Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

KAGANAPAN

NG
PANDIWA
Panimula
Basahin nang may damdamin ang usapan sa ibaba.
Carlo: Ate..Bigyan niyo po ako ng baon.
Aling Marta: Carlo…(Tinawag siya ni Aling Marta.)
Kumain ka na ba? Ha!
Carlo: Hindi pa po. Wala hong ulam. Hayan! Tumugtog
na po ang “bell” sa loob ng paaralan.
Aling Marta: Umayos ka na at baka mahuli ka na sa
klase.
Bibigyan din kita ng konting salapi mamaya.
Carlo: Sana nga po. Makabili man lang ako ng tinapay.
Mga Tanong:
1. Ano ang senaryong makikita sa usapan?
2. Saan kadalasan makikita ang eksenang ito?
3.Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung
bakit dumarami ang mga taong kapus-palad?
4. Anu-anong salita ang nagsasaad ng kilos na
ginamit
sa mga usapan? Ano ang tawag sa mga
salitang ito?
5.Pansinin din ang mga salitang sinusundan ng mga
pandiwang binanggit? Ano ang gamit nito sa mga
pangungusap? Ibigay ang kaugnayan ng mga salitang
KaalamangPangwik
a Isang paraan upang maipakita ang
maliwanag na ugnayan ng paksa/simuno at
panaguri ay angpaggamit ng kaganapan o
komplemento ng pandiwa. Ang komplemento
ng pandiwa ay bahagi ng panaguri na
nagbibigay ng ganap na kahulugan ng
pandiwa. Sa madaling salita, ito ay nakapokus
sa ugnayan ng panaguri at pandiwa sa isang
pangungusap.
1. KAGANAPANG
TAGAGANAP Ito ang
bahagi ng panaguri na
gumaganap ng kilos ng pandiwa. Ang
pananda na ginagamit dito ay ni at
ng. Halimbawa:
Kinakausap ni Itay ang
batang makulit.
2. KAGANAPANG LAYON
Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad
ng bagay o mga bagay na tinutukoy ng
pandiwa.
Halimbawa:
Tumanggap ng parangal ang ale. (Ang
layon ng pandiwang tumanggap ay ng
parangal at sumasagot sa tanong na ano?)
3. KAGANAPANG TAGATANGGAP
Bahagi ito ng panaguri na nagpapahayag
kung sino ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa.
Ang panandang para sa ang kalimitang
ginagamit dito. Halimbawa:
Nagtatrabaho ang mga magulang para sa
kanilang mga anak.
(Ang para sa kanyang mga anak ay
nagsasaad na
ito ang tumatanggap sa kilos ng
4. KAGANAPANG GANAPAN
Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad
ng lugar na ginaganapan ng kilos ng
pandiwa. Panandang sa ang ginagamit
dito.
Halimbawa:
Naglalako siya sa lansangan ng
mga kakanin.
(Ang pariralang sa lansangan ay
5. KAGANAPANG KAGAMITAN
Nagsasaad ang bahaging ito ng panaguri ng bagay
o instrumentong ginagamit upang maisagawa ang kilos
ng pandiwa. Ginagamit ang panandang sa
pamamagitan ng sa bahaging ito.
Halimbawa:
Nagbigti siya sa pamamagitan ng isang matibay
na kumot.
(Ang pariralang sa pamamagitan ng isang
matibay na kumot ang ginamit na instrument upang
maisagawa ang pandiwa.)
6. KAGANAPANG SANHI
Ang bahaging ito ng panaguri ay
nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng
kilos ng pandiwa. Ginagamit na pananda ang
pariralang dahil sa.
Halimbawa:
Napaiyak si Jose dahil sa
matinding pagkadismaya .
(Ang sanhi ng pandiwang napaiyak
ay sa matinding pagkadismaya.)
7. KAGANAPANG DIREKSYUNAL
Ang bahaging ito ng panaguri na
nagtuturo sa direksyon ng kilos na taglay ng
pandiwa.
Ginagamit na pananda ang pang-ukol
na sa. Halimbawa:
Ang mga pagkain ay inilagay sa ilalim
ng aparador.
(Ang direksyong itinuturo ng
pandiwang inilagay ay sa ilalim ng
Pagsasanay:
1.Ang masukal na pook ay ginalugad ng mga
residente.
2. Kinaumagahan, nagtitinda ng puto ang ale.
3.Dahil sa pangambang masaktan, nanatili na
lamang siya sa bahay.
4.Tinalo ni Mayweather si McGregor
sa labanan.
5.Ang bagyo ay humupa na sa ibang lugar
ng Mexico.
6.Naglinis ng bakuran si Jessie
sa pamamagitan ng walis
tambo.
7.Para sa kaligtasan ng marami ang ayuda ay
ipinagkakaloob ng gobyerno.
8.Ang mga mag-aaral ay nanatili lamang
sa loob ng kanilang klasrum.
9.Ang mga mapagkawanggawa ay
nagkaloob ng tulong sa mga nasalanta sa
bagyo.
Gamiting Komplemento o Kaganapan ng
pandiwa ang mga salita. Isaalang-alang ang mga
nasa loob ng panaklong sa pagbuo ng
pangungusap.
1. Pangulong Duterte (Tagaganap)
2. Lungsod ng Guindapunan (Ganapan)
3. Malakas na bayo ng bagyo (Sanhi)
4. Mga batang alila (Tagatanggap)
5. Pera (Layon)
6. Bolpen (Kagamitan)
Papangkatin sa lima ang mga mag-aaral
at bawat grupo ay bubuo ng usapan ayon
sa mga napapanahong isyu gamit ang
mga kaganapan ng Pandiwa.

You might also like