Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Mga Barayti

ng Wika
Ang pagkakaroon nito ay bunga ng
paniniwala ng mga linggwista na ang wika
ay heterogeneous o nagkakaiba-iba. Dala ito
ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t
ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain,
pinag- aaralan at iba pa .
1. Diyalekto / Dayalek

Ang barayti ng wikang nalilikha


ng dimensyong heograpiko. Ito
ang wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o
pook, malaki man o maliit.
HALIMBAWA:

Tagalog - Bakit?
Batangas – Bakit ga?
Ilocos – Bakit ngay? / Apay?
2. Idyolek

Nakagawiang pamamaraan o estilo sa


pagsasalita ng isang indibidwal o ng
isang pangkat ng mga tao.
Ang wikang tipikal/ pangkaraniwang
ginagamit ng isang tao; ang personal na
“wika” ng isang tao.
HALIMBAWA:

“Magandang Gabi Bayan!”


“Excuse me po!”
“Ngayon, bukas, at magpakailanman.”
“Ang buhay ay weather weather lang.”
3. Sosyolek
Nakabatay ang pagkakaiba nito sa
katayuan o istatus ng isang gumagamit ng
wika sa lipunang kanyang ginagalawan.
Barayting nabubuo batay sa
dimensyong sosyal. Tinatawag din itong
sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay
ito sa mga pangkat panlipunan.
HALIMBAWA:

a. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!


(bakla)
b. Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang
crush ko! Tapos nakasabay ko pa s'yang
mag-lib! (estudyante)
c. Kosa, malabo 'yang plano n'yong pagpuga.
(preso)
4. Etnolek
Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop
mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming
pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng
Etnolek.
Ang mga salitang napapaloob sa etnolek ay
ang mga salitang ginagamit ng mga
mamamayan sa isang lugar o pangkat na likas
lamang sa kanila.
HALIMBAWA:
Vakuul salitang Ivatan na tumutukoy sa kanilang panakip sa ulo
Palangga Iniirog sa salitang Cebuano
tumutukoy sa pinuno ng isang komunidad o kaharian sa
Solutan
salitang Meranaw; Sultan
Munsala tawag sa isang uri ng tradisyonal na sayaw ng mga Ifugao
tumutukoy sa mainit na pakiramdam o pagkabalisa sa wika ng
Banas
mga Tagalog
isang uri o paraan ng paglalagay ng tradisyonal na marka sa
Batuk
katawan mula sa Kalinga
Adlaw salitang Visaya na tumutukoy sa araw, panibagong umaga
isang uri ng pinrosesong karne na kilala sa pagiging
Bagnet
malinamnam kapag niluto
5. Ekolek
Barayti ng wika na kadalasang
ginagamit sa loob ng ating tahanan.
Ito ang mga salitang madalas na
namumutawi sa bibig ng mga bata at
mga nakatatanda, malimit itong
ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.
HALIMBAWA:
Nanay – mom – inay – nanay – mudra – mamshie
bunso – baby – beh
banyo – palikuran – kubeta – CR
Parusa – palo – sinturunin – pingutin – hatawin
kain- am-am – papa – lantak
Lababo – batalan – hugasan – urungan
6. Jargon
Ang jargon ay baryasyon o barayti ng wika
na tinatawag din bilang natatanging
bokabularyo ng isang partikular na pangkat na
gawain o propesyon.
Dahil sa jargon, mas napapadali ang
paggawa o pagtatrabaho ng mga propesyonal
sa kanilang kinabibilangang propesyon,
trabaho, o larangan.
HALIMBAWA:
Batas o Ligal na Science/Agham/ Sports 
Usapin Siyensiya
Offense
Defendant Bacteria Defense
Custody Cells Coach
Hearing Fungus Injury
Evidence Seismology Love
Execute Tropical storm Track
Summon Magnitude Goal
Legal office Geology Slam dunk
Dismissal
7. Pidgin
Ito ay barayti ng wika na walang pormal na
estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s
native language” ng mga dayuhan. Ito ay
ginagamit ng dalawang indibidwal na nag
uusap na may dalawa ring magkaibang wika.
Sila ay walang komong wikang ginagamit.
Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na
salita o mga pansamantalang wika lamang.
HALIMBAWA:

Kayo bili alak akin.


Ikaw wag upo d’yan. Para di ako lugi.
Suki, ikaw bili akin ako bigay
diskawnt.
Ikaw aral buti para ikaw kuha taas
grado.
8. Creole
Mga barayti ng wika na nadebelop
dahil sa mga pinaghalo-halong salita
ng indibidwal, mula sa magkaibang
lugar hanggang sa ito ay naging
pangunahing wika ng partikular na
lugar. Ito ay pinaghalong iba’t ibang
wika.
HALIMBAWA:
Chavacano – Ito ay isa sa mga wikang
sinasalita sa Pilipinas, lalo na ang mga
taga-Zamboanga at ilang bahagi ng
Cavite, Davao, Maynila, at Basilan. Ito ay
halong Kastila at wikang Bisaya. Ang
salitang Chavacano ay nangangahulugan
mismo ng “mababang panlasa” o “bulgar”
sa wikang Spanish.
HALIMBAWA:
CHAVACANO ENGLISH SPANISH
“Bienvenidos!” Welcome Bienvenidas /
bienvenidos
“Muchisimas Thank you very much.
Gracias” Muchísimas gracias
Good morning; Good
“Buenas Dias; Buenas afternoon; Good Buenos dias; Buenas
Tardes; Buenas evening. tardes; Buenas
Noches” noches.
I love you
“Ta ama iyo contigo” te quiero
You are beautiful;
“Bonita/Bonito oste” handsome. Eres Hermosa
“Quidao” Take care. Cuídate

You might also like