Ikalimang Bahagi

You might also like

Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Ikalimang Bahagi

Ang Mabisang: Pagpili ng salita


IBAT-IBANG URI NG BOKABULARYO
MGA SALITANG MAGKASINGKAHULUGAN
DIKSYON: ANG TAMANG PAGPILI NG SALITA
MGA TALINGHAGANG BUKAMBIBIG
ANG GAMIT NG IDYOMA
PANIMULANG GAWAIN
Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Ibigay ang kahulugan ng idyomang “bukambibig”
a. bukay ang bibig c. laging sinasabi
b. madaldal d. binibigkas ng bibig
2. Kompletuhin ang pangungusap “Palagi nalang butas ang __ mo dahil palagi ka
nagsusugal.
a. baba c. pera
b. bulsa d. buhay
3. Ibigay ang kahulugan ng idyomang “Anak-dalita”.
a. mayaman c. mahirap
b. masiyahin d. problemado
4. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
“Siya ay nangamba nang gabi na ay hindi pa siya nakauwi sa kanilang bahay.
a. napangiti c. nasabi
b. nag-alala d. natahimik
5. Ibigay ang kasingkahulugan ng “malakas”.
a. mabilis c. mahina
b. malusog d. mabagsik
GAWAIN
Panuto: Ayusin ang mga salitang nasa ibaba.
•ADMIYO-
•NYOSIKD-
•YATUYAT-
•TOKAREIR-
•KAALRYOOBUB-
PAGSUSURI
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga tamang sagot sa Hanay A at isulat ito sa patlang.

