG. 3
Sumulat ng isang Sinopsis/buod base sa napili mong paksa. Narito ang mga pamantayan sa
pagsulat ng Sinopsis/buod.

You might also like