A B
_1. Ito ay ginagamit sa panglilinang ng mga kaisipan. A. Idyoma
_2. Gumagamit ng isang espesyal na Bokabularyo upang makilala B. Bokabularyo
ang mga pangkat ng lipunan o itago ang totoong kahulugan. C. Diksyon
_3. Tumutukoy ito sa mga salitang may parehas na kahulugan, D. Jargon
dipinisyon o itinutukoy. E. Magkasing-kahulugan
_4. Ito ay nakabuhol kung paano mo bigkasin ang isang salita kung ito ba ay
madiin, mabagal o mabilis.
_5. Pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang
mga kanya-kanyang salita ng nabuo.
PAGTATALAKAY
•IBAT-IBANG URI NG BOKABULARYO
- May espesyal na bokabularyo sa pagsasalita. May mga salitang ginagamit sa
pasalita at aktibong komunikasyon. Ang bokabularyo ng pasulat naman ay
ginagamit sa panglilinang ng mga kaisipan kadalasan ito’y pormal, pinag-iisipan at
hindi kolokyal.
•KAHULUGAN NG BOKABULARYO AT SAAN ITO NAGMULA
- Ang bukabularyo ay nagmula sa latin ng vocabulum, ang bokabularyo ay nabuo
sa pamamagitan ng hanay ng mga salita ng isang wika. Ang bukabularyo na ito ay
kilala sa mga taong nagbabahagi ng isang karaniwang wika at maari ring maipon ang
isang diksyunaryo.
• AKTIBONG BOKABULARYO- ito ay isang tao na hindi lamang naiintindihan ng kanyang sarili
ngunit madalas din itong ginagamit kapag nagpapahayag ng kanyang sarili.
• PASSIVE NA BOKABULARYO- ay isang tao na maiintindihan nang walang anumang uri ng
mga problema at walang tulong, ngunit sa paglaon ay hindi gagamitin kapag ipinapahayag, alinman
sa pagsulat o pasalita.
• PANLABAS NA BOKABULARYO- ito ay ginagamit bilang panuntunan sa psycholinguistics
upang tukuyin ang mga salitang hindi alam ng isang particular na tao na nauugnay sa mga tiyak na
sangay ng kaalaman.
• JARGON- Ang jargon ay gumagamit ng isang espesyal na bokabularyo upang malilala ang mga
pangkat ng lipunan o itago ang totoong kahulugan ng mga konsepto.
MGA SALITANG MAGKASINGKAHULUGAN
•Ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga salitang magkatulad ang kahulugan o
pareho ang ibig sabihin.
Halimbawa
DIKSYON
•Ang tamang Pagpili ng Salita
- Sa larangan ng retorika, pasulat man o pasalita, lubhang mahalaga ang diksyon, ang
tamang pagpili ng mga salita. Maaring maganda ang ibig ipabatid, maari rin naming
may mabuting layon sa pagpapahayag subalit di nagbubunga nang mabuti kung mali
ang pagkakapili ng mga salitang ginagamit. Maisasagawa laman ito kung may sapat
na lawak ng talasalitaan ang isang magpapahayag. Sa pagpapahayag, dapat isaalang-
alang ng tagapagsalita ang uri ng mga tagapakinig. Yaong may mga salitang
ginagamit natin sa pagpapahayag at may tatlong uri: likas, likha at hiram na mga
salita.
1. Likas
-Mga salitang katutubo tulad ng araw, tubig, apoy, gabi at ipa ba.
2. Likha
-Yaong mga nilikha gawa ng pangangailangan ng pag-aaral.
Halimbawa: pang-uri, pandiwari, sayusay, balarila.
3. Hiram o Hango
- Mga salitang hinihiram o hinahango sa ibang wika tulad ng titser, silya, kalye,
transportation.
Ang mga salitang likas, likha, at hiram ay napayayaman o napapaunlad sa pamamagitan
ng mga panlapi.
Halimbawa:
1. Likas- magpaaraw, mapagabi, matubigan
2. Likha- magpakadalubguro, pagsasatao, binalarila.
3. Hiram- mag-absent, ireport, mag-eksamen, pagpatsek.
MGA TALINGHAGANG BUKAMBIBIG
•Saan at kailan ginagamit
-Ang ating wika ay mayaman sa talasalitaan.
-Unang-una’y taglay nito ang katangiang manghiram ng mga salita buhat sa mga
banyagang wika o kahit sa ibang wikain sa Pilipinas.
Halimbawa: Ang salitang silahis ay hiram sa salitang celaje ng kastila na ang tinutukoy
ay isang uri ng liwanag.
-Ikalawa, may kapasidad ang mga salita sa ating wika na magkaroon ng di-tahas na
kahulugan na nagiging dahilan upang higit na yumaman ang talasalitaan.
Ang salitang silahis ay nagkaroon ng patalinghagang kahulugan na tumutukoy sa isang
uri ng kabaklaan sapagkat ito’y natangay sa agos ng mga talinghagang bukambibig na
ginagamit ng mga bakla.
-May mga talinghagang bukambibig na hinugot sa bibig ng mga bakla at kanto boy at
pinalaganap nang mabilisan ng mass media tulad ng komiks, magasin, radyo,
telebisyon at pelikula.
Halimbawa:
namamangka sa dalawang ilog -hinahabol ng sabon -nagdurugo ang puso -wanakosey.
ANG GAMIT NG IDYOMA
•IDYOMA- Ang idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya.
Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay
itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.
Mga halimbawa ng Idyoma:
1. Namamangka sa dalawang ilog-sabay na nanliligaw sa dalawang babae.
2. Kutis-porselana-makinis ang balat.
3. Balik-harap-balimbing.
•Ang gamit ng mga Idyoma
- Nagsasalin ng mga pagpapahalaga at kaugaliang pilipino.
Halimbawa:
Pakipot - gusto ngunit hindi nagpapahalata.
Mangga’t bagoong - magkaibigang lagging magkasama.
- Hindi tahasan ang pagpapahayag upang hindi makasakit ng damdamin at hindi
masira ang pakikipagkapwa-tao na makikita sa mga bayanihan.
Halimbawa:
Magaan ang kamay - madaling manakit
Putok sa buho - anak sa pagkadalaga
- Nagbibigay ng higit na makulay at pagpapakahulugang mabisa at malinaw.
Halimbawa:
Coca-colang coca-cola - napakaganda ng hubog ng katawan.
- Higit na nagiging maganda ang pagpapahayag.
Halimbawa:
Magdildil ng asin - mahirap sa buhay, halos wala ng makain.
- Binibigyang ng bagong kahuluganang mga salita sa karaniwang kahulugan.
Halimbawa:
Abutin ng siyam-siyam - maghintay nang napakatagal.
Kumukulo ang tiyan-gutom na gutom.
PAGSASANAY
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang tatlong uri ng bokabularyo?
2. Ano ang tatlong uri ng salitang pagpapahayag?
3. Magbigay ng halimbawa ng Idyoma ( dalawa o tatlo )?
4. Ano ang Idyoma?
5. Ano ang ibig sabihin ng Talinghagang bukambibig?
PAGTATASA
Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng mga sumusunod na matalinghagang salita at
gamitin sa pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel longpad.
Matalinghagang salita Kahulugan Pangungusap

1. Magdildil ng asin maghirap Kahit ako ay magdildil ng asin hindi


ako magnanakaw.
2. Di makabasag pinggan
3. Ningas kugon

4. Dalawa ang bibig

5. Butot balat
PANGWAKAS NA GAWAIN
Panuto: Sagutin ang dlawang katanungan.

1. Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng mga salita sa pagsulat at pagsasalita ?


2. Para sa iyo, bakit kailangan isaalang-alang ng tagapagsalita ang uri ng kanyang mga
tagapakinig ?
MARAMING
SALAMAT !

You might also